68 - Laiza's Spite

454 17 30
                                        

NEMO: Ay...di hindi na rin kami jo-join kung ganun.

VANGIE: Oo nga. Nahiya naman kami kasi kung tutuusin sabit lang kami.

LUANA: Hindi naman sa ganun.

NEMO: Ganun yon, girl. Ngayon, kung talagang gusto mong mag-back out, kami din magba-back out na rin. Nakakahiya naman sa kanila lalo na kay Sir Brent kasi idea niya to lahat para sayo.

LUANA: Oo na, oo na. Hindi na.

Magkakatingina ang dalawa sabay ngiti.

LUANA: Kinonsensya pa ko. Basta wag lang uulit yong unggoy na yon dahil hindi ako magdadalawang isip na sipain siya 'dun'.

VANGIE: Awtsu! Ansakit nun. Gagawin mo talaga yon?

LUANA: Ano sa tingin mo?

NEMO: Sows! Sige para makatikim ka ulit sa kanya. Di ka pa nagtanda.

LUANA: Hay ewan. (maaalala nito ang paghapit sa kanya ni Randel sa may beywang) Haist! Bwisit talaga siya. Bwisit! Bwisit!

Magkakatinginan uli sila Nemo at Vangie sabay ngiti.

NEMO: Okay, okay, wag na init ulo. Teka, ano bang hinahanda niyo?

VANGIE: Empanada!

NEMO: Wow! Sali ako!

VANGIE: Sige, sige.

NEMO: Hugas lang ako ng kamay.

LUANA: Handa na yong mga sahog para sa filling, ito na lang dough ang gagawin natin.

NEMO: Oh...masa-masa! Gusto ko yan.

LUANA: Teka, ano yan? (nakatitig ito sa mukha ni Nemo)

NEMO: Ang alin?

LUANA: Yan o. (ituturo nito ang mukha ng kaibigan)

NEMO: Bakit? Anong meron?

LUANA: Yan o...(aabutin nito ang mukha ni Nemo at idadampi ang mga kamay na namumuti sa harina sabay ngiti) Ito pa...

NEMO: A...ganun? Ikaw din naman e. Ito sayo...(papahiran ng harina ang mukha ni Luana)

Matatawa lang si Vangie na nakamasid sa dalawa.

NEMO: At ikaw, tatawa-tawa ka pa diyan. Tuwang-tuwa ka sa amin. Ang lagay ba niyan e kami lang ang meron. Dapat ikaw din.

LUANA: Oo nga.

Agad na iiwas si Vangie pero hahabulin ito ng dalawa.

VANGIE: (nasa may tapat ito ng pintuan) Isa! Wala akong ginagawa sa inyo.

NEMO: One for all, all for one to. Kaya lika dito.

LUANA: Come here, baby! (sabay saboy ng harina)

Pero agad na makakailag si Vangie. Sakto namang papasok si Laiza kaya ito ang masasabuyan......sa mukha.

LAIZA: Punyeta!! Anong ginawa mo?

LUANA: Oh my God, sorry...sorry... (pupunasan si Laiza) Ano kasi...si...si Vangie dapat yon...sorry...sorry talaga. Di ko sinasadya na ikaw—

LAIZA: (nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig kay Luana) Hindi sinasadya? Sa tingin mo hindi mo sinasadya to? Ganito ba ang hindi sinasadya ha? (advances)

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon