KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa hindi ko alam na dahilan. Bahagya pa lang na sumisikat ang araw pero nagmulat na ang mga mata ko. Uminat ako kasabay ng paghikab ko. Saglit pa akong tumingin sa kisame at hindi ko naiwasang mapangiti nang maalala ko ang mga sinabi ni Zandy kay Beverly nang nagdaang araw.
Sobrang umaapaw ang saya at ligaya sa puso ko dahil pinatunayan lang ni Zandy ang sinabi niya na ako ang pipiliin niya kahit nasa harap na niya si Beverly. Dahil doon, sigurado na ako na sa nararamdaman ni Zandy para sa akin at ganoon din ang nararamdaman ko. Wala na akong dahilan pa para pagdudahan siya at hindi pagkatiwalaan.
Niyakap ko ng mahigpit ang unan at paimpit na tumili dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Zandy. Tumatak na iyon sa isip ko at hindi ko makakalimutan at sana maintindihan iyon ni Beverly.
Ilang saglit pa at nagpasiya na akong bumangon sa pagkakahiga ko. Lumabas ako ng silid. Akmang hahakbang na ako pababa nang mapansin ko si Zandy sa terrace na nakatayo habang nakatuon ang braso niya sa bakal na nagsisilbing harang ng terrace. Kumunot ang noo ko. Kita ko sa labas na bahagya pang madilim at kumakalat pa lang ang liwanag.
"Ano'ng ginagawa niya roon sa ganito kaaga?" pabulong kong tanong dahil sa pagtataka. Pumihit ako at humakbang palapit sa kaniya. Alam kong may iniisip na naman si Zandy.
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago tumabi sa kaniya. "Hey, you okay?" mahina kong tanong pero sapat para marinig niya dahil nilingon niya ako. Kita ko sa mukha niya ang lungkot at pagkagulo roon pero ngumiti pa rin siya sa akin kahit alam kong peke iyon. "I know something's bothering you. What it is, Honey handa akong makinig," sambit ko pa.
Bumaling muli si Zandy sa paliwanag na paligid. Bumuntong-hininga siya. "I don't really know what to do, Honey. Naguguluhan ako sa kung sino ang dapat kong sundin, ang gusto ko ba o ang gusto ng pamilya ko para sa akin?" Malungkot na ngumiti si Zandy habang pinaglalaruan niya ang sariling mga daliri. "Narinig mo kay Papa na he was gave five months to do what I want at natapos na 'yon at gusto niyang magtrabaho na ako sa kompanya sa ayaw ko o sa gusto ko pero hindi ko pa iyon nagagawa. I'm almost there, Honey, malapit ko nang magawa 'yong gusto pero hindi ko na alam ngayon." Bakas sa boses niya ang hinanakit at panghihinayang.
Napasinghap ako. Hindi ko alam pero sobrang apektado ako sa nararamdamang lungkot at paghihirap ng kalooban ni Zandy. Nasa kaniya ang simpatiya ko at gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Seryoso kong tiningnan si Zandy na bakas sa mga mata ko ang simpatiya sa kaniya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa bakal.
"Naiintindihan kita, Honey at alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon lalo pa't malapit nang mag-open ang pangarap mo, ang restaurant." Bumuntong-hininga ako. Hindi naman kasi iyon magbubukas ng wala si Zandy. Humarap siya sa akin at seryosong nagtama ang mga mata namin. "Naiipit ka sa sitwasyon na gusto mo para sa sarili mo at gusto ng pamilya mo para sa 'yo. I know how stressful is that, Honey at ayaw kong maramdaman mo 'yon. I'm here, tutulong ako sa 'yo. If you can't do anything about your Dad command, I'm here to help. Hindi ko alam kung paano ako tutulong pero gagawin ko ang alam ko tungkol sa restaurant, tutulong ako kay Ton habang nagtatrabaho ka sa kompanya," mahabang litanya ko para ipabatid ang pagtulong ko sa kaniya. Wala man akong ibang magagawa para sa kaniya, pero sa pamamagitan nito, may maitulong man lang ako.
