Unexpected 34

1K 18 0
                                    

KINAUMAGAHAN, agad akong dumeretso sa opisina ni Sir Troy dahil pinatawag niya ako. Halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi kakaisip ko kay Zandy at sa kakaibang pinakikita niya sa akin. Hindi rin ako sanay na ganito siya. Nakakapanibago at nakararamdam ako ng pagkailang.

Kumatok muna ako sa pinto ng silid ni Sir Troy at binuksan iyon nang bigyan niya ako ng pahintulot.

"Good morning, Sir," bati ko na seryoso ang mukha.

"Good morning, Miles, maupo ka," balik naman niya na hindi ako nilingon dahil abala sa papel na binabasa. Mamaya pa'y inalis niya ang salamin at inayos ang mga papel na nasa harap, saka humarap sa akin. "By the way, how's Zandy? Is he fine?" tanong pa niya.

Tumango ako at bahagyang yumuko. "Yes, he's fine now. Lalabas na rin po siya sa hospital mamaya," sabi ko. Iyon kasi ang sinabi ni Tita Mandy sa text, pwede na raw lumabas si Zandy sa hospital at sa bahay na lang magpagaling.

"That's good to know, Miles," ani Sir Troy na bakas din ang saya at relief dahil ok na si Zandy. "Siya nga pala, about sa new project mo, I decided to reschedule the interview because of what happened to Zandy. It will be next Sunday," dagdag niya.

Bigla kong naalala ang ang next project na sinasabi ni Sir Troy na nakalimutan ko dahil sa nangyari kay Zandy. "Ok, sir," maikli kong sagot. Kahit pa paano'y pabor naman sa akin ang pagre-reschedule ng interview.

"Good. You can back to your work, Miles." Ngumiti pa siya sa akin.

Pilit akong ngumiti at tumayo na sa pagkakaupo. "Salamat, Sir," sabi ko bago tumalikod at lumabas ng silid na iyon.

Lalo akong na-curious sa kung sino ang ife-feature ko sa interview na iyon na hindi man lang ako binigyan ng idea sa kung sino ang taong iyon para mapaghandaan ko ang pagharap ko sa kaniya.

MAAGA akong nag-out sa opisina dahil kailangan ni Tita Mandy nang katulong para ilabas si Zandy sa hospital. Nag-text pa ito sa akin na kung pwede akong pumunta roon dahil busy daw si Tito Andrew kaya hindi ito makakasama.

Sumakay ako nang sasakyan ko at mabilis iyong pinaandar papunta sa hospital.

Kahit pa paano'y nababawasan na 'yong guilt sa akin dahil sa nangyari. Nawawala na rin ang kaba ko at ang labis na pag-aalala ko kay Zandy dahil alam kong nagiging ok na ang kalagayan niya pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ni Zandy at ang nangyari sa kaniya dahil sa akin. Sa tuwing naiisip ko iyon, may kung anong damdamin ang nararamdaman ko na nagpapapitik sa puso ko. May nagbabago sa paningin ko sa kaniya.

Bumaba ako nang sasakyan nang makarating ako sa hospital. Agad akong pumasok sa gusali at dumeretso sa silid ni Zandy. Nadatnan kong mag-isa siya roon.

"Where's Tita?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat niya nang makita ako.

"Why are you here, 'di ba't may trabaho ka?" nagtataka namang balik ni Zandy. Nakaupo siya sa gilid nang kama. Wala na rin siyang dextrose sa kamay pero nandoon pa rin ang benda sa kaliwang braso niya.

"Nag-out ako ng maaga. Tita just texted me to go here," kaswal kong sabi. Nararamdaman ko na naman ang pagkailang ko na tingnan siya sa mukha. "I thought Tita is here."

"She's on the billing station," pakli ni Zandy at bumaling ang ulo sa baba.

Tumango lang ako. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano. Nahihiya at naiilang ako. Bumaling ako sa paligid at nakita kong hindi pa nakaayos ang mga gamit doon. Kumilos ako at sinimulang ayusin ang mga iyon. Inilagay ko sa bag ang ilang damit ni Zandy at ang mga gamit na nandoon.

