RANDEL: Parang si Mamang na kasi ang tumayong nanay ko. And it's just so good to know na kasundo ng nanay ko ang mamanugangin niya.LUANA: (inis na mapapalingon kay Randel) Alam mo ikaw, pag di ka pa talaga tumigil—
Mapapatigil ito nang biglang magseryoso si Randel.
RANDEL: Wait, wait...
Mapapatingin din si Luana sa direction kung saan matamang nakatingin ang binata—isang traysikel na tulak tulak ng tila may edad na ring mag-asawa papuntang gilid.
LUANA: Bakit?
RANDEL: I think they need help. (kakabigin ang kotse sa gilid at kukunin ang payong sa may likuran) Mukhang bumigay yong sasakyan nila.
Bababa na sana ito nang bigla siyang pigilan ni Luana.
LUANA: Teka, teka, bababa ka?
RANDEL: Oo.
LUANA: Ano? Di ka ba nag-iisip? Paano kung...paano kung miyembro pala sila ng mga sindikato, ng NPA? Paano kung may ibang modus pala sila tas...tas nagpapanggap lang sila...tas may masama pala silang binabalak?
RANDEL: Ano ka ba? Walang NPA dito no. Wag ka ngang praning.
LUANA: Hindi ako praning, nag-aalala lang ako.
RANDEL: (mangingiti) Para sa akin?
LUANA: Mukha mo. Siyempre sa akin no. Pake ko sayo.
RANDEL: Ang cute mo talaga. Sige na. Dito ka lang. Wag kang bababa.
LUANA: Pero...paano kung...
RANDEL: Luana...relax, okay?
LUANA: Okay. (but still, worry is all over her face)
Ilang saglit pa...
Bubuksan ni Randel ang pinto sa likod at kukunin ang mga dala nila at ililipat sa may compartment.
RANDEL: Tay Gener, Nay Roseta, dito na po kayo. Sakay na po.
GENER: Pero, hijo, basang-basa na kami.
RANDEL: Okay lang po.
ROSETA: Sigurado ka ba talaga, anak? Nakakahiya naman ata.
RANDEL: Wag na po kayong mahiya. Sige na po.
Pagkasakay ng tatlo...
RANDEL: Um...Tay Gener, Nay Roseta, si Luana po.
Mawawala ang pangamba ni Luana nang makita ang mag-asawa. Pakiramdam niya mukhang mababait ang mga ito.
LUANA: (nahihiyang magmamano) Magandang gabi po.
ROSETA: Ay, napakaganda ng asawa mo, hijo.
Ngiting-asong mapapatingin naman si Luana sa binata. Ngingisian lang naman siya ni Randel as if telling her na sakyan na lang niya ang sinabi nito.
ROSETA: Kumusta ka?
LUANA: Ayos lang po. Kayo po? Mukhang kanina pa po ata kayo sa ulan?
ROSETA: Oo, anak. Hindi kasi kinaya nung traysikel namin. Bigla na lang tumirik yong motor.
LUANA: (lilingunin si Randel) Baka pwedeng pakipatay na lang yong aircon para di na sila lalong lamigin.
RANDEL: Tapos na.
LUANA: Good. (huhubarin nito ang suot na cardigan sweater) Nay, isuot niyo na po muna to.