Seryosong tiningnan lang ako ni Zandy. Hindi agad siya nakaimik pero kapagkuwa'y, ngumiti siya at bahagyang yumuko. "I don't know how to react, Honey pero I'm happy and grateful for your offer. Kung willing kang tumulong, malugod kong tatanggapin ang tulong mo, Honey. You're my wife and since it's my dream, pangarap mo na rin 'to na sabay nating aabutin," nakangiting sabi ni Zandy na tila kahit pa paano'y nabawasan ang lungkot.
"Tama ka, wala na akong magagawa para tumakbo ulit palayo sa gusto ng pamilya ko na gawin ko, wala na akong magagawa kung 'di ang pumasok sa kompanya at mag-aral kung paano iyon patakbuhin." Bumuntong-hininga siya at seryoso akong tiningnan. Hinarap niya ako at kinuha ang dalawang kamay ko. "Thank you, Honey for being my supportive wife. Sa totoo lang, I'm about to give up the restaurant pero dahil nandiyan ka, ilalaban natin iyon. Dahil sa tulong mo, alam kong matutupad natin ang pangarap na ito. Salamat, Honey. I love you." Kasunod niyon ang pagyakap ni Zandy sa akin ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang pasasalamat at pag-asa niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit pabalik. Gusto kong iparamdam ang pagmamahal at suporta ko sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto kong maramdaman niyang asawa niya ako. "I'm always here for you, Honey. Alam kong masaya ka sa restaurant at ayaw kong mawala iyon sa iyo. I want you to be happy at isa ang restaurant sa dahilan ng happiness mo," seryoso kong balik sa kaniya.
Humiwalay si Zandy sa pagkakayakap sa akin. Agad na sumilay ang masayang ngiti sa mga labi niya. "Bukod sa restaurant, you're the one who makes me happy, Honey. Hindi ako nagsisi na pumayag akong ikasal sa 'yo. You gave me a reason to fight for my dreams, to do what I love. Muli mong binigay sa akin ang dahilan na magmahal ulit at iwan ang nakaraan. You gave me my worth, Miles and I'm thankful and grateful to have you as my wife," puno ng senseridad na pahayag ni Zandy habang seryoso nakatingin lang sa mukha ko.
Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasabay ng ligayang umaapaw doon. Ang sarap pakinggan ng mga salitang binitawan ni Zandy. Mas lalo ko lang siyang nakikilala at mas lalo ko siyang minamahal.
"Dahil deserved mo ang suporta at pagmamahal na binibigay ko sa 'yo, Zandy at hindi ako magsasawang ibigay iyon sa 'yo bilang asawa mo." Ngumiti ako sa kaniya. "You're the best unexpected man came into my life, Zandy."
Bahagyang kumiling si Zandy habang nakikita ko ang masayang ngiti sa mga labi niya. Hawak ulit niya ang mga kamay ko. "I love you, Honey," sambit niya.
Napapitlag ako sa gulat nang bigla na lang niya akong hapitin palapit sa kaniya. Ramdam ko ang braso niya sa baywang ko at ang katawan niya. Napangiti ako sa ginawa niya at pinulupot ang braso ko sa katawan ni Zandy.
"Ikaw, huh, palagi mo na lang akong ginaganito," natatawang sabi ko. "Ginugulat mo na lang ako sa mga sinasabi at ginagawa mo."
"Ganoon ba? I'm sorry, Honey I'm just too obsessed with you," aniya at kumindat pa sa akin.Hindi na mapatid ang ngiti dulot ng saya at kilig sa mga labi ko. "Aysus! You're talking to much, Honey." Pagkasabi ko niyon, tumingkayad ako dahil 'di hamak na mas mataas si Zandy sa akin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Hindi nakagalaw si Zandy pero ilang saglit lang at gumanti siya sa bawat halik ko habang yakap ko.
The best moment for me is when I'm always with Zandy. Sa tuwing pinaparamdam niya sa akin ang pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...