CORA: (mapapalingon) Anong sabi mo?RANDEL: (lalapitan sila Cora) Hindi niyo na po siya kailangang samahan. (titingin kay Luana) Ako na lang po ang sasama sa kanya.
Halos di naman maipinta ang mukha ni Luana. Tila lalo itong nahilo sa narinig.
CORA: Anak, ano na naman ba to?
RANDEL: Seryoso po ako. Ako na po ang sasama sa kanya para magpatingin.
CORA: Sigurado ka?
RANDEL: Mamang, ang kulit niyo po.
CORA: Teka...magsabi ka nga ng totoo. Gagawin mo ba to dahil iniiisip mo na baka makatakas siya o dahil iniisip mo na baka hayaan ko siyang gawin yon?
RANDEL: I'll go with the first one.
CORA: Randel...
RANDEL: Mamang, alam niyo pong malaki ang tiwala ko sa inyo at alam ko pong hindi po kayo gagawa ng isang bagay na ikasasama ng loob ko. Pero pagdating sa kanya (sabay tingin kay Luana) ibang usapan na po yon. In other words, sa kanya po ako walang tiwala.
LUANA: (mumbles) Haist! Ang kap-pal talaga.
RANDEL: Tsaka para di na rin po kayo maabala pa. Buti po sana kung malapit lang. At total nandito na rin lang po ako at di na rin po ako babalik ng farm, e di ako na lang po.
CORA: Ganun ba? O...di sige. Okay.
LUANA: Mamang!
RANDEL: O ayan, um-oo na si Mamang kaya wag ka ng magreklamo pa. (takes her by the arm) Kaya sige na, tara na.
LUANA: Ayoko! (babawiin ang kamay at hahawak kay Cora)
RANDEL: Pwede ba, Luana, wag ng madaming arte?
Pupunta sa may likuran ni Cora ang dalaga at yayakap dito.
CORA: Luana, anak, sige na. (kakalasin ang mga kamay ng dalaga sa pagkakayakap sa kanya)
LUANA: Mamang, ayoko po.
CORA: Sige na. Wag kang matakot sa kanya.
LUANA: Hindi po ako natatakot sa kanya no. Siya dapat ang matakot sa akin baka kung ano pang magawa ko sa kanya.
RANDEL: Tss! (mutters) Sa liit mong yan.
CORA: Wag ng matigas ang ulo, okay? Sige na. (haharap kay Randel) Sasabihan ko na lang si Poldo. (tukoy nito ang driver)
RANDEL: Hindi na po. Ako na rin po ang magda-drive.
CORA: Sigurado ka?
RANDEL: Mukha po bang hindi?
CORA: Okay. Sige na, kung ganun.
LUANA: (tila nagmamakaawa) Mamang...
RANDEL: Tara na.
LUANA: (hahawak sa braso ni Cora) Mamang, wag na lang po kaya.
CORA: Ay, hindi. Kailangang maipatingin na yang mga mata mo, sa ayaw mo't sa gusto. Tsaka tingnan mo o, nanlalamig ka tas namumutla ka.
LUANA: Mamang, please, ayoko pong sumama sa kanya.
CORA: (inis) Sinabi ng wag matigas ang ulo e.
![](https://img.wattpad.com/cover/3060453-288-k268569.jpg)