KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip kay Zandy at sa kakaibang pinaparamdam niya sa akin. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niyang magtiwala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saang parte ako magtitiwala sa kaniya.
Huling araw na rin namin sa resort at bukas ay babalik na rin kami ng Manila. Babalik uli ang lahat sa normal. Babalik sa trabaho at uuwi sa bahay na kasama si Zandy. Hindi ko na alam ang pwede pang mangyari dahil habang mas tumatagal mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko.
Matapos naming mag-breakfast, nagpasiya akong maligo sa dagat kahit mataas na ang sikat ng araw. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na malapit ako sa dagat. Nagsuot lang ako short at bralette. Hindi naman kasi ako nagbi-bikini. Naramdaman ko ang mainit na sikat ng araw sa balat ko. Nagugusot pa ang mukha ko dahil sa tindi niyon.
"Ikaw, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko kay Zandy habang nandoon kami sa isa sa mga cottage na nagkalat doon.
Bumaling siya sa paligid bago bumagsak sa akin ang mga mata niya. "It's too hot, Miles," simple lang niyang sagot.
Kinunutan ko siya ng noo. "Ang arte mo naman, Zandy," sambit ko. "Minsan lang tayong mapalapit sa dagat hindi mo pa susulitin," giit ko.
"Kuntento na akong malapit sa 'yo, Miles," seryosong sagot ni Zandy. Natigilan ako. Hindi ko rin talaga alam itong si Zandy, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig.
Kumurap ako at alangang ngumiti. "Baliw! Ang dami mo na namang sinasabi." Saglit akong yumuko at kapagkuwa'y, hinawakan ko ang braso ni Zandy. "Let's go, Zandy samahan mo akong maligo. I want you to experience this, maligo sa dagat," giit ko. Hinila ko siya at nagpatianod naman siya pero halatang ayaw sumama.
"Wait," sambit ni Zandy. Huminto ako. Binitawan ko ang kamay niya dahil pakiramdam ko'y habang hawak ko 'yon, may kung ano'ng pakiramdam ang dumadaloy sa akin. "Wait me here," kunot ang noo na aniya dahil sa sikat ng araw. Tumango lang ako.Tumalikod si Zandy at naglakad pabalik sa cottage. Ilang saglit pa at bumalik siya na naka-topless lang. Mainit na ang sikat ng araw pero mas lalo 'yong uminit dahil sa nakalantad niyang katawan. Hindi ko maitatanggi may hulma iyon. Malalapad ang balikat niya, may nakaukit na abs at masasabi kong alaga iyon. Hindi ko maiwasang hindi iyon titigan at mamangha.
"Stop staring at me like that, Miles baka matunaw ako. Why, you think I'm hot?" mayabang na sabi nito habang nakatingin sa akin.
Kumurap ako at lumunok. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. Pinilit kong hindi tingnan at ma-distract sa katawan niya.
"Huh? I-ikaw, tinititigan ko? Of course not! Masyado lang mainit kaya napatingin ako sa baba and for your information, you're not hot. Yabang!" angil ko sa kaniya at tumalikod. Hindi ko namalayang napangiti ako at may kung anong kilig ang nanuot sa loob ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Zandy. "Hindi pala, huh?" Bakit ang sarap sa tainga ng boses niya habang mahinang tumatawa? "Dahil lang din ba sa init kung bakit namumula 'yang mga pisngi mo?" tanong ulit niya.
Kinagat ko ng bahagya ang pang-ibabang labi ko. "Yeah! T-tama ka. M-mainit kasi kaya...kaya namumula ang pisngi ko," sambit ko. Inirapan ko pa siya. "Bahala ka nga riyan!" Tumalikod ako pero nang akmang hahakbang na ako, naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa braso ko at marahan akong hinala.
Napaawang ang bibig ko sa gulat at nalamayan ko na lang ang sarili ko na hawak na ni Zandy ang kamay ko habang ang kanang kamay niya'y hapit ang baywang ko. Naramdaman ko na rin ang matigas niyang katawan. Naestatwa ako at hindi makagalaw. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gusto nang lumabas mula sa kinalalagyan niyon.
Nagtama ang mga mata namin ni Zandy. Parang na-magnet niya iyon dahil hindi ko magawang umiwas. Napalunok ako. May kung ano'ng damdamin ang sumalakay sa akin dahil sa tagpong iyon. Nanghihina ako at walang lakas na kumawala.
"I like your eyes, your lips, your nose, gusto ko ang lahat sa 'yo, Miles," ani Zandy habang nakatingin sa mukha ko na para bang kinakabisado iyon. "At gusto kong ako lang ang hot at gwapo sa paningin mo," dagdag pa niya. "I may sound selfish pero gusto ko na ako lang ang titingnan mo na may pagnanasa at paghanga."
Mas hinapit pa niya ako para isiksik ang katawan ko sa kaniya. Napakapit ako sa balikat niya habang nanatili ang mga mata ko sa kaniya. "Z-Zandy, hindi ako—"
"Shhh!" hinarang niya ang daliri niya sa labi ko para pigilan akong magsalita. "Gusto kong palagi mo akong tinitingnan ng ganiyan, Miles at gusto ko ring sa akin lang tumitibok ang puso mo ng ganiyan kabilis." Ngumiti siya at napailing. "I don't know why, Miles, dahil kahit ako'y hindi ko maintindihan ang sarili. Nababaliw na ba ako kung sasabihin ko sa 'yong gusto kitang palaging makita?"
Lumunok ako. Saglit pa akong tumitig sa kaniya bago saglit na yumuko. "Hanggang kailan mo mararamdaman iyan, Zandy? Hanggat wala si Beverly?" seryoso kong tanong habang nakatingin muli sa mga mata niya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang posibilidad na bumalik si Beverly at piliin ito ni Zandy dahil mas malalim ang pagmamahal niya para kay Beverly.Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay braso niya sa baywang ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya at lungkot. Nandoon pa rin ang katotohanang may lugar pa si Beverly sa puso ni Zandy at iyon ang kinatatakot ko dahil hindi malabong bumalik si Beverly sa buhay niya.
"Miles, can you stop mentioning her name everytime na nag-uusap tayo?" Bakas ang inis doon.
Pinilit kong humiwalay sa kaniya. "I'm just protecting my heart from pain, Zandy," pakli ko.
"Sino bang nagsabing sasaktan kita? Miles, can you please trust me. Alam ko ang ginagawa at sinasabi ko. I really mean it," giit niya.
"Mahirap maniwala, Zandy. Baka ngayon sigurado ka, pero paano kapag bumalik si Beverly sa buhay mo, baka hindi ka na sigurado sa akin," bakas ang lungkot at pait doon.
Nasapo ni Zandy ang noo niya na halatang nagpipigil ng inis. "Hanggang kailan mo ibabalik sa akin ang nakaraan ko? I'm on my present life, Miles at ikaw ang gusto kong makasama. Ang gusto ko ikaw," giit niya.
Parang tumigil ang paligid ko sa sinabi niya.
Napatitig ako sa kaniya pero agad ding akong umiwas. Naguguluhan ako at natatakot sa mga nangyayari. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako kay Zandy pero hindi ako sigurado kung hanggang saan ang mararamdaman ni Zandy para sa akin lalo't alam ko kung gaano niya kamahal si Beverly.
"Zandy, natata—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong hapitin kasunod ang paglapat ng mga labi namin sa isa't isa. Hindi ako nakagalaw. Nanlaki ang mga mata ko habang ramdam ko ang paggalaw ng labi niya habang sapo ang leeg ko.
Napuno ng kakaibang ligaya ang puso ko. May kiliti roon sa bawat halik na ginagawad ni Zandy at aminin ko man o hindi gusto ko ang ginagawa niya. Namalayan ko na lang ang pagpikit ng mga mata ko at pagganti ko sa bawat halik niya. Napakapit na rin ako sa leeg niya.
Bahala na! Baka kailangan kong subukang sumugal at ipaglaban din ang nararamdaman ko para kay Zandy.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...