"K-kumusta ka na?" tanong ko habang abala sa pagliligpit. Ilang beses kong pinag-isipan kong itatanong ko ba iyon o hindi. Humugot pa kasi ako ng lakas ng loob para sabihin iyon.

"I feel good right now, Miles. Hindi mo na kailangang mag-alala dahil sa guilt na nararamdaman mo sa nangyari," seryosong aniya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Ganito na ba ako kababaw? "Sa tingin mo, Zandy nag-aalala lang ako sa iyo dahil iniisiip kong kasalanan ko? Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Na kapag na aksidente ka ng hindi dahil sa akin, hindi ako mag-aalala at pababayaan lang kita? Ganoon ba 'yon?" seryoso kong sabi. "I'm not that bad para hindi mag-alala sa tao," dagdag ko pa.

Naiinis ako dahil ipinipilit niyang nag-aalala ako kasi ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Ang dating kasi niyon sa akin, kapag nasaktan siya na hindi ako ang dahilan wala akong pakialam sa kaniya at hindi mag-aalala. Para bang ang sama kong tao.

Hindi agad nakaimik si Zandy sa sinabi ko. Hindi ko na rin siya nilingon at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis ako sa bagay na iyon kahit parang ang babaw naman niyon.

"Oh, Miles nandito ka na pala?"

Napalingon ako kay Tita Mandy nang pumasok siya sa silid. Ngumiti agad ito sa akin na ginantihan ko rin. "Kumusta po kayo, Tita?" tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Don't call me Tita again, magtatampo na ako niyan," nakasimangot na sabi niya pero agad ding ngumiti.

"I'm sorry po Tit—Ma, hindi lang po kasi ako sanay," nahihiya kong pag-amin. Nakalimutan kong gusto nga pala nitong tawagin ko siyang Mama.

"It's okay, hija I understand. By the way, thank you sa pag-aalaga sa anak ko, huh?" seryosong tanong ni Tita Mandy.

Alangan akong ngumiti. "I'm sorry, 'Ma kasi Kasalanana ko kung bakit—"

"No, hija hindi mo kasalanan. It was an accident, he was just saved you kasi nag-aalala sa iyo si Zandy dahil ayaw ka niyang masaktan," masayang sabi nito na parang ganoon nga ang nasa isip ni Zandy.

Ngumiti ako. Naalala ko rin ang sinabi ni Zandy na hindi ko naman kasalanan ang nangyari at hindi ko dapat sisihin ang sarili ko.

"Ma, let's go home. Ayaw ko nang mag-stay pa rito ng matagal," sabat ni Zandy.

Napalingon kami ni Tita Mandy kay Zandy na bakas ang inip at boredom sa mukha. Kahit sino naman siguro'y hindi gugustuhing manatili sa hospital ng matagal.

Natawa si Tita Mandy. "Ok, let's go home, anak," masayang sabi ni Tita Mandy at nilapitan ang anak. "Let's just wait the wheelchair, 'nak bawal pa kasing mapwersa ang likod mo dahil baka hindi na gumaling," ani Tita Mandy.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ni Zandy, saktong dumating ang nurse na may dalang wheelchair. Inalalayan nitong isakay doon si Zandy at itinulak palabas ng silid.

Sumunod naman kami ni Tita Mandy na kanina ko pang napapansin ang masaya nitong mukha. Marahil dahil ok na si Zandy.

"I'm happy for you, hija."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Tita Mandy. Happy for me? Bakit? "Bakit po, 'Ma?" nagtataka kong tanong.

"I mean, I'm happy for you and Zandy." Maliwanag ang mga ngiti nito na para bang natutuwa sa nangyayari. "Nararamdaman at nakikita kong nagkakamabutihan na kayo ng anak ko."

Alangan akong ngumiti. Nagkakamabutihan? Hindi ko alam. Baka ngayon lang ito dahil sa aksidenteng nangyari at 'pag ok na uli si Zandy, balik na ulit ang dati naming turingan.  Bangayan dito, sumbatan doon.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon