Unexpected 21

1.1K 18 0
                                    

NAMAYANI ANG nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan ni Zandy habang lulan kani niyon pauwi. Wala naman kasi siyang ibang choice kung 'di ang ihatid ako pauwi dahil naiwan ko ang sasakyan ko sa opisina dahil sa biglaang pag-imbita sa akin ni Tita Mandy.

Bigla akong nanibago sa Zandy na kasama ko na gustong-gusto na palagi akong inaasar at nagagalit sa kaniya. Napakatatimik niya at hindi ako sanay na ganito siya. Higit lalo akong nacu-curious sa kung ano'ng nasa isip niya at sa totoong pagkatao niya. Katulad ko, alam kong may hinaing din siya sa buhay at gusto kong malaman iyon sa hindi ko alam na dahilan.

"Do you really think na matatapos din ang marriage nating dalawa?" basag ko sa katahimikang namayani na parang nakakabingi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong magsimula ng conversation sa kaniya. "I mean, if we keep on treating each other like this, sa tingin mo ganoon sila kadaling bibitaw sa atin?" sabi ko sa mas malawak na tanong habang nakahalukipkip. Nasa passenger seat ako dahil dito ko mas piniling umupo dahil naiilang akong katabi siya, lalo alam kong galit siya.

Hindi agad ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya. Tahimik pa rin siyang nagmamaneho sa sasakyan. Pilit ko pang tinitingnan ang mukha niya sa salamin. Seryosong mukha niya lang ang nakikita ko mula roon.

"Sa tingin mo ba, Miles I'm treating you badly or blaming you for this damn marriage? I'm trying to get along with you but you always keep on blaming me about your past na hindi mo naman alam ang katotohanan." Bakas ang inis sa naging sagot niya.

Natulala ako ng bahagya sa sinabi ni Zandy habang nakatingin sa kaniya. Inaayos pa ng utak ko ang mga narinig ko para mas maintindihan ko pa iyon. Paanong hindi ko alam ang katotohanan?

"Ano'ng ibig mong sabihing hindi ko alam ang katotohanan? Zandy, hindi ako tanga para hindi ko maintindihan ang nakita ko noon, tapos sasabihin mong hindi ko alam ang totoo? Hindi pa ba sapat na ebedensiya ang mahuli ko kayong magkahalikan?" balik ko na nagsimula na namang tumaas ang boses ko. Nabuhay muli ang inis ko.

"I don't want to argue with you, Miles. Paulit-ulit na lang nating pinagtatalunan ang nakaraan mo and every time na binabalikan mo 'yan, ako ang masama at may kasalanan. I don't need to explain myself to you. Bahala ka sa gusto mong isipin. I'm exhausted!" malumanay niyang sabi. Naramdaman kong lumiko ang sasakyan, hudyat na malapit na kami sa bahay. Hindi mawari pero ramdam ko ang pagod niya at alam kung hindi lang iyon sa nakaraan ko, kung 'di sa ibang bagay pa sa buhay niya.

"At sa tingin mo gusto kong makipagtalo palagi sa iyo, Zandy? I'm not, it's just because every time na may binabanggit ka sa nakaraan ko, nasasaktan ako dahil ikaw ang isa sa dahilan ng sakit na nararamdaman ko at naalala ko iyon," dahilan ko.

"I'm sorry to tell you this, Miles pero huwag mong paulit-ulit balikan ang nakaraan mo para paulit-ulit ding ipaalala sa akin ang pagkakamali ko noon," aniya.

"Alam mo kung bakit, Zandy? Dahil sa tuwing nakikita kita, bumabalik ang nakaraan at ang sakit na idinulot niyo sa akin," madiin kong sabi.

"And you want to live with your past? Sa sakit na ipinaramdam sa iyo ng nakaraan? Come on, Miles you need to heal yourself from pain at hindi para alagaan ang sakit," seryosong sambit ni Zandy na bakas ko roon ang concern.

