HELEN: Diyos ko! (sabay takip sa bibig) Lander...Hindi na nito mapipigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha kaya agad itong lalabas at doon hahagulgol. Ilang saglit pa at tatayo ito para magtanong kung saan nakalagak ang bangkay ni Lander. On her way, makakasalubong niya si William, pulang-pula ang mga mata nito na tila kagagaling din sa pag-iyak.
HELEN: William...wala na ang kaibigan mo. Wala na si Lander. (sabay hagulgol)
WILLIAM: (yayakapin si Helen) Ganun po talaga, nay. Wala po tayong control dun. Yon po ang pasya sa 'taas' e. Kailangan po nating tanggapin yon. Kailangan nating tanggapin na hanggang dito na lang, na hindi na natin siya makakasama pa. At kailangan po nating magpakatatag ngayon dahil yon po ang isa sa mga hiling niya.
Uupo ang dalawa sa isang sulok.
HELEN: Hindi to matatanggap ni Luana pag nalaman niya to.
WILLIAM: Hindi po niya dapat malaman na wala na si Lander. Hindi pa po sa ngayon. At lalong hindi niya pwedeng malaman na si Lander ang cornea donor niya.
HELEN: Pero paano? Siguradong magtatanong yon, maghahanap.
WILLIAM: Kami na po'ng bahala ni Clarence dun. Kailangan munang maisagawa at mangyari lahat ng hiling ni Lander bago malaman ni Luana ang tungkol dito.
HELEN: Kung ganun, a...anong dapat kong gawin?
WILLIAM: Kailangan niyo lang asikasuhin si Luana. At hindi man po magandang sabihin, pero kailangan niyo pong makisama at makisakay sa kung ano man yong gagawin namin ni Clarence.
HELEN: Anong ibig mong sabihin?
WILLIAM: Medyo komplikado po pero malalaman niyo rin unti-unti. At sa totoo lang po, medyo mahirap yong pinapagawa ni Lander pero alam kong kakayanin natin alang-alang sa kanya at kay Luana. Magtiwala po sana kayo sa amin ni Clarence. Magtulungan po tayo.
HELEN: Kung yan ang makabubuti, gawin niyo. Tiwala ako sa inyong dalawa.
WILLIAM: Salamat po, Nay.
HELEN: Pa...paano na nga pala si Lander?
WILLIAM: Natawagan na po namin ang pamilya niya.
HELEN: Maaari ko ba siyang makita?
WILLIAM: Hindi po ako sigurado, nay. Kakailanganin pa po kasi siya para sa mga mata niya.
HELEN: Ganun ba?
WILLIAM: Pero wag po kayong mag-alala, susubukan ko pong kausapin si Tito Miguel, baka pumayag po siya. Sa ngayon, gawin na lang po muna natin kung ano pong sasabihin ng mga doctor.
HELEN: Salamat, hijo.
Pagkalipas ng mahigit isang oras...
HELEN: Lander...anak...(nginig ang mga kamay, dahan-dahan nitong bubuksan ang nakatakip na puting tela sa bangkay ng binata) Lander... (hindi na nito mapipigil ang sarili na yakapin ang tila natutulog lang na binata at humagulgol ng malakas)
Wala namang magawa sila Clarence at William na nasa kanyang likuran kundi ang tapikin siya sa balikat at hagurin ang kanyang likod para lang ma-comfort ito hanggang sa mahimasmasan.
