17 - Pretense

4.1K 33 27
                                    

                   
HELEN:         (manlalaki ang mga mata at halos di makapaniwala sa narinig) A—ano? To—totoo ba yan, hijo? Hindi magandang biro yan.

LANDER:      Nay, nagsasabi po ako ng totoo.

HELEN:         An—anong sakit? Pa—paano...paanong nangyari yon?

LANDER:      (looks away) Di ko po alam. Siguro, ito po talaga ang tadhana ko.

HELEN:         Pero...hindi pa naman ganun kalala di ba?

Mapapatingin lang saglit kay Helen ang binata tsaka iiling at iiiwas uli ang tingin.

HELEN:         Ga—gagaling ka pa naman di ba?

Wala pa ring magiging sagot si Lander. Tutungo lang ito.

HELEN:         (hahawak sa may braso ng binata) Lander, anak, sabihin mo sa akin, gagaling ka pa di ba?

Dahan-dahang lilingunin ulit ni Lander si Helen sabay agos ng mga luha sa kanyang mga mata.

HELEN:         (mapapatakip ng bibig gamit ang mga kamay) Diyos ko...(in the next blinks of her eyes, tears run down) Bakit? Bakit ikaw pa? (buong higpit nitong yayakapin si Lander)

LANDER:      Ito na po siguro ang paraan ng Diyos para makakita uli si Luana.

HELEN:         (kakalas sa pagkakayakap sa binata, naguguluhan) A—anong ibig mong sabihin?

LANDER:      Ako po ang magiging donor niya.

HELEN:         Lander...

LANDER:      (pilit itong ngingiti) Mawala man po ako, mananatili pa rin ako sa inyo sa pamamagitan ni Luana.

Hindi na mapipigilan ni Helen na yakapin uli si Lander na tila ba di na niya ito mayayakap uli sa mga susunod na araw.

HELEN:         Kailanma'y di namin mapapantayan ang kabutihan mo sa aming mag-iina, lalong-lalo na kay Luana. Hindi ako nagkamali na ipagkatiwala ko sayo ang anak ko. Napakabuti mo, napakabusilak ng iyong puso.

LANDER:      Sadya po sigurong nilikha ako para sa kanya, hindi para makapiling niya ng habang-buhay, kundi makasama niya sa pagbuo ng kanyang mga pangarap.

HELEN:         Alam kong magiging napakasakit nito sa kanya, pero pag nalaman niya yong gagawin mong to...

LANDER:      Nay, nakikiusap po ako, pilitin niyong wag mabanggit sa kanya ang tungkol dito. Ayokong masira lahat ng nakaplano. Lahat ng ito kailangang matupad sa itinakdang panahon.

HELEN:         Pero, anak, karapatan din niya na—

LANDER:      Nay, sa tingin niyo po, papayag po siya sa gusto kong mangyari? Siguradong hindi siya papayag na ako ang maging donor niya. At ang masama pa kamumuhian po niya ako pag nalaman niya ang totoo. Di ko po yon kakayanin. Di ko po kayang makita siyang galit at namumuhi sa akin.

HELEN:         Pero, anak, ayokong maging madamot at makasarili. Oo, gusto kong makakita na ang anak pero...pero hindi sa paraang ganito.

LANDER:      Nay, ito na po ang natitirang paraan. At aanhin ko po ang mga matang ito pag nalagutan na ko ng hininga?

Hindi makakasagot si Helen.

LANDER:      Nay, mahirap pong tanggapin...masakit, pero kailangan niyong magpakatatag para sa anak niyo. Higit na kakailanganin niya kayo pag wala na ko. At magiging masaya akong uuwi pag naisakatuparan na ang lahat.

Instead of an answer, tears just continuously swells from Helen's eyes.

Pagkauwi sa bahay...

LUANA:         Nay? Ba't ang tagal niyo po?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon