RANDEL: At sa tingin mo maniniwala ako? Ba't di mo na lang kasi sabihin na siya ang dahilan kung ba't gusto mo ng makipaghiwalay sa akin? Siya di ba? Di ba?
LUANA: Ano?!
By then, magri-ring ang phone ni Eric. Nanginginig namang kukunin ng huli ang nasabing gamit sa bulsa at sasagutin ito.
ERIC: Hello? Tita? Opo. Papunta na po ako diyan. Kumusta na po si Glenn?
LUANA: (stares at her husband and in a soft but mad voice) Pwede bitiwan mo na siya?
Dahan-dahan namang bibitiwan ni Randel ang kwelyo ni Eric pero hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha nito.
ERIC: Diyos ko. Sige po. Papunta na po ako diyan.
LUANA: Ano na daw ang nangyayari? Kumusta na si Glenn?
ERIC: Nasa operating room pa rin daw siya...unstable. (tila maiiyak na ito) Luana, I really need to go.
LUANA: Sige na.
RANDEL: No, hindi ka aalis.
LUANA: Tang-ina naman Randel! Ano ba? May nag-aagaw buhay na, pero yang galit mo pa rin ang pinapairal mo.
Biglang hindi makakakibo si Randel sa sinabi ng asawa. For a long time, ngayon lang niya ulit narinig si Luana na nagmura. She must have been really mad this time.
ERIC: I'm...I'm so sorry. Nang dahil sa akin nag-aaway kayo.
LUANA: No, no, no. Wala kang kasalanan. This is all my fault. Ako dapat ang humingi ng pasensya, nilagay kita sa sitwasyong to. Sige na, hinihintay ka na nila dun.
ERIC: Sige. Bukas babalik din ako.
LUANA: At sana sa pagbalik mo, dala mo ang magandang balita.
ERIC: Please, pray for him...pray with us.
LUANA: I will.
Pagkaalis ni Eric, agad ding lilisanin ni Luana ang lugar na yon. Agad namang susunod at hahabulin siya ni Randel.
RANDEL: Luana...
Pero tila walang naririnig ang asawa. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.
Pagdating sa kwarto nila...
LUANA: Here. (iaabot ang phone sa asawa) That's Glenn, Eric's partner.
Makikita ni Randel sa picture si Eric na nakayakap sa isang lalaki.
LUANA: Ngayon, kung ayaw mong maniwala, feel free na tawagan yong mga tauhan mo at paimbestigahan sila.
Hindi naman malaman ni Randel kung anong gagawin nito. Hiyang-hiya ito sa nangyari.
RANDEL: Luana...
LUANA: Gusto ko ng magpahinga.
RANDEL: Luana, I'm so sorry...
LUANA: Ayoko ng makipag-usap pa sayo. Matulog ka na.
Wala ng magagawa pa si Randel kundi ang pagbigyan ang asawa. Lalabas ito papuntang balcony at doon magpapahangin muna.
RANDEL: Fuck! What have I done again? You're so stupid, Randel. So stupid! Hindi pa natatapos yong isang problema and here's another one...because of you. Stupid! Shit! Shit! Shit!
