9 - Amity

4.4K 51 24
                                    

                   
After a few days...

MINNIE:         Luana!

Kasalukuyang mag-isang naglalakad si Luana papuntang dalampasigan nang tawagin siya ni Minnie.

LUANA:         (mapapatigil at lilingunin ang pinanggalingan ng boses) Minnie?

Tatakbuhin ni Minnie ang kinaroroonan ni Luana.

MINNIE:         Yup! Yup! Yup!

LUANA:         Uy, kumusta na? Parang di ka na nagpaparamdam lately ah. Na-miss kita alam mo ba yon? Wala na akong ka-chikka-han.

MINNIE:         Oo nga. Ako din naman, na-miss din kita ng bonggang-bonga. (sabay yakap kay Luana) Sensya na friend ha, medyo busy kasi sa trabaho. Wala akong pasok ngayon kaya naisipan kong puntahan ka sa inyo. Buti na lang naabutan pa kita. Saan ang punta?

LUANA:         As usual, magpapahangin lang diyan sa tabi-tabi.

MINNIE:         Sama ako. (hahawak sa braso ni Luana)

LUANA:         Sige ba. Tara!

MINNIE:         Sayang wala si Gelai.

LUANA:         Oo nga. Miss ko na rin siya. Sana next time tayong tatlo naman.

MINNIE:         Hayaan mo sasabihan ko siya. Teka, ba't mag-isa ka lang? Asan yong jowa mo?

LUANA:         Jowa?

MINNIE:         Boyfriend. Si Lander.

LUANA:         Anong boyfriend? Hindi ko po siya boyfriend no.

MINNIE:         Correction, hindi mo PA siya boyfriend.

LUANA:         Teka, paano mo nalaman na—sino bang nagsabi sayo?

MINNIE:         Alam mo na, may teynga ang lupa, may pakpak ang balita.

LUANA:         Talaga naman o.

MINNIE:         So, totoo nga na nanliligaw na siya sayo.

LUANA:         (tango) Ang kulit e.

MINNIE:         Pero sa totoo lang, in-expect na namin ni Gelai na darating kayo sa puntong ito, ang ligawan churva.

LUANA:         Ha?

MINNIE:         Alam mo kasi, noon pa man, noong unang dating pa lang ni Lander dito sa atin, napansin na namin agad ni Gelai na may tama na siya sayo.

LUANA:         Talaga? E ba't di niyo sinabi sa akin?

MINNIE:         At ano? E di iniwasan mo siya. Magiging kontrabida pa kami kay Lander. Batid naman namin, kahit di niya sabihin nun na ayaw niyang ipaalam sayo kasi nga gusto ka muna niyang kaibiganin. E kung sinabi namin sayo, sa tingin mo, aabot hanggang ngayon yong pagkakaibigan niyo? E di kung sakali bulilyaso siya dahil sa amin. Kawawa naman yong tao, if ever. Di man lang nabigyan ng chance.

LUANA:         (bahagyang matatawa) Ang laki pala ng utang na loob ng mokong na yon sa inyo.

MINNIE:         Korek! Hay...ang unfair talaga ng mundo.

LUANA:         Ha?

MINNIE:         Inagawan mo kasi ako. Dapat para sa akin si Lander e.

LUANA:         O, sige, sayo na siya.

MINNIE:         Tss! As if naman sasama yon sa akin. (sabay tawa) Kahit naman siguro akitin ko yon, o di kaya gayumahin ko, wa-epek pa din. Mukhang naka-program na puso't isip nun sayo e. Tsaka, isa pa, anong panama ko diyan sa beauty mo?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon