RANDEL: Luana! (he felt relieved knowing her consciousness is back)LUANA: (eyes still closed) Lander...
Mapapakunot sa narinig ang binata.
LUANA: Lander...honey...
RANDEL: Luana... (hahawakan niya sa pisngi ang dalaga)
Dahan-dahang magmumulat ng mga mata si Luana.
RANDEL: Anong pakiramdam mo ngayon?
LUANA: (mapapatitig kay Randel) Lander? Lander! (biglang babangon at yayakap ng mahigpit sa binata) Lander...nakita ko sina mama't papa...tas yong dugo...madaming dugo...duguan sila. Lander...wala na sila, pinatay sila... (paulit-ulit lang ito sa gitna ng pag-iyak) Wala na sila mama't papa.
Wala namang magagawa pa si Randel kundi ang yakapin na rin ang dalaga.
RANDEL: Shhhh...everything's all right now. Tama na, wag ka ng umiyak. (gently strokes her hair)
LUANA: No...they're gone. Lander, they're gone. Pinatay nila ang mama't papa ko. (kakalas sa pagkakayakap kay Randel)
Nag-aalalang nakatitig lang si Randel sa dalaga, hindi malaman kung anong sasabihin dito. Tila matatauhan naman si Luana pagkakita (uli) sa mukha ng kaharap.
LUANA: Ikaw...(agad na mapapaatras)
RANDEL: Kumusta na ang pakiramdam mo?
LUANA: (looks away as she wipes away her tears) I'm...I'm sorry. Sorry for causing trouble. (aayusin nito ang sarili at walang sabing bababa sa higaan)
Lalabas na sana ito ng kubo pero pipigilan siya ni Randel.
RANDEL: No. Uuwi na tayo. Wait for me here, kukunin ko lang yong jeep.
Pagkaalis ni Randel...
LUANA: Anong nangyari sa akin?
Uupo ito sa may kawayang higaan at mapapatingin sa kawalan, pilit na inaalala ang nangyari.
In a few minutes, darating si Randel. Madaratnan nito ang dalaga, sapo ang ulo.
RANDEL: Luana! (luluhod ito sa may harapan ng dalaga) Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo?
Mapapatingin si Luana kay Randel then mapapapikit uli ito at mapapabuntong-hininga.
LUANA: (in her mind) I can't believe I hugged this bastard. How fool of me to even have thought he's Lander. Haist! You're stupid, Luana! Stupid!
RANDEL: (hahawakan nito sa magkabilang braso ang dalaga) Luana, ano bang nangyayari sayo?
He's somewhat worried and at the same time a bit irritated. Gusto nitong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari dito.
LUANA: Just don't mind me. (tatayo ito, kukunin ang mga gamit at mauuna ng lalabas)
RANDEL: (hahabol) Luana, sandali. I'm still talking to you. (pipigilan nito ang dalaga sa may braso)
LUANA: (titingnan ng masama ang kamay ni Randel sa kanyang braso) Get your hand off me. (titingin sa binata) Babalik na ko sa ginagawa ko.
RANDEL: No. We're going home now; iuuwi na kita.
Hindi sasagot si Luana. Babawiin nito ang braso at walang sabing magpapatuloy sa paglalakad palayo kay Randel.