Unexpected 39

967 17 0
                                    

HANGGANG makarating ako sa opisina, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Zandy nang nagdaang gabi tungkol sa katotohanang sinasabi niya tungkol kay Roven. Hindi ko alam ang iisipin ko o kung dapat ko bang paniwalaan si Zandy sa sinabi niya. Pero pakiramdam ko, may nakatago sa nakaraan ko na na kailangan kong malaman. Dapat ko pa bang kausapin si Roven para marinig ang lahat ng iyon?

"The interview will be on Saturday, Miles," sabi ni Sir Troy nang makarating ako sa opisina niya dahil pinatawag niya ako.

Tumango ako. "Sir, may I know who he is, para naman mapaghandaan ko ang pagharap ko sa kaniya. I've never experienced an interview with unknown personality. Ni hindi ako makakapag-research para magkaroon ng konting idea kung sino siya at ano'ng dapat kong itanong sa kaniya," paliwanag ko sa kaniya.

Bahagyang kumiling si Sir Troy. "Don't worry, he's kind and easy to get along with, Miles. For sure na kilala mo rin siya," sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Paano ko makikilala ang sinasabi niya, eh, hindi ko nga alam kung sino ang kakaharapin ko. "Pero I really want to have some idea what kind of person he is, Sir," giit.

"Yeah! You're right, dapat may alam ka sa ipi-feature mong tao sa interview, pero this time, it's his request na itago ang katauhan niya," balik naman ni Sir Troy. "Pakiramdam ko naman, hindi ka mahihirapan for this project."

Mukhang kahit ano'ng pilit ko, hindi niya sa akin sasabihin kung sino man ang lalaking iyon. Wala naman akong magagawa roon.

"Sige po, Sir," sabi ko na lang.

"That's good, just prepare yourself, Miles. You can go back to your work."

Tumango ako at tumayo na. Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas ng silid. Kailan ko na nga lang ihanda ang sarili ko para sa interview sa kung sino man ang haharapin ko. Well, isa iyon sa dapat na katangian ng isang magazine journalist, dapat handa.

SABAY kaming lumabas ni Andrea sa opisina nang sumapit ang lunch time. Halatang stress si Andrea dahil sa dami ng trabahong nakaatang sa kaniya dahil sa Olympics na gaganapin sa Pilipinas. She's been in the same situation, pero sadyang mahirap iyon kaya naman naiintindihan ko siya. Mahirap i-feature ang buong Olympics dahil sa dami ng information na kailangang gawin.

"Hays! I'm gonna quit, Miles," reklamo niya. Napabuga pa siya ng hangin at halata ang pagod at stress sa mukha niya. Simple lang si Andrea, medyo maliit ang mukha, may katamtamang laki ng mga mata at may straight na buhok na bahagya lang na lumampas sa balikat niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ilang beses mo na ba 'yang sinabi? But look, you're still doing your job," balik ko sa kaniya.

Napasinghap si Andrea. "Kung pwede nga lang na iwan ko 'to, gagawin ko kaya lang I need to invest for my future, to provide the needs of my family," dahilan niya na siya namang totoo. She's the breadwinner of the family kaya hindi nakakapagtakang nagsisikap siya para sa pamilya. "Alam mo naman, 'di ba? Mahirap maging breadwinner, lahat sa iyo nakaasa," dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumagi sa isip ko si Roven. Naalala ko kung gaano siya Kabuting anak. He's the breadwinner of his family, lahat nakaasa sa kaniya noon at saksi ako roon. Lahat ng sahod niya bilang HR sa isang kompanya, napupunta sa pamilya niya at iilan na lang ang natitira para sa kaniya. Dumating na nga sa puntong pinagselosan ko ang pamilya niya dahil nawawalan siya ng oras at panahon sa akin. Yeah! I admit, I've been selfish and immature that time.

"Hoy! Natulala ka na."

Napakurap ako nang magsalita si Andrea. Binalingan ko siya. "Y-you're right, mahirap maging breadwinner," pagsang-ayon ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa isang restaurant, malapit sa opisina, um-order na agad kami ni Andrea dahil nararamdaman ko na ang gutom ko. Halos hindi rin kasi ako nakakain nang nagdaang mga araw dahil sa sobrang gulo ng isip ko dahil sa pagbabalik ni Roven at sa mga sinabi ni Zandy sa akin na hindi ko maintindihan.

"Andrea, do you think...I need to talk with Roven?" seryoso kong tanong habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin na bakas ang gulat sa naging tanong ko. Sinuri niya ako, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Wait. So, you think na kailangan mong kausapin si Roven? The question is, for what reason, Miles? For his explanation? For your satisfaction?" balik niyang tanong.

Bumakas ang lungkot sa mukha ko. "Naguguluhan ako, Andrea. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Gusto kong iwan ang sakit ng nakaraan ko pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko si Roven, bumabalik lahat. But someone told me, I need a closure to start forgetting and forgiving," sagot ko.

Bumuntong-hininga si Andrea. Ibinaba niya ang kubyertos na hawak at seryosong tiningnan ang mukha ko. "Kung sa tingin mo makakabawas sa sakit na nararamdaman mo ang pakikipag-usap sa kaniya, go at kung para masagot lahat ng naiwang tanong sa iyo, go, talk to him. Miles, you need to let go the pain and anger para magawa mong magpatawad. It's a process and it takes time," litanya niya na lahat dumeretso sa puso ko na kahit pa paano'y nagbigay ng realization sa akin.

"Pero hindi ko alam kung kaya ko na ulit siyang harapin na hindi isinusumbat ang nakaraan sa kaniya."

"Hindi mo naman kailangang kausapin agad si Roven, eh, take your time. Kapag kaya mo na, saka mo gawin." Binigyan pa niya ako ng ngiting nagbibigay ng comfort sa akin. "Pero, wait, hindi ba't bumalik na si Roven, alam na ba ni Zandy?" usisa niya.

Tumango ako. "Yes, alam na niya pero ang nakakapagtaka, mukha wala lang sa kaniya ang pagbabalik ni Roven," sagot ko.

"Ano kayang nangyari sa kanila, 'no? Curious ako. Sa tingin mo may relasyon talaga sila o na-misinterpret mula ang nakita mo noon?"

Kumunot ang noo ko at hindi agad nakaimik. Muling bumalik sa aalala ko ang nakaraan at kita kong magkahalikan sila dahil magkadikit ang mukha nila kahit pa nakatalikod sila sa akin. "Hindi ko alam at wala akong balak alamin, Andrea pero sigurado ako sa nakita ko noon at hindi ako pwedeng magkamali," giit ko.

Ngumuso si Andrea. "Ok, fine, sabi mo, eh," pagpayag niya, saka binalingan ang pagkain.

Hindi ko maintindihan pero bakit tumatak sa isip ko ang sinabi ni Andrea na baka na-misinterpret ko lang ang nakita ko noon? May relasyon nga ba si Zandy at Roven noon? Ano'ng namagitan sa kanila? Ang daming tanong sa isip ko na alam kong hindi ko masasagot at tanging si Zandy at Roven ang makasasagot niyon.

Hi, add niyo ako sa FB. May ire-release po akong book sa MIBF this year at baka makapunta rin ako roon. You can add me or follow me po sa FB.

FB: Kevyn Bautista

Thank you for the support and love💛

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon