Unexpected 9

1.6K 28 1
                                    

HINDI PA rin maalis sa isip ko ang planong sinabi ni Andrea sa akin para kay Zandy. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ko alam kung sinong lalaki ang ipakikilala ko kay Zandy. Kagabi pa lang, iniisip ko na kung sino ang pwedeng ipakilala ko rito. Wala naman akong kilalang pwedeng pumatol sa lalaki.

"Hindi mo ba natanong si Zandy kung ano'ng nangyari sa kanila ni Roven?" kapagkuwa'y tanong ni Andrea sa akin habang kumakain kami sa labas ng opisina. Katatapos lang ng article na ginagawa ko at oras na rin ng lunch.

Pasalamat naman ako dahil paggising ko sa umaga, wala roon si Zandy para kulitin at asarin ako. Mag-asawa nga kami pero dahil sa set up namin, nararamdaman kong single pa rin ako at mas gusto ko iyong ganito.

Kumunot ang noo ko at seryosong nag-angat ng tingin kay Andrea. Bakit nga ba hindi ko natanong si Zandy tungkol sa kanila ni Roven? Napaisip din ako. "Hindi," diretso kong sabi. "Hindi ko rin gustong subukang tanungin siya tungkol kay Roven," dahilan ko. "Wala na dapat akong pakialam doon."

"Curious lang kasi ako sa nangyari after ninyong mag-break ni Roven, I mean after mawala ni Roven ng walang paalam. Wala namang nangyaring break up sa inyo, so basically hindi kayo nag-break," ani Andrea na nagtataka rin sa pagkawala ni Roven ng biglaan sa buhay ko.

Napabuntong-hininga ako ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Roven matapos kong makitang kahalikan nito noon si Zandy. Ni hindi nito ako hinabol man lang para magpaliwanag. Hindi na rin ito nagpakita sa akin mula noon at naglahong parang bola. Naitanong ko rin naman sa isip ko kung nasaan na ito ngayon pero mas pinili kong huwag na lang alamin dahil may sakit pa ring nananatili sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa ni Roven sa akin.

"I don't know, Andrea, hindi ko na alam at hindi ko na dapat alamin pa iyon," malungkot kong sagot.

"Since, pumayag magpakasal si Zandy sa iyo, it means, hindi rin nag-work ang relationship niya with Roven. Eh, nasaan na kaya ngayon si Roven at ano'ng nangyari sa kanila ni Zandy?" patuloy na tanong ni Andrea na labis na nagtataka at bakas ang kagustuhang malaman ang nangyari.

Ngumuso ako at umiling. "Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyan, Andrea maging ako walang idea sa tunay na nangyari. Wala na rin akong balak pang alamin iyon. It's been a year at for sure na he's happy now at dapat ako rin, I should be happy right now," wika ko kahit ang totoo'y curious ako sa nangyari kay Roven matapos niya akong iwan at sa nangyari sa kanila ni Zandy.

Tumango-tango si Andrea. "Fine, sabi mo, eh," pagpayag pa niya.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin tuluyang nakalilimutan si Roven. Minahal ko siya at nakita ko sa pagkatao niya ang lalaking gusto kong makasama sa buong buhay ko. Sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko pero lahat ng iyon naglaho dahil kay Zandy. Ang masakit pa, wala man lang akong narinig na paliwanag mula sa kaniya.

"HINDI KA pa ba sasabay sa akin, Andrea?" tanong ko sa kaniya habang inililigpit ko ang mga gamit ko sa table ko. Binalingan ko ang wristwatch ko at nakita kong pasado alas-nuebe na ng gabi.

"Yeah! I need to finish my articles, Miles bukas na kasi ang deadline nito," sagot niya na hindi man lang lumingon sa akin dahil abala sa pagtutok sa monitor at sa pagtipa.

"Ok, I'll gonna go. Ingat ka sa pag-uwi," paalam ko.

"Sige, ingat."

Matapos kong iligpit ang mga gamit ko, nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho ko, saka lumabas ng silid. Medyo nakakaramdam na rin ako ng antok at hinahanap na ng katawan ko ang pahinga. Medyo sumasakit na rin ang mata ko sa maghapong pagtutok sa monitor dahil sa tambak na articles na gainagawa ko. Pasalamat naman ako at hindi pa nila ako binibigyan ng bagong personality na kailangan kong interview-hin.

Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi nang makalabas ako ng gusaling iyon bitbit ang ilang gamit na kailangang kong dalhin sa bahay. Tahimik lang ako naglakad hanggang makarating ako sa parking lot.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko, napahinto ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin at sumandal sa sasakyan ko.

"Are you sure you're gonna use your car? Look at the tire."

Laking gulat ko na lang nang tumambad sa akin si Zandy na nakahalukipkip habang nakasandal sa sasakyan ko. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa malayo.

"I-ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" angil ko agad sa kaniya.

"I'm your husband, remember?"

"Husband?" Napangisi ako. "Don't act like we're real couple, Zandy. Hindi tayo tunay na mag-asawa dahil hindi naman natin pareho gusto ang kasal na iyon," balik ko sa kaniya. "Damn! Bakit ngayon pa?" Nasapo ko ang noo ko nang makita kong flat ang gulong ng sasakyan.

"And now, may dahilan na kung bakit ako nandito," ani Zandy, seryoso pa rin ang mukha. "To help with your problems. I'll give you a ride," kaswal na alok niya.

Tiningnan ko muna ng seryoso si Zandy. "Ikaw ba ang may gawa nito?" kumpronta ko

Kapagkuwa'y dahan-dahan siyang humarap sa akin na kunot ang noo. "What? Are you accusing me? Hindi ako ganoon kababaw para gawin iyan," tanggi niya.

Hindi agad ako nakaimik dahil mukhang nagsasabi naman siya ng totoo na hindi siya ang gumawa noon. Napabuntong-hininga na lang ako. "Magta-taxi na lang ako kaysa ang sumakay sa sasakyan mo," sambit ko para tanggihan siya.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Zandy sa gilid ko. "Ganiyan ka ba kababaw, Miles? I offer you a ride because I mean it," aniya.

Ngumisi ako nang bumaling sa kaniya. "Really? I don't believe you, Zandy nagbabait-baitan ka lang sa akin, dahil ano, dahil nagi-guilty ka sa ginawa mo sa akin? Sa pang-aagaw mo sa boyfriend ko," balik ko sa kaniya.

"Come on, Miles it's been a year, you need to move on. Paulit-ulit mong binabalikan ang nakaraan na dapat kinalilimutan na. Masasaktan ka lang," seryoso sabi niya na lalong nagpainis sa akin.

Ngumisi muli ako. "Talaga ba, Zandy? Hindi ko na masukat kung gaano kakapal ang mukha mo para sabihin sa aking mag-move on at kalimutan ang nangyari. Hindi ikaw ang nasaktan at pinagpalit sa kapwa lalaki kaya wala kang karapatang sabihin sa akin iyan dahil ikaw ang dahilan kung bakit nangyari iyon," madiin kong sumbat sa kaniya dahil sa inis ko.

Napakamot sa noo ni Zandy. "Ok, fine, bahala ka na kung ano'ng paniniwalaan mo. Maybe, mas mabuti nang iyan ang alam mo sa akin."

Natulala ako sa sinabi niya na parang may nakatagong mensahe roon. Pinagmasdan ko na lang ang paglakad niya palayo sa akin. Sumakay siya sasakyan niya at agad iyong pinaharurot palayo. Naiwan akong tulala.

"Haist! Paano ako nito ngayon?" sabay reklamo ko. Bakit kasi nag-inarte pa ako at tinanggihan si Zandy sa alok niya. Napapadyak na lang ako habang nakasimangot sa inis. Bakit kasi ngayon pa?

Hindi naman maalis sa isip ko ang huling mga sinabi ni Zandy. Ano'ng ibig niyang sabihin na mas mabuti ng iyon na lang ang alam ko sa kaniya?

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon