HINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng silid sa hospital kung saan dinala si Zandy matapos niyang mabagsakan ng lightning na iyon sa seat ng photoshoot. Hindi naman siya nawalan ng malay pero mukhang nagtamo siya ng serious injury sa likod niya dahil sa bigat niyon. Agad siyang dinala sa hospital ng emergency team ng kompanya.
Pinagsalikop ko ang kamay ko at bahagya iyong pinisil para kahit pa paano mabawasan ang kaba ko. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko na pwedeng mangyari kay Zandy. Paano kung mabali ang likod niya? Paano kung makuba siya? Nag-aalala ako para sa kaniya at sa kalagayaan niya.
Pumikit ako habang nakaupo sa waiting area. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at ang pasagip ni Zandy sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya naisip na iligtas pa ako. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko sa nangyari sa kaniya. Hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa kabila ng pagsusungit ko sa kaniya nagawa pa rin niya akong iligtas. Mayroong bahagi sa puso ko na labis na masaya dahil sa concern na pinakita ni Zandy sa akin dahil sa ginawa niya.
"Kumusta si Zandy?"
Nagmulat ako at tumambad sa akin si Sir Troy na bakas ang pag-aalala para sa kalagayan ni Zandy.
"Nasa loob pa po siya, Sir for observation," malungkot kong saad. Yumuko ako dahil nahihiya ako. "Sir, I'm sorry for what happened," paghingi ko ng paumanhin.
"No, hindi mo kasalanan, Miles it was an accident at walang pwedeng sisihin dito," seryosong aniya.
Mayamaya pa'y mabilis akong tumayo nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang doctor na nag-asikaso kay Zandy.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng manggagamot.
"Ako po, Doc asawa ko po siya," mabilis kong sagot na hindi ko alam kung bakit parang proud akong ipangalandakang asawa ako ni Zandy. "Kumusta na po siya, Doc? Hindi po ba nabali ang likod niya?" puno ng pag-aalala kong tanong.
Tiningnan ng doctor ang hawak niyong mga papel. "Well, base on some tests wala namang nakitang serious injury sa back bone ng pasyente. Namaga lang ang kaniyang likod at nalanig ang kaniyang buto dahil sa tumama roon. He's fine now," sagot nito.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi ng doctor. Bahagya ring nabawasan ang kaba ko at guilt na kanina pang lumalamon sa akin.
Napangiti ako dahil sa relief na naramdaman ko. "Thank you, Doc. Salamat po," masaya kong sabi.
"Thank you, Doc," ani naman ni Sir Troy.
Ngumiti naman ang doctor at tumango sa amin. Bumaling ito sa akin. "Pwede mo nang puntahan ang asawa mo, Miss," anunsyo nito. "Sige, mauna na ako sa inyo." Muli itong ngumiti bago tuluyang umalis sa harap namin
Hindi ko alam pero 'yong saya sa puso ko hindi ko maipaliwanag dahil sa nalaman kong ok na si Zandy. Baka dahil sa kasalanan ko iyon kaya ganito na lang ang nararamdaman kong saya at mapapanatag na ang loob ko.
Mabilis akong pumasok sa silid na iyon at nakita ko si Zandy na nakahiga sa kama habang nakapikit at nakapatong ang braso sa noo. Mayroon siyang braces sa kaliwang braso dahil na-injure din yata iyon.
Huminto ako at pinagmasdan ang mukha niya na hindi ko alam kung bakit palagi kong na-a-appreciate ang gwapo niyang mukha.
"Tititigan mo na lang ba siya, Miles?"
Napapitlag ako dahil sa boses na iyon ni Sir Troy. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko kaya naman yumuko ako para itago iyon. Humakbang ako palapit kay Zandy at ganoon din si Sir Troy
"Z-Zandy," nahihiya kong tawag sa pangalan niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, nagtama ang mga paningin namin pero agad din siyang umiwas at pumukit uli.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...