Bahagyang matatawa si Lander sa kakulitan ng magkapatid.LUANA: Bilis na. E si Lander lang naman makakakita, hindi yong crush mo.
BADONG: Ate!
LUANA: E di wag. Dito ka lang kung ganun.
BADONG: Sige na nga. (nahihiyang hahalik sa pisngi ni Luana) O ayan, papayagan mo na ba ako?
LUANA: Okay. Pero pag tinawag kita, gusto ko andito ka agad ha.
BADONG: No problem! Tara, Kuya Lander.
LANDER: Teka, sigurado ka ba? E di walang kasama Ate mo dito?
LUANA: Okay lang ako. Ang lapit lang naman niyang bahay mo e. Isang tawag ko lang diyan, rinig niya agad. Dahil kung hindi...alam na niya ang mangyayari. Sige na, wag niyo na kong alalahanin. Kaya kong sarili ko. (tatayo ito at kakapain ang hamba sa may pintuan)
LANDER: (agad na dadaluhan si Luana para alalayan) Sige na Badong, mauna ka na dun. Susunod na kamo ako, okay?
BADONG: Okay! No problemo! (excited na pupunta sa kabilang bahay)
LUANA: (mahihiya ito sa binata) Teka...teka...
LANDER: Bakit?
LUANA: Lander, okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Di mo na ko kailangang alalayan pa. Bulag lang ako no, di naman ako totally imbalido.
LANDER: Kahit na. (tuloy pa rin sa pag-alalay sa dalaga hanggang sa makaupo ito sa mahabang upuang kawayan sa loob)
LUANA: Salamat.
LANDER: Wala ka na bang kailangan?
Bahagyang matatawa si Luana sa tanong ni Lander.
LANDER: O, bat ka natatawa?
LUANA: Wala lang. Naalala ko lang kasi yong sinabi ko dati tungkol sayo. Mukhang tama nga ako na sa hula ko na kung hindi ka isang doctor, isa kang nurse, o di kaya, caregiver. Pwede rin houseboy.
LANDER: (bahagyang matatawa din) Tss! Actually, I'm all of them.
LUANA: Ha?
LANDER: I'm a nurse and a doctor, kasi maalaga akong tao. I'm a caregiver kasi I do care. And lastly I'm a houseboy, kasi starting today, expect niyo na, na araw-araw na ko dito sa bahay niyo para mangulit.
LUANA: Baliw! E di sana pala, dito ka na lang tumira, kung ganun din lang.
LANDER: Aba, why not? Kung payag kayo ng nanay mo, bakit hindi?
LUANA: Sige, pagagawan ka namin ng maliit mong bahay diyan sa labas para may bantay kami.
LANDER: Ano, aso lang? E pano yan, di ako marunong kumahol. Lugi kayo.
LUANA: Loko ka rin no? Sige na puntahan mo na sila dun. Baka hinahanap ka na nila. Mamaya ako pang sisihin nila.
LANDER: Hay naku, hayaan mo lang yong dalawang yon dun, para naman masubukan nilang gumawa ng gawaing bahay hindi lang yong puro utos ang alam.
LUANA: Baka kasi kung ano nang isipin nila sa atin.
LANDER: (mumbles) O, di mas maganda.
LUANA: Anong sabi mo?
LANDER: Wala. Sabi ko, mas maganda nga sigurong pumunta na ako dun. Sure ka ba talaga na okay ka lang dito mag-isa?
