"SEE? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon so don't act like you're the only victim, Miles. Hindi ko rin gusto ang kasal na ito pero dahil ito ang mas mabuting choice, ito ang pinili ko," paliwanag niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zandy. Ano'ng ibig niyang sabihin na ang pagpapakasal sa akin ang mabuting choice? Umiling ako. "No, Zandy my choice ka pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka tumangging pakasalan ako," giit ko.
Saglit na napapikit si Zandy. "I don't want to argue with you this time," aniya. Naramdaman kong lumiko ang sasakyan pakanan.
Pasimpleng umirap ako dahil sa inis kay Zandy. Hindi ko maintindihan ang baklang ito kung bakit hindi ko maunawaan ang takbo ng isip niya. Hindi ko makuha ang punto niya sa mga sinasabi dahil ang alam ko may choice siya na hindi ako pakasalan noon pa man. Humalukipkip ako at hindi na lang umimik dahil nagmumukha lang akong bungangera sa harap niya.
Patuloy na umadar ang sasakyan ni Zandy hanggang sa huminto iyon. Nakita kong bumaba si Zandy sa sasakyan. Hindi ako gumalaw habang bakas pa rin sa mukha ko ang inis sa kaniya. Mayamaya pa'y bumukas ang pinto sa tabi ko.
"Baba." Hindi ako kumibo na parang walang narinig. "You'll be late if you keep on acting like a child, Miles," marahan pang dagdag niya.
Umirap ako dahil sa inis. Bakit ba kasi pumayag akong sumama sa kaniya? Ni hindi ko nga alam kung saan niya ako dinala. Bumuntong-hininga ako, saka nagpasiyang bumaba ng sasakyan. Napakunot pa ang noo ko nang tumama sa akin ang sikat ng araw.
Bumungad sa akin ang isang tahimik na lugar. May ilang malalaking punong nakatayo sa kalsada niyon at may naglalakihang bahay na may medyo malayong agwat sa isa't isa. Umihip ang hangin na dumampi sa balat ko. Nagulo rin ang aking buhok na nilipad ng hangin, inayos ko iyon at inipit sa likod ng tainga ko.
"Nasaan tayo? Ano'ng gagawin natin dito?" usisa ko sa hindi pamilyar na lugar na kinaroroonan namin.
"You'll find out later," sagot lang ni Zandy na halos pumikit na rin dahil sa sikat ng araw.
"Why don't you just tell me what we're gonna do here?" protesta ko. "Bakit pa kasi ako sumama sa baklang ito," pabulong ko pang sabi.
"May sinasabi ka?"
"Meron pero you don't need to know," masungit kong sambit at inirapan pa siya.
Nakita kong napailing na lang si Zandy. "Sumunod ka sa akin," sabay sabi niya at tumalikod. Naglakad siya palayo, patungo sa 'di kalayuan.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makita kong papunta kami sa isang bahay na iyon na kung titingnan, napakaganda niyon dahil sa green color ng bahay na inihalintulad sa mga punong nasa paligid niyon at sa mga halaman doon. Napaka-environmental friendly ng bahay. May kalakihan din iyon dahil may second floor ito.
"Hey! Wait, ano'ng gagawin natin sa bahay na iyan? I mean, bakit tayo papasok riyan?" pigil ko sa kaniya nang binuksan niya ang maliit na gate na gawa sa kahoy na kulay puti.
Lumingon siya sa akin, seryoso ang mukha. "Ano bang gusto mong gawin natin?" Kapagkuwa'y, tumalikod siya at binuksan pa rin ang gate. "Can you stop talking for a while, Miles at sumunod ka na lang sa akin?" reklamo pa ni Zandy.
Umirap ako sa likod ni Zandy habang ginagaya ko ang mga pinagsasabi niya. Nagme-make face pa ako dahil sa inis ko sa kaniya. Bakit kasi hindi pa niya sabihing sa akin kung ano'ng gagawin namin sa bahay na ito? Sino bang may-ari nito at bast-basta na lang siyang pumapasok ng walang paalam.
"Hindi ka man lang ba kakatok bago mo buksan ang pinto? This is not your house, remember?" pigil ko ulit sa kaniya nang bubuksan naman niya ang main door ng bahay.
"How do you say so?" seryosong balik niya at hindi man lang ako nilingon hanggang sa mabuksan niya ang pinto.
Hindi agad ako lumakad para sumunod sa kaniya dahil naiilang akong pumasok sa bahay na hindi ko naman alam kung sino ang may-ari. Hindi ko rin ugali ang pumasok sa bahay ng hindi alam ng may-ari niyon.
"Tatayo ka na lang ba riyan?"
Tumingin ako sa paligid. Nagtaka ako nang wala akong makitang anumang gamit sa sala ng bahay. "Hindi ko ugaling mamasok ng bahay ng iba without the consent of the owner," dahilan ko.
Ngumiti si Zandy pero saglit lang iyon at naging seryoso rin ang mukha. "Then, I give you a consent to come inside. So, pwede ka nang pumasok. Pwede mo ring bigyan ng permiso ang sarili mo because this house is our property."
Kumunot ang noo ko hababg prinoproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Zandy sa akin. Ano'ng ibig sabihin niyang property namin ang bahay na iyon? Bigla kong naalala ang susing ibinigay sa akin ni Tita Mandy at ang sinabi niyang bahay na regalo nila. Kaya rin ba kinausap ako ni mama at papa na gusto nilang tumira na kami ni Zandy sa iisang bahay?
"Ibig sabihin—"
"Now you know."
Natulala ako at hindi agad nakaimik. Hindi ako mapaniwalang totoo ang bahay na sinasabi ni Tita Mandy para sa amin ni Zandy at ito na nga iyon. Ang bahay na titirhan naming magkasama. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko, kung matatawa ba ako o matutuwa sa regalong ito.
"Wow! I can't believe it," hindi makapaniwalang sambit ko.
"Your parents told me to bring you here, Miles even my parents told it too. Wala na tayong magagawa dahil ipinangalan na nila sa atin ang bahay na ito," paliwanag ni Zandy.
Sarkastiko akong napatawa. "Hindi ko rin talaga maiwasang hindi humanga sa galing nilang magplano without telling it to us. Hindi man lang nilang tinanong kung ok ako to live with a man I didn't know," reklamo ko na bakas roon ang pagkadismaya.
"The moment you agreed na pakasalan ako, hinayaan mo na silang planuhin ang para sa atin, Miles." Tumalikod siya sa akin at humakbang habang palinga-linga sa paligid ng bahay.
Napabuntong-hininga ako. Nagpasiya akong humakbang papasok sa loob ng bahay. Parang ang laki niyon para sa aming dalawa. Wala pang gamit iyon. "Binili nila ang bahay na ito without knowing na hindi naman tayo magkakatuluyan in the end," saad ko habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Malawak ang kabuoan ng silid, may dalawang kwarto sa baba, habang may malaking kitchen area. Sa gawing kanan naman, nandoon ang hagdan patungo sa ikalawang palapag.
"Hindi ka sigurado," komento ni Zandy.
"Sabihin mo nga sa akin, gusto mo ba akong makatuluyan at makatabi sa kama kahit nandidiri ka sa akin? Come on, Zandy huwag na tayong maglokuhan pa, ok? Kilala na kita at ang tunay mong pagkatao."
Dahan-dahan siyang humarap sa akin na seryoso ang mukha. "Kilala mo ako? You're wrong if you think you know me, Miles. Hindi mo ako kilala."
Napaatras ako dahil sa paglapit ni Zandy sa akin habang seryoso ang mukha. Para akong nanghihina dahil sa malapit niyang mukha sa akin. "Z-Zandy, ano ba?" singhal ko.
Nakaramdam ako ng kaba ng maramdaman kong nasa pader na ako at wala nang maatrasan. Kinulong ako ni Zandy sa pader gamit ang dalawang palad niyang nakatuon sa malapad na sementong iyon. Napalunok ako nang sunod-sunod. Ayaw gumana ng isip ko para makapa-isip ng paraan para makalayo sa kaniya. Para akong nanghihina sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"L-lumayo ka sa akin," nauutal kong sabi dahil sa tense pero hindi ko maigalaw ang katawan ko para itulak siya.
"Huwag mo akong hahamunin, Miles dahil kaya kong gawin ang inaakala mong hindi ko kaya." Hindi ko mabakasan ng pagbibiro sa boses niya. "I can kiss you if I wanted too, Miles. Hindi ako ang inaakala mo. Hindi mo pa ako kilala."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...