Tango lang ang maisasagot ni Lander.The next day, magpapaalam ang binata kay Luana. Sasama ito kina William at Clarence pabalik ng Manila to see the doctor, his Tito Miguel. He needs to tell her lies para lang may mairason siya dito.
LUANA: Mga ilang araw ka dun?
LANDER: Hindi ko alam e. Baka more or less, one week. It still depends sa dami ng trabaho. May mga documents kasi na kailangang i-review bago ko pirmahan.
LUANA: Mag-iingat ka dun ha.
LANDER: Ikaw din. Promise me, di na mauulit yong nangyari sayo dati. Lagi kang magdadahan-dahan at mag-iingat.
LUANA: Opo.
LANDER: (mapapabuntong-hininga) Ayaw mo ba talagang sumama? Sumama ka na kasi.
LUANA: Hay, ang kulit. Hindi nga pwede.
LANDER: Gusto mo isama natin sila nanay at Badong para may kasama ka.
LUANA May pasok si Badong at may trabaho si nanay. I'm sure di yon papayag.
LANDER: May makakasama ka naman dun if ever e. Dalawa pa nga silang pwedeng mag-asikaso sayo.
LUANA: At magiging dagdag lang ako sa trabaho at alalahanin nila. Wag na lang. Ayoko ng ganun. Alam mo naman yon di ba? Ayoko ng makaabala pa sa iba.
LANDER: Sige, ikukuha na lang kita ng makakasama mo para ikaw lang ang aalalahanin niya.
LUANA: Gastos lang yon. Wag na.
LANDER: Honey...konting hala—
LUANA: Lander...
LANDER: E si Minnie kaya...o kaya si Gelai? Baka pwede sila.
LUANA: Alam mo namang may trabaho din yong dalawa, di ba? Aabalahin mo pa.
LANDER: O di ikaw na lang. Sige na, para naman makapasyal ka.
LUANA: Lander, wag ng makulit okay? Marami pa namang next time e.
LANDER: (matatahimik, in ihis mind) Sana nga marami pang next time. Sana...
LUANA: (ngingiti) O, natahimik ka na diyan.
Hindi pa rin iimik ang binata.
LUANA: (hahagilapin ng mga kamay nito ang mukha ng binata) Uy, wag ka ng magtampo. (sabay pisil ng marahan sa pisngi)
LANDER: E ikaw kasi e...
LUANA: Hay...talaga naman...ako pa talaga ang nasisi.
LANDER: Sige na, alis na ko.
LUANA: Uy...Lander... (hahawakan nito ng mahigpit sa braso ang binata)
LANDER: (nakakaloko ang ngiti) Aalis na kami. (kunwari nagtatampo pa rin ang tono nito)
LUANA: Aalis kayo na nagtatampo ka?
LANDER: O sige, di na ko magtatampo—pero...sa isang kondisyon.
LUANA: What?
Imbes na sumagot, Lander moves closer to her, cups her face and kisses her lightly on the lips.
LUANA: Sullivan! (sabay hampas sa binata) Why did you do it? Baliw ka talaga! (tila naiinis pero kinikilig ito) Pano pag may nakakita sa atin?
LANDER: E ano? Girlfriend naman kita.
LUANA: Alam mo, ikaw, may kondisyon ka pang nalalaman ha. (this time kurot naman)
![](https://img.wattpad.com/cover/3060453-288-k268569.jpg)