BRENT: Okay, okay. Pero hindi ba talaga pwedeng makipagkaibigan sa kanya? As in hindi talaga?RANDEL: Brent...
BRENT: Promise, I'll be fair. I'll make sure magiging pantay-pantay ang pakikitungo ko sa lahat. I'll be civil to everybody—no intimacy intended.
RANDEL: (bahagyang matatawa) Puro ka talaga kalokohan. Tigilan mo nga 'ko.
BRENT: Pero, tol, matanong ko lang, ganyan na ba talaga katigas yong puso mo sa kanya? Pare, hindi ka ba talaga naaawa sa kanya?
RANDEL: (rolls his eyes) Here we go again.
BRENT: Mukhang mabait naman talaga siya, and I think she doesn't deserve all of this.
RANDEL: Nasasabi mo lang yan coz you like her. Pare, you've just met her twice.
BRENT: So? E sa yon ang first impression ko sa kanya.
RANDEL: Exactly. It's just an impression.
BRENT: I don't know, pero iba talaga yong pakiramdam ko sa kanya. It's not because I like her, but I think and I can feel that she's really a good person. Just think of this: ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit na-in love yong kapatid mo sa kanya?
RANDEL: I don't know. Perhaps...her body?
BRENT: I don't think so. Pare, alalahanin mo, may sakit sa puso yong kapatid mo...and...and...I think you get what I mean. Alam mong hindi pwedeng may mangyari sa kanila.
RANDEL: Malay ko ba, baka may iba pa silang ginagawang kababalaghan.
BRENT: Tss! Ano naman kaya yon? At isa pa, bulag siya dati, sa tingin mo, kaya ng kapatid mong mag-take advantage sa kanya?
RANDEL: Then I don't know. Don't ask me. And why do you even have to ask me that question in the first place?
BRENT: Dahil kapatid ka niya.
RANDEL: So? Porke magkapatid, pareho na ng taste ganun?
BRENT: Did you not ever think that your brother has found something special in her that made him fall for her? As in really hard.
RANDEL: Like what?
BRENT: That we need to find out. Kaya nga gusto ko siyang kaibiganin. Ikaw ba, wala ka bang balak na malaman yon?
RANDEL: Ano to research or something? Oh, come on, Brent. Kung yan ang dahilan mo para mapalapit ka sa kanya, forget it. Basta I'm telling you, wag na wag mong pakikialaman yong babaeng yon.
BRENT: Tss! Walang puso.
But few days after, mapapansin ni Randel ang madalas na pagbisita ni Brent sa Cielo Puro. At madalas din niya itong madaanan sa may garden kasama si Luana.
RANDEL: Mukhang nananadya ang loko. Hindi to pupwede. I need to do something para ilayo ko si Luana sa kanya.
One afternoon...
LUANA: Pinapatawag mo daw ako.
RANDEL: Yeah. I just wanna say na masaya ako sa kinalabasan ng garden. I'm impressed. I think I made the right decision na ibigay sayo ang pangangalaga dun. Salamat sa effort, but sad to say, today is your last day sa garden.
LUANA: (salubong ang mga kilay) What?! Teka, ba't naman ganun? Sino ng mag-aalaga ngayon?
RANDEL: Natural, iba na.