Hours later...sa Cielo Puro.
Sa may isa sa mga cottages nila dadalhin ang dalaga. Doon, hahayaan nila ito hanggang sa magising.
Ilang saglit pa, unti-unting magmumulat si Luana ng mga mata. Mararamdaman nito ang mainit na sikat ng araw galing sa bintana malapit sa kinahihigaan niya. Wala itong idea kung ilang oras siyang tulog at wala din itong alam kung anong oras na o kung nasaan siya ngayon. Agad itong babangon at hahanapin ang dala-dalang bag. But it's nowhere to be found.
LUANA: (mapapatingin sa kabuuan ng kubo) Nasaan ako?
She checks on and feels herself. Wala naman siyang kakaibang nararamdaman maliban lang sa kanyang mga braso kung saan hawak siya ng mahigpit kanina ng dalawang lalaki. Medyo nananakit ang mga ito.
All of a sudden, she remembers what happened at the memorial garden that morning.
LUANA: (in a soft voice) Lander...siya yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Lander yong nakita ko. At yong boses niya.
Then, isang pigura sa may labasan ang mahahagip ng mga mata nito. Lalaki. Nakatalikod ito pasandal sa isang posteng yari sa kawayan. Magsisimula uli siyang kabahan.
Dahan-dahan siyang tatayo palapit sa may pinto. She's thinking of running away and finding her own escape. Pero bago pa man ito makahakbang muli, bigla namang magsasalita ang nasabing lalaki.
LALAKI: Buti naman at gising ka na. (nakatalikod pa rin ito, nakapamulsa)
LUANA: (sa isip nito) That voice. (biglang mapapaatras) Hindi ako pwedeng magkamali. Parehong-pareho sila. (aabante ng konti, tila naniniyak) Si...sino ka? A...anong kailangan mo sa akin? Bakit ako nandito? Bakit niyo ko kinidnap?
Agad na mapapaatras si Luana nang biglang dumiretso ng tayo ang lalaki. She starts to look around for anything na pwede niyang magamit anytime against the guy kung may binabalak man itong masama sa kanya. But to her dismay, wala. Mga sombrerong pambukid, lubid at ilang farmer's shirts lang ang naroon.
LALAKI: (nakatalikod pa rin) Malaki ang kailangan ko sayo.
LUANA: Baka nagkakamali lang kayo. Kung pera ang kailangan niyo, wala akong maibibigay.
LALAKI: Wala nga ba?
LUANA: A...anong ibig mong sabihin? Sino ka ba? Ba't niyo to ginagawa sa akin?
LALAKI: Dahil malaki ang atraso mo sa akin at sa pamilya ko.
LUANA: Atraso? Ano bang pinagsasasabi mo? Kailanman, wala akong maalalang taong inapakan o nasaktan ko.
LALAKI: Talaga? Hindi ka ba kinikilabutan diyan sa sinasabi mo?
LUANA: (puzzled) Hindi ko alam kung ano rin yang sinasabi mo. Nagmamakaawa ako...please...gusto ko ng umuwi. Hinahanap na ko ng pamilya ko. Siguradong nag-aalala na sila sa akin. Baka...baka...namali lang kayo ng hinahanap na tao.
LALAKI: Hindi ako pwedeng magkamali. (sabay lingon) Welcome to hell, Luana. (smirks)
LUANA: (manlalaki ang mga mata, mapapaatras uli) La...Lander? (it's more of a whisper)
Hindi sasagot ang naturang lalaki. Mananatiling nakakunot lang ito at matamang nakatitig sa dalaga.
LUANA: (full of excitement) Lander... Ikaw nga! Buhay ka!
Lalapitan ni Luana ang lalaki para yakapin isana ito pero agad siyang pipigilan ng huli.
LUANA: Lander...
