120 - Reconciled

278 16 14
                                    


Samantala, pagkaalis ni Randel, lalabas si Luana papunta sa may pool area. Iiwan muna nito ang anak kay Helen.

Ilang saglit pa, darating sila Nemo at Vangie.

NEMO:           Okay lang ba na samahan ka namin dito?

Tango ang itutugon ni Luana.

VANGIE:        Anong nangyari?

NEMO:           Ay, teh, ano bang klaseng tanong yan?

VANGIE:        Nagtataka lang ako kasi parang pers taym na umalis si Sir pagkatapos nilang mag-away.

NEMO:           Kung ano man ang dahilan, wag mo ng alamin. Sa kanilang mag-asawa na yon.

By then, mapapansin ng dalawa ang pagyugyog ng mga balikat ni Luana at ang paghikbi nito. Agad na lalapitan ng dalawa ang kaibigan at yayakapin.

NEMO:           Shhhhh...wag ka ng umiyak.

LUANA:         Ang sama-sama ko na ba?

NEMO:           Hindi...wag mong sabihin yan.

LUANA:         I think...I think I've gone too far this time.

VANGIE:        (kakalabitin si Nemo then mouths) Ano daw?

Panlalakihan lang ng mata ni Nemo ang kaibigan as if telling her to keep quiet.

NEMO:           Kung sa tingin mo ikaw ang nagkamali or nagkulang this time, alam mo na siguro ang gagawin mo.

Hindi makakasagot si Luana.

NEMO:           Friend, wala namang masama kung hihingi ka ng sorry sa asawa mo. Hindi naman pwedeng lagi na lang siya ang magpapakumbaba. Kailangan, paminsan-minsan, ikaw din. Alam mo yan.

VANGIE:        Oo nga, sang-ayon ako diyan.

LUANA:         Tama nga kayo. Sige, mamaya pagbalik niya...I'll do that.

VANGIE:        Yay! Magbabati na sila!

LUANA:         Sana tanggapin niya.

NEMO:           Ano ka ba? Siyempre naman no. Si Sir pa. Baka kiligin pa yon ng bonggang-bongga.

VANGIE:        Baka mahalikan ka kamo ng wala sa oras.

LUANA:         Subukan lang niya, sapak talaga aabutin niya.

VANGIE:        Ay, grabe naman to. Ang bayulet mo.

LUANA:           Violet?

VANGIE:          Bayulente! Ano ba, di mo alam yon?

NEMO:           Violent yon uy.

VANGIE:         Ay akala ko bayulet din tawag. Pasensya na, tao lang na ganda lang ang meron.

NEMO:             Tse! Maghulos-dili ka nga sa sinasabi mo. Kilabutan ka uy.

VANGIE:           (matatawa) Pero di ba, may konek din naman? Kasi magkukulay bayulet mga pasa ni Sir pag sinapak nitong lola mo.

Sabay na magtatawanan ang dalawa.

LUANA:           Hindi lang violet, sisiguraduhin kong itim talaga.

NEMO:          Ay, lagot si Sir diyan. (magseseryoso) Girl, pwedeng magtanong?

LUANA:         Nagtanong ka na.

NEMO:           Seryoso ako.

LUANA:         Okay, ano po yon?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon