Unexpected 59 (Part 2) [SPG]

1.3K 20 0
                                    

[SPG Alert! Read at your own risk]

ILANG minuto akong nagtagal sa loob ng bathroom, nagbabakasakaling maiibsan ang init na nararamdaman ko pero saglit lang iyon at nang makapagbihis ako, muli na namang umalab ang kakaibang init na iyon na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Para bang hinahanap ng katawan ko si Zandy ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin siya sa loob ng villa matapos nang nangyari kanina.

Pumasok ako sa loob ng silid ko pero hindi pa rin ako mapakali. May kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang biglang nararamdaman ko.

Pabagsak akong humiga sa kama habang nakadipa. Tumitingin ako sa puting kisame at habang nakatitig ako roon bumalik sa akin ang nangyari kanina at ang nakita kong pagk*lalaki ni Zandy. Pinilig ko ang ulo ko at pumikit para pilit iwaksi iyon dahil lalo akong mababaliw habang nakikita ko ang tagpong iyon. Nakakahiya!

Ilang saglit pa at muli akong bumangon sa pagkakahiga. Tumayo ako sa kama at lumapit sa glass wall kung saan kita ang malawak na resort na napapailawan ng maraming ilaw na nagkalat doon. Humalukipkip ako.

"Ano ba 'tong nangyayari sa 'yo, Miles?" mahinang kong tanong sa sarili ko.

Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang kakaibang pakiramdam na ito. Suminghap ako. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang sarili kong daliri. Nagpasiya akong lumabas ng silid ko at dumeretso sa kitchen ng villa. Agad akong kumuha ng malamig na tubig at ininom iyon para kahit pa paano'y maibsan ang init na nararamdaman ko. Nakailang baso ako pero wala rin iyong talab.

Mayamaya pa'y napapitlag ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang yabag palapit sa akin. Naramdaman ko ang presensiya ni Zandy na malapit sa akin. Hindi ako kumibo at hindi ko siya nilingon.
 
"Bakit gising ka pa?" tanong niya. Hindi nakaligtas sa akin ang amoy ng alak. Nag-inom ba siya?

Pinilit ko ang sariling kong hindi lumingon sa kaniya. Nakita ko ang kamay niya na kumuha ng baso at tubig. "H-hindi pa ako...hindi pa ako inaantok, eh," sabi ko. Pumihit ako para sana bumalik na sa silid ko pero nandoon nakatayo si Zandy. Kung saan ako pupunta doon siya na para kaming nagpapa-patintero sa isa't isa. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Sorry, Miles," aniya at nang akmang hahakbang na ako nang hawakan niya ang braso ko. Lalong nag-alab ang init sa akin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ako nakagalaw na para bang nahuli ako ng mga tingin niya at hindi na ako makakawala pa. "I'm sorry, I can't take it anymore." Pagkasabi niyon ni Zandy, agad niya akong hinapit at marahang hinalikan. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat ko at hindi ko rin alam ang ire-react ko.

Naramdaman ko ang lalong pag-init ng katawan ko habang nararamdaman ko ang bawat paghaplos ng palad ni Zandy sa katawan ko. Ang marahang halik niya ay nagsimulang maging mas maalab.

Hindi ko alam kung paano umiwas. Wala akong lakas para itulak siya palayo at humiwalay sa marubdob na halik na iyon. Nanghihina ang tuhod ko. Mas lalong nag-alab ang init sa katawan ko at alam kong si Zandy lang ang makakapawi niyon. 

Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng init na nararamdaman ko. May kung ano sa pagkababae ko na nabuhay doon. Namalayan ko na lang ang sarili ko na pumikit at nagsimulang gumanti sa bawat halik niya sa akin. Mas umalab ang tensyon. Hindi na rin maawat ang kamay ni Zandy na humihimas sa parteng likod ko.

Mas hinapit niya ako palapit sa kaniya habang patuloy siya sa paghalik sa akin. Ramdam ko ang katawan niya at ang matigas na bagay na iyon na nararamdaman ko sa parteng tiyan ko.

Marahang gumalaw si Zandy habang hawak ako sa baywang at hindi niya pinuputol ang halik na iyon na mas naging maalab. Iginiya niya ako sa kama at binitawan ako. Humiwalay siya sa akin. Kita ko sa mukha niya ang init ng pagnanasa habang namamawis ang noo. Nagsimula siyang hubarin ang suot niyang damit. Lumantad sa akin ang malaki niyang katawan na lalong nagdala sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ko'y maiihi ako.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon