HINDI ko alam kung paano ako magre-react sa nangyayari. Kasalukuyang nakaupo si Beverly sa sofa sa harap namin ni Zandy habang katahimikan ang namamayani sa pagitan naming tatlo. Panaka-naka lang akong tumitingin kay Zandy at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Napuno na rin ng awkwardness ang silid.
Nagsisimula ko na ring maramdaman ang kaba at ang pakiramdam na parang hindi ako kailangan doon. Pakiramdam ko'y masasaktan lang ako sa mga maririnig ko. Gusto ko na lang na mawala bigla lalo pa't tinitingnan ako ni Beverly na para bang sinasabi niyang 'pwede bang umalis ka muna rito?'
"Why are you here, Beverly?" malamig na basag ni Zandy sa katahimikan habang iwas na nakatingin kay Beverly.
Ngumiti ang magandang babae. "Ngayon ko lang nalaman na kapag pala gusto kitang makita, dapat may dahilan," sabi nito na bumakas ang lungkot sa mukha. "I'm here for you, Zandy, to know if you're ok, if you're happy," pagtatapat nito habang hindi inaalis ang mga mata kay Zandy at hindi ako bulag para hindi makita ang pananabik nito para sa asawa ko.
Ngumisi si Zandy at bahagyang napakiling. "Para kumustahin ako? Para saan at para ano pa?" Bumuntong-hininga si Zandy. "Ok, if that's what you want to know, then I'm ok, masaya ako ngayon even without you. So, you can now leave now," masungit na sagot ni Zandy pero hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Beverly.
Napasinghap si Beverly sa narinig na tila ba hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Zandy. Nandoon ang pagkadismaya. "That's how you treat me now, Zandy? I thought you still in love with me? Hindi ba't hinihintay mo pa rin ako na bumalik, then, I'm here now, Zandy I'm coming back to you," puno ng lungkot at pag-asang sabi nito.
Napakiling ako sa narinig ko. Ang kapal naman ng mukha ni Beverly para sabihin ang bagay na iyon habang nandoon ako sa harap nito. Gusto kong magsalita pero mas pinili kong manahimik kahit nasasaktan na ako.
Hindi agad nakaimik si Zandy pero alam kong nilingon niya ako at alam kong nag-aalala na siya sa nararamdaman ko ngayon.
"S-siguro kailangan ko muna kayong iwan," nahihiya kong sabi dahil pakiramdam ko'y mas masasaktan pa ako kung makikinig pa ako sa usapan nila. "Excuse me," sabi ko at nang akmang aalis na ako nang hawakan ni Zandy ang braso ko para pigilan ako.
"No, hindi mo kailangang umalis, Miles. You're my wife at karapatan mong marinig ang mga sasabihin ko," sambit niya. Marahan pa niyang pinisil ang palad ko.
Bumaling siya kay Beverly. "You're insane, Beverly! Hindi mo ba nakikita? I'm married with Miles, kasal na ako and it's the evidence." Itinaas ni Zandy ang kanang kamay niya para ipakita ang singsing na isinuot ko sa kaniya nang araw na ikasal kami. "Tama ka, hinihintay kong bumalik ka habang mahal pa kita pero napagod akong maghintay sa pagbabalik mo habang naririnig kong nakikipaglandian ka sa ibang lalaki roon sa Paris. At habang wala ka, Miles came to fill those empty places in my heart. So, please be considerate with your words, kaharap mo ang asawa ko para sabihin mo ang mga bagay na iyon," diretsong sabi ni Zandy na bakas ang inis sa mukha.
Seryosong binalingan ako ni Beverly at agad ding bumalik kay Zandy ang mga mata nito. Ngumisi ito. "Asawa? Are you joking me, Zandy? I know the reasoned why you get married with her, dahil 'yon sa mga magulang ninyo at hindi dahil mahal mo ang babaeng 'yan. Come on, Zandy if you're just doing this to hurt me, para gantihan ako, then, fine nasasaktan ako Zandy at mas pinagsisihan kong iniwan kita para lang sa career ko," malungkot na sambit nito.
"Hindi mo ba naiintindihan, Beverly? Yes, you're right, arrange marriage ang dahilan ng kasal namin but it doesn't mean, I don't love her. Yes, at first we don't like each other, pero dahil nandiyan si Miles habang wala ka para iparamdam sa akin ang suporta sa bagay na gusto kong gawin, habang nandiyan siya to fill those empty places in my life, para iparamdam ang halaga ko at ng bagay na gusto ko, I've learned to love her at nakalimutan kong naghihintay ako sa pagbabalik mo," seryosong pagtatapat ni Zandy.
Kita ko kung paano nasaktan si Beverly sa narinig dahil sa pagguhit niyon sa mukha nito. Hindi rin agad ito nakaimik at bahagyang yumuko. Nag-angat si Beverly ng tingin kay Zandy. "But I still love you, Zandy. Walang katotohanan ang mga balitang narinig mo na nagkaroon ako ng relasyon sa ibang lalaki. I still love you while I was in Paris and I promised, na babalik ako after I become successful at ito na 'yon, Zandy. Nagbabalik na ako para sa 'yo, para ituloy ang pagmamahalan natin," puno ng pait na wika ni Beverly habang nangungusap ang mga mata niya kay Zandy. "Please, tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na salitang ibabato mo pero please, let me stay. Hayaan mo akong bumalik sa buhay mo baka kasi...baka, nalilito ka lang sa nararamdaman mo dahil si Miles ang palaging kasama mo. I'm here now, we can spend more time together at baka ma-realize mong mahal mo pa rin ako," dagdag pa niya na tila pa desperada na.
Suminghap si Zandy at nagpanting ang mga panga. "Can you please stop, Beverly. Matagal na tayong tapos, tanggapin mo na lang na hanggang dito na lang tayo. And besides, you're the one who left, kaya tanggapin mo ang consequences ng pang-iiwan mo dahil hindi lahat ng iniwan, pwede pang balikan kung kailan mo gusto," madiing sagot ni Zandy.
Napuno ng saya at ligaya ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Zandy na hindi ko inaasahang sasabihin niya. Mas lalo ko lang napatunayan na tama ang tiwalang binigay ko sa kaniya. Mas lalong tumibay ang kapit ko sa kaniya at sa pagmamahal niya.
Umiling nang sunod-sunod si Beverly habang bakas ang inis at sakit sa mukha niya. Halos maluha na rin siya. "No! I won't believe you, Zandy alam kong ginagawa mo lang 'to para gantihan ako. Hindi mo mahal ang babaeng 'yan dahil ako ang mahal mo! Ako, Zandy! We've been together for almost five years at ipagpapalit mo lang 'yon sa ilang buwang kasama mo ang babaeng 'yan! No! Hindi ako titigil until you realize na ako ang mahal mo. Tandaan mo 'yan, Zandy!" sunod-sunod na sambit ni Beverly habang bakas ang galit sa mukha at ang matinding selos. Hindi nito matanggap ang mga narinig mula kay Zandy.
Umiling si Zandy. "I'm sorry, Beverly pero hindi ako gumaganti, I just learned how to moved on and move forward to left those things in past at kasama roon ang nararamdaman ko para sa 'yo. At kahit ano'ng gawin mo, hindi na magbabago ang nararamdaman ko. I'm sorry, Beverly," seryosong balik ni Zandy. "You ca leave, now," pagtataboy pa niya.
Binalingan ako ni Beverly na salubong ang mga kilay na para bang anumang sandali'y susugurin nito ako. "I won't let you win over Zandy, Miles. Hindi ako papayag!" madiin pa nitong sambit. "I can do anything for him," dagdag pa nito. Bumaling ito kay Zandy at tinitigan siya. Lumamlam ang mga mata nito na animo'y nagmamakaawa. "I still love you, Zandy at palagi akong nandito kapag na-realize mong ako pala ang mahal mo," sambit nito. Ngumiti pa si Beverly bago tumayo. Binalingan pa nito ako na animo'y may pagbabanta bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng silid.
Nang mawala si Beverly sa paningin ko, nakahinga ako ng maluwag. Bumaling ako kay Zandy at ngumiti. Hindi ko na mapigilan ang saya at kilig na nararamdaman ko kaya mabilis ko siyang niyakap. "Thank you, Zandy! Thank you!" sabi ko. "Natakot ako na baka itakwil mo ako sa harap niya at balikan siya pero pinagtanggol mo ako. I love you, Honey!" puno ng ligaya kong sambit.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zandy. "That was I told you, Miles just trust me. Kahit pa dumating si Beverly, ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you, Miles. Honey!" balik ni Zandy.
Marahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko habang puno ng damdaming nakatingin ang mga mata namin sa isa't isa. "Totoo na 'to, Miles at sigurado na ako sa nararamdaman ko sa 'yo. I love you," sambit muli niya na puno ng pag-ibig. Ang sarap niyon sa pangdinig na para bang hinahaplos niya ang puso ko. Ito ang unang pagkakataong narinig ko iyon mula sa kaniya at hindi ko maipaliwanag ang saya at ligayang bumabalot sa puso ko. Parang abnormal na tumibok ang puso ko habang napupuno iyon ng ligaya at kilig na nagpapainit sa pisngi ko.
"I love you, Honey!" Pagkasabi ko niyon, mabilis kong inilapit ang ulo ko para halikan siya. Nagtama ang mga labi namin na puno ng damdamin ang bawat galaw niyon na kapwa nagpapaligaya sa amin.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...