107 - Surprise

324 13 15
                                        


MENCHIE: E paano pag babae po?

RANDEL: Aba walang kaso sa akin. Walang problema.

VANGIE: Oo nga naman po. Kung babae, e di gawa ulit hanggang magkalalaki.

RANDEL: (matatawa) Loko ka talaga, Vangie. Pag ikaw narinig ni Luana, lagot ka talaga sa kanya.

VANGIE: Pero, Sir, aminin niyo, yon din nasa isip niyo.

RANDEL: Well...

VANGIE: Uy...di makasagot! Tama ako!

RANDEL: Ewan ko sayo.

MENCHIE: Kung lalaki magiging anak niyo, aba, siguradong maraming paiiyaking chicks yon.

VANGIE: At siguradong iiyak din yon dahil mapipingot siya ng nanay niya.

RANDEL: Lagot talaga siya sa mommy niya pag di siya umayos. Kaya wag siyang pasaway.

MENCHIE: E sa inyo, Sir?

RANDEL: Siyempre lagot din siya sa akin...dahil kung hindi, ako ang malalagot sa nanay niya.

VANGIE: Ay, tiklop!

Tawanan ang lahat.

VANGIE: E, Sir, paano pag girl? Siguradong mahihirapan kayo niyan. Baka buong Cielo Puro pabakuran niyo dahil sa dami ng manliligaw.

RANDEL: Aba umayos-ayos kung sino man ang mangahas na manligaw sa anak ko. Pag yon umiyak, magtago na siya. Buong Cielo Puro kakastigo sa mokong na yon.

VANGIE: Ay katakot!

RANDEL: Huh! Talaga. At bago siya pumasa, kailangan muna niyang siguraduhin na kaya niyang magtrabaho sa farm.

MENCHIE: Wow! Parang...parang...ano nga ba yon? Yong sa mga pulis at sundalo?

RANDEL: Initiation?

MENCHIE: Ay...opo, yon po yong naririnig ko dati.

VANGIE: Ano yong inisisyon?

MENCHIE: Yong pahihirapan ka muna bago ka makapasok or matanggap sa isang grupo, parang ganun.

VANGIE: Ay, lagot kang bata ka.

Pagkatapos ng kwentuhan magpapaalam na si Randel. Pagkatapos maligo, magpapasiyang itong i-check muna ang dalaga sa kwarto nito.

Laking ngiti na lang niya nang makita si Luana na himbing na himbing habang yakap yakap ang higanteng bear na bigay niya.

Lalapitan niya ito at mauupo sa may gilid ng kama. He then stares at her as he gently strokes her hair. Then he kisses her on the head.

RANDEL: (yawns) Why do I feel sleepy all of a sudden. (pagmamasdan ulit ang dalaga) I think mamaya pa to magigising. Paidlip muna dito.

And carefully he lies down beside her. Laking gulat na lang niya nang biglang bumaling sa kanya si Luana at bigla siyang yakapin gaya ng pagyakap niya sa bear.

RANDEL: Oh my...what should I do? Siguradong lagot ako nito.

Dahan-dahan niyang tatanggalin ang kamay at braso ng dalaga pero lalo lang itong hihigpit.

RANDEL: Bahala na nga. (hugs her back as he closes his eyes)

Around 6 pm...

VANGIE: Aakyatin ko lang saglit si ganda. Baka gising na yon. Magpapaalam lang ako.

Ready na ang dalawa papuntang hospital.

MENCHIE: Okay.

Pagkaakyat, marahang kakatok si Vangie sa kwarto ni Luana. Wala itong makukuhang sagot.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon