Unexpected 27

1.1K 20 0
                                    

MABILIS AKONG naglakad papasok ng building habang nakatingin sa wristwatch na suot ko. Ilang minuto na lang at male-late na ako, sigurado mapapagalitan na naman ako ni Ate Shai at ni Sir Troy pag nagkataon. Hindi na maipinta ang mukha ko habang dobleng bilis sa paglakad ang ginawa ko.

Napasinghap pa ako nang makitang may laman pa ang elevator. "Bilis naman, late na ako," naiiyak kong sambit sa sarili ko. Hindi ako pwedeng ma-late dahil magre-reflect iyon sa performance ko bilang journalist. Aba, gusto ko rin namang ma-promote.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong dahan-dahang bumukas ang pinto ng elevator pero imbis na makipag-unahan ako sa pagpasok doon, natigilan ako at hindi nakalagaw sa lalaking tumambad sa akin. Napaawang pa ang bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko mang tumakbo pero walang lakas ang mga paa ko para gawin iyon.

"R-Roven?" gulat na banggit ko sa pangalan ng lalaking nasa harap ko. Nagbago man ang hitsura niya at mas naging g'wapo, hindi ko pa rin makalilimutan ang hitsura niya bilang Roven.

Ano'ng ginagawa niya rito?

Nakita ko ang pagngiti niya nang makalabas ng elevator. Pumasok na roon ang mga empleyadong naghihintay at naiwan na ako pero wala na akong paki roon. "Miles," banggit niya sa pangalan ko. Hindi ko alam pero bakit nakikita ko ang pananabik sa mga mata niya o baka iniisip ko lang iyon. "How are you, Miles?" tanong pa ni Roven.

Nang makabawi ako sa pagkagulat, kumurap ako at bahagyang umiwas ng tingin kay Roven. Kinalma ko ang sarili ko.

Oo, nakaramdam ako ng pananabik sa kaniya pero nandito pa rin ang sakit at galit sa ginawa niya sa akin at ni Zandy.

Suminghap ako. Nabuhay ang inis ko sa kaniya dahil nagagawa pa talaga niyang ngumiti sa akin matapos niya akong lokuhin at iwan ng walang paliwanag.

Ngumisi ako. "Kumusta ako? Look, how fine I am, Roven. I'm fine after you left me without explaining everything to me," sarkastiko kong sabi.

Nawala ang ngiti niya sa mga labi at napalitan iyon ng lungkot at guilt. "Miles, I'm sorry for everything I've done to you," marahan niyang sabi. "I'm sorry at sana mapatawad mo pa ako."

"Sana ganoon lang kadaling magpatawad, Roven? Sana pag sinabi kong pinatawad na kita, mawala na rin ang sakit, pero hindi 'yon ganoon kadali lalo't simula ng iwan mo ako at ipagpalit sa lalaking 'yon, nasira na ang buhay ko," madiin ko sabi. Tiningnan ko pa siya ng masama, saka tinalikuran.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon na parang kahapon lang nangyari. Isang taon kong pilit kinalilimutan si Roven at ang sakit na pinararamdam niya sa akin noon pero hindi iyon ganoon kadali lalo't dumating si Zandy sa buhay ko na muling nagpasariwa sa sakit na naramdaman ko noon.

Sinubukan kong patawarin siya kahit iniwan niya akong walang paliwanag, pero 'yong sakit pala nandoon pa rin at muling nanariwa nang makita ko si Roven.

DAHIL SA hindi ko inaasahang pangyayari at muling pagkikita namin ni Roven, na-late na ako sa trabaho. Hindi agad ako pumasok at nanatili sa rest room ng ilang minuto para ilabas doon ang nararamdaman ko.

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang namumugto kong mga mata. Naghilamos ako at naglalagay ng make up sa mukha para itago ang bakas ng pag-iyak.

"Bakit kung kailan sanay na akong wala ka, saka ka pa babalik?" tanong ko habang nakaharap sa salamin. Sa dami ng lugar na pwede niyang puntahan, dito pa sa pinagtatrabahuhan ko. Tadhana nga naman, oh, iba maglaro.

Matapos kong ayusin ang sarili ko, nagpasiya na rin akong lumabas ng rest room at pumasok sa opisina na halos hindi makatingin sa mga nandoon.

"Hey! Bakit ngayon ka lang?" pabulong na tanong ni Andrea sa akin nang makaupo ako sa upuan sa tapat ng table ko. Hindi ako humarap sa kaniya dahil ayaw kong makita niya ang mata ko. Kahit na kasi itago ko iyon sa kaniya, mahahalata niya iyon dahil kilala na nya ako. Mabuti na lang at abala sila Chad at Melissa sa kani-kanilang ginagawa kaya hindi na nila ako pinansin.

"I woke up late," kaswal kong sabi at sinimulang ayusin ang mga gamit sa table ko. Pilit kong inaalis sa isip ko ang nangyari kanina. Binuhay ko ang monitor ko at agad nagbukas ng file para mag-proofread ng articles na ginawa ko.

"I'll talk to you later, Miles," ani Andrea at nagsimula na siyang magtrabaho uli. Pasalamat naman ako dahil hindi na siya nagtanong pa ng kung ano-ano.

"Miles, you need to go to Sir Troy's office."

Napalingon ako kay Ate Shai na nagsalita, ganoon din ang mga katrabaho namin, saka lumingon sa akin. Gumuhit ang pagtataka ko. Bigla rin akong kinabahan. Bakit ako pinatapatawag ni Sir Troy? Dahil ba late ako?

"Bakit daw, Ate Shai?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Miles, eh, puntahan mo na lang siya para malaman mo," ani Ate Shai at ngumiti sa akin bago tumalikod. Buti't hindi niya ako pinagalitan.

"For sure, sesermunan ka no'n dahil late ka. Usok tainga na naman iyon," natatawang ani Melissa.

"For sure na 'yan, kaya kung ako sa iyo, Miles maglalagay ka ng bulak sa tainga mo para hindi mo marinig ang boses ni Sir Troy o kaya ear phone na wireless, tago mo sa buhok mo," segunda naman ni Chad at talagang nag-suggest pa ng kalokuhan.

"Hindi naman siguro, tinatakot niyo namamg masyado si Miles," natatawang sabi naman ni Andrea. Bumaling siya sa akin. "Hindi ka naman no'ng papaluin, sesermunan ka lang," segunda pa niya.

Hindi ko alam pero hindi ko sila magawang sakyan sa mga sinasabi nila. Seryoso lang ang mukha ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila at tahimik na tumayo, saka naglakad palabas ng silid. Alam kong nagtaka sila sa ginawa ko at sa hindi ko pagpansin sa kanila.

Kumatok muna ako sa pinto ng silid ni Sir Troy. Kinakabahan ako kahit alam kong sesermunan niya lang naman ako dahil late ako kanina.

"Come in," narinig kong ani Sir Troy mula sa loob.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang silid at pumasok doon. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Sir Troy. Kinakabahan akong umupo roon.

"Pinapatawag niyo raw po ako, Sir?" sabi ko na bakas ang kaba roon.

Sumandal si Sir Troy sa upuan niya at seryoso akong tiningnan. "How's your articles about Zandy Saavedra? Your interview with him?" simula ni Sir Troy.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil doon. Naalala kong kailangan ko palang interview-hin si Zandy at nakalimutan ko iyon. Napangiwi ako at pilit na tumawa kay Sir Troy. "I-I'll do it, Sir as soon as possible," sabi ko na lang dahil wala naman akong magagawa.

"You have two days to do that, Miles at kailangan mong matapos iyan sa mas madaling panahon. He's your husband. You can ask him anytime, bakit hindi mo pa rin nagagawa? We need him, Miles kailangan nating ma-feature ang susunod na CEO ng Saavedra's Gaming Company na patok sa mga teenager na mahilig sa online games," litanya niya.

Tumango ako. "Sorry, Sir he's just so busy that's why I wouldn't make an interview with him, Sir," dahilan ko.

"I know he's busy, Miles pero ikaw na ang gumawa ng paraan para ma-interview mo ang asawa mo. He have a time in bed pero sa interview wala?" Napailing pa ito.

Lalo akong nahiya sa mga sinabi ni Sir Troy. Sa dami naman ng pwedeng sabihin iyon pa talaga? Kung alam lang niya na hindi naman kami magkasama sa iisang kwarto.

"By the way, I'll give you another project next week. We have an appointment meeting with him next week for an interview at gusto niyang ikaw mismo ang mag-interview sa kaniya."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na bakas ang gulat sa mukha ko. "Po? Another project? Bakit ako, Sir? Bakit kailangan ako ang mag-interview?" tanong ko.

"Because he wants you, Miles at hindi raw siya magpapa-interview kung hindi ikaw ang haharap sa kaniya."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon