One Sunday. Pagkatapos ng swimming lesson, biglang uulan ng malakas.LUANA: Wow! Tara ligo tayo!
NEMO: Gusto ko sana kaso may gagawin pa ko e.
VANGIE: Ako din. Tsaka ang lamig lamig kaya. Kanina nga sa pool nanginginig na ko.
NEMO: Ako din.
Nasa kwarto ng dalawa ang tatlo.
LUANA: Pambihira naman. Kahit saglit lang.
VANGIE: Hindi nga pwede. Pasensya na prenship.
LUANA: Sige na.
NEMO: Ay ang kulit.
LUANA: Okay. Di ako na lang mag-isa.
VANGIE: Wag na lang kaya. Baka magkasipon ka pa.
LUANA: Ba't mo kasi iniisip yon? Dapat di ganun. Malakas resistensya ko no.
NEMO: Malakas nga ang resistensya pero lapitin naman ng disgrasya.
LUANA: Hindi naman siguro ako malulunod sa tubig na hanggang bukong-bukong lang no.
NEMO: Ha-ha...funny.
LUANA: Kahit nga mahulog ako dun sa pool, okay lang din. Kaya ko na.
VANGIE: Ang yabang! Pasalamat ka kay Sir na matiyagang nagtuturo sayo kahit pasaway ka at lagi mo siyang inaaway.
LUANA: Haist! Ba't ba lagi siyang nasasama sa usapan natin? (sabay tayo)
NEMO: O saan ka pupunta?
LUANA: Maliligo nga ako sa ulan.
VANGIE: Ay ang tigas talaga ng ulo.
LUANA: Ngayon lang naman to e. Na-miss ko na kasi yong maligo sa ulan.
VANGIE: Hay...bahala ka na nga.
NEMO: Saglit ka lang diyan ha, baka ka sipunin.
LUANA: Opo mga nanay. Magsasabi na rin ako kay Mamang para sure na walang sabit. Babuuush! Kitakits later!
Mapapailing na lang ang dalawa.
After a while...
RANDEL: Si Luana?
Magkakatinginan sila Vangie at Nemo.
VANGIE: Nasa labas po.
RANDEL: Anong sa labas e ang lakas ng ulan.
NEMO: Yon na nga po. Andun po siya sa labas, naliligo sa ulan.
RANDEL: (frowns) What?!
NEMO: E sir, ayaw po papigil e. Ang tigas ng ulo. Sinabihan na namin na baka sipunin siya pero nagpumilit pa rin.
RANDEL: (looks away, in a soft voice) So stubborn.
VANGIE: E sir, ba't niyo po pala siya hinahanap? May kailangan po ba kayo sa kanya?
RANDEL: May itatanong lang sana ako sa kanya, but since wala siya, mamaya na lang siguro. Babalik na lang ako. Hindi naman siguro magtatagal yon dun. And...just in case na bumalik siya dito, pakisabi puntahan niya ko sa office.