Mayamaya pa'y huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Hindi ko inaalagaan ang sakit, I'm trying to heal the pain. Sinubukan kong kalimutan ang nakaraan pero dahil dumating ka, ipinalala mo ang lahat sa akin. Lahat bumalik muli at nanariwa ang sugat at hindi mo ako masisisi na maramdaman iyon, Zandy dahil ako ang nasaktan at niloku, hindi ikaw." Pagkasabi ko niyon, mabilis akong bumaba ng sasakyan niya at walang lingon-lingon na pumasok sa loob ng bahay. Ni hindi ko na nagawang magpasalamat sa kaniya. Pakiramdam ko rin muli na namang tutulo ang luha sa mga mata. Hindi ko alam kung dahil sa masakit na nakaraan o dahil kay Zandy.

"HOW WAS the dinner with Saavedra's family?" usisa sa akin ni Andrea ng makapasok ako sa opisinina kinaumagahan.

Hindi ko siya nilingon at dumeretso sa table ko at inayos ang mga gamit doon. "Hindi ko alam kung ano'ng isasagot sa tanong mo, Andrea," diretso kong sagot. Umupo ako sa swivel chair at hinarap siya.

"Kaya naman pala gwapo 'yang si Zandy, maganda rin pala ang pinagmulan," saad naman ni Melissa na nasa table nito pero nagawa pang sumali sa usapan namin.

"Eh, paanong hindi mo alam ang isasagot? May nangyari bang hindi maganda sa dinner? Nag-away ba kayo ni Zandy?" patuloy ni Andrea.

"Mukhang hindi rin maganda ang umaga mo, ah," segunda naman ni Chad na inaayos ang mga printed papers sa table nito.

Ngumiti ako sa kanila. "Wala ito, medyo kulang lang talaga tulog ko dahil sa puyat. And about the dinner with my parents in law, I enjoyed spending time with them. Masarap din ang mga luto ni Tita Mandy," sambit ko at umiwas ng tingin sa kanila para hindi nila malamang may tinatago ako, na may hindi talaga nangyaring maganda sa dinner. Na-enjoy ko naman talaga kaya lang masyado akong na-tense, isama pa ang pagtatalo namin ni Zandy pauwi.

"Seriously, Miles Tita Mandy lang ang tawag mo sa mother in law mo? Hindi ba dapat, Mama?" komento ni Melissa na talagang napansin pa iyon.

Nagkatinginan kami ni Andrea. Bumaling ako kay Melissa at nginitian siya ng pilit. "Nasanay na kasi ako roon at nahihirapan akong baguhin pa iyon," dahilan ko.

"Pero siyanga pala, Miles we heard some rumors na si Zandy daw ang ipi-feature mo for April issue?" pagbabago ni Chad sa usapan. "Totoo ba, Miles? At kung totoo man bakit parang pinagbagsakan ka ng langit kahapon?" usisa pa nito.

Pumikit ako ng saglit at bumuga ng hangin. Tumango ako para kumpirmahin ang tanong ni Chad. "Tama kayo, si Zandy ang new project ko for April issue. Sa tingin niyo ba magiging madali sa akin ang project na ito?"

"Bakit hindi, Miles? He's your husband at kaya mong pakiusapan iyon na pumayag na ma-interview mo, kahit mamayang pag-uwi mo sa bahay niyo," ani naman ni Melissa na parang ganoon lang iyon kadali. Hindi nga kami magkasama sa bahay pero dahil malapit na ang sunday, lilipat na kami at magsisimulang magsama. Sigurado akong palagi lang kaming magtatalo sa lahat ng bagay at hindi magkakasundo. This is a bad idea for us to live together.

"Hindi siya madaling makausap, Melissa he's busy at mahihirapan akong kumuha ng schedule for an interview," dahilan ko sa kanila na hindi naman talaga totoo dahil ayaw nga ni Zandy na magtrabaho sa kompanya nila. Mukhang hindi rin naman ito busy. Hindi ko nga alam kung ano'ng pinagkakaabalahan ni Zandy, since hindi naman ito nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya nito.

"Kung sabagay, siguradong maraming appointment si Zandy at mahihirapan kang humingi ng appointment for his to interview," segunda naman ni Andrea.

"It would be easy for me if they gave me some personality, kahit pa ang anak ng presidente ng Pilipinas, huwag lang si Zandy."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon