HANGGANG sa makauwi ako ng bahay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Roven kanina na naging dahila nang panghihina ng katawan ko. Nawalan ako ng ganang magtrabaho sa buong araw. Gusto ko na lang humiga at matulog. Napapagod na ang katawan ko maging ang puso ko sa sakit na paulit-ulit bumabalik sa akin.
Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Dire-diretso lang ako paakyat sa hagdan. Gustong-gusto ko nang humiga at ipahinga ang katawan ko. Ang sarili ko. Ang gulo na ng isip ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman para kay Roven at sa pagbabalik niya. Pero alam kong may lugar pa rin ito sa puso ko na kahit ano'ng pilit kong alisin, hindi ko magawa-gawa.
"Nandiyan ka na pala, Miles. Have you eat dinner?"
Napalingon ako kay Zandy na saktong kalalabas ng silid niya. Saglit akong napatingin sa kaniya. Naalala ko bigla ang kalagayan niya na dahil sa akin. Saglit akong pumikit. Naiinis ako kasi naalala ko na naman ang ginawa ni Roven at Zandy noon. Kailan ko pa makalilimutan ang nakaraan?
"Don't worry about me, Zandy kaya ko ang sarili ko," walang emosyong sabi ko pero dama ang inis doon. Tinalikuran ko siya at pumasok sa silid ko. Kahit pilit kong itinataboy sa isip ko ang nakaraan, nagsusumiksik iyon doon. Naiinis na naman ako at nagagalit kay Zandy dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.
Sumandal ako sa likod ng pinto, matapos ko iyong isara. Pumikit ako at humugot ng malalim na hiningi. Bigla kong naramdaman ang guilt dahil sa pagsusungit ko kay Zandy sa kabila ng pagligtas niya sa akin.
Matapos kong ikalma ang sarili ko, nagpasiya akong maligo para kahit pa paano maalis ang bigat ng katawan ko at makaramdam ng ginhawa. Kailangan kong paklamahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko mas pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa kakaisip sa nakaraan. Pero sana ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat, na sa isang kispamata mawawala ang lahat ng sakit.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagpatak ng malmig na tubig sa katawan ko. Naramdaman ko ang utay-utay niyong pagdaloy sa akin na naghahatid ng ginhawa.
Matapos kong maligo at magpatuyo ng buhok, naisipan kong lumabas ng silid at tumungo sa terrace ng bahay. Gusto kong pagmasdan ang gabi at ang maramdaman ang malamig na yakap ng hangin. Mabuti na lang at maganda ang panahon, tanaw ko mula sa kinaroroonan ko ang nagkalat na bituin sa langit. Kahit pa paano'y nagbigay iyon sa akin ng comfort.
Gusto kong magpatawad. Gusto kong palayain ang sarili ko sa sakit at galit pero hindi ko magawa dahil sa sakit na hindi ko magawang alisin o baka dahil hindi pa ako handang magpatawad.
"Bakit gising ka pa?"
Napakurap ako. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin at humarap kay Zandy na nakatayo, 'di kalayuan sa akin.
Humakbang siya at humawak sa bakal na nagsisilbing harang ng Terrace, saka humarap sa kalangitan. Muli kong naramdaman ang guilt dahil sa pagsusungit ko sa kaniya kanina at hindi man lang inalala ang kalagayan niya na ako ang dahilan.
"Kumusta ang likod mo?" balik kong tanong, saka umiwas sa kaniya nang bumaling sa akin.
"I'm feeling good, now, Miles," sagot niya. "I saw you earlier when you enter the house at mukhang may hindi magandang nangyari," aniya na tila inuusisa ako.
Binalingan ko siya saglit at yumuko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kanina lang nakaramdam ako ng inis sa kaniya pero bigla iyong nawala. Marahil dahil hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang pagligtas niya sa akin.
"Hindi ba tinanong mo ako kung ano'ng gagawin ko kapag bumalik ang ex ko?" simula ko habang nakatingin sa malawak na kalangitan. Mapait akong ngumiti. "I thought I've already moved on pero hindi pa pala sa sakit na naramdaman ko noon. Hindi ko pa pala kayang harapin ang ex ko na hindi isinusumbat ang nakaraan. Ikaw ang gusto kong tanungin Zandy, ano'ng gagawin mo kapag bumalik si Roven?"
Nang bumaling ako sa kaniya nakita ko ang pagkunot ng noo niya pero kapagkuwa'y sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "So, you're talking about Roven? Did you ever talk to him?"
"Para saan pa, Zandy? Para sa akin, wala na kaming dapat pag-usapan pa."
"What if the person you really love na inisip mong makakasama mo habang buhay bumalik after a years? After he cheated you."
Bumaling ako sa kaniya. Napakunot ang noo ko. After a years? Sino bang tinutukoy niya? "Who's you're talking about?"
"Hindi na mahalaga kung sino iyon, Miles. Pero alam mo kung ano'ng mas makabubuti sa inyong dalawa? Closure. Make everything's clear for both of you at nang pareho kayong makaabante sa kasalukuyan ninyong buhay. Yes, isn't easy to forget and forgive, it takes time pero kung hindi mo gagawin, sarili mo na ang patuloy na nananakit sa iyo at hindi na sila," seryosong sambit ni Zandy habang nakatingin sa akin. Sumilay pa ang ngiti sa mga labi niya.
Hindi agad ako nakaimik. Hindi ko maiwasang titigan ang gwapong mukha ni Zandy habang sinasabi ang mga salitang iyon. Napakaseryoso ng mukha niya, malayo sa unang pagkakakilala ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang bawat salitang binitawan niya. Naramdaman ko ang pagkalma ng isip at puso ko sa magulo kong sistema dahil sa pagbabalik ni Roven.
"Sinasabi mo ba lahat ng iyan dahil sa konsensiya mo sa pagpatol mo noon kay Roven?" seryoso kong tanong.
Ngumiti siya. "Are you still thinking na ako ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Roven? Miles, you need to talk to him about that matters at wala ako sa lugar para sabihin sa 'yo ang dahilan niya. It's better if he would tell it you."
Kumunot ang noo ko. Ano'ng sinasabi niya? "What do you mean, Zandy? Ano'ng totoong dahilan?" usisa ko. Napuno ang isip ko ng. curiosity sa dahilang sinasabi ni Zandy.
"Like I said, I have no right to tell it to you. Mas mabuting sa kaniya mo mismo marinig ang lahat. And besides, you need to open yourself for the closure para sa kapanatagan mo. You're believing with those lies na hinayaan ni Roven na paniwalaan mo. Harapin mo ang katotohanan ng nakaraan mo, forget and forgive at huwag mong hayaang saktan mo pa ang sarili mo because of that anger and pain."
Bakit ramdam ko ang concern sa boses niya? Bakit pakiramdam ko hinaplos ng bawat salitang iyon ang puso ko. May bumubulong sa akin at nagsasabing iyon ang dapat kong gawin. Hindi na rin ako naiinis sa mga sinasabi niya tungkol sa akin at kay Roven.
"Zandy, naguguluhan ako," pag-amin ko. Hindi ko makuha ang dahilang sinasabi ni Zandy. Ni wala akong ibang maisip na dahilan. Ano'ng kasinungalingan na hinayaan ni Roven na paniwalaan ko? Ang gulo! Hindi ko makuha ang puntong iyon. "I don't know what to think, Zandy? Ano ba ang katotohanan?"
"You'll find out the reason if you talk to Roven, Miles. You deserve to be happy and letting those pain ang anger go, is one thing you can do to make you happy. Goodnight!"
Hindi na ako nakaimik at natulala na lang dahil sa mga sinabi Zandy. Napagtanto ko na lang na wala na siya sa harap ko. Pumikit ako ng mariin, saka muling bumaling sa malawak na kalangitan. Hindi ko alam kung bakit ang sarap pakinggan ng mag katagang binitawan ni Zandy. Maraming tanong sa isip ko pero mas nangibabaw doon ang kakaibang emosyong naramdaman ko dahil sa mga sinabi ni Zandy.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...