108 - Reasons

324 14 15
                                    

GELAI:           (pabulong kay Luana) Girl, kamukhang-kamukha talaga niya ex mo no? Para lang siyang Lander na medyo rugged tas pinahaba ang buhok.

MINNIE:         Malamang kasi identical twins sila, di ba?

GELAI:           Alam ko pero—(matitigilan dahil sa biglang paglungkot ng mukha ni Luana) Ay...sorry...gumana na naman kadaldalan ko. Bad Gelai. (marahang tatampalin ang sariling bibig)

LUANA:         (manipis ang ngiti) Ayos lang.

MINNIE:         Okay, change topic. Grabe, friend, na-miss ka namin ng bongga!

GELAI:           True! And, yes, totoo ka nga! Buhay na buhay!

LUANA:         Ako din naman, super na-miss ko din kayo. Grabe! Ang saya-saya ko. Akala ko di ko na ulit kayo makikita. (she's misty-eyed again)

MINNIE:         Yon din akala namin.

LUANA:         Kumusta na kayo? Ang Del Royal, kumusta na?

GELAI:           Ito pretty pa din just like before. Ang Del Royal, yon pa din, maalat pa din dagat niya.

LUANA:         Baliw!

MINNIE:         At ako naman... (ngiting-ngiting itataas ang kaliwang kamay kung saan nakasuot ang isang gintong singsing)

LUANA:         Oh my gosh! Kelan pa?

MINNIE:         Last year.

HELEN:         At ninang ako!

LUANA:         Wow! Pero...sayang di ko na-witness.

GELAI:           Ay akala ko sasabihin mo, "sayang, naunahan mo ko".

LUANA:         Baliw!

GELAI:           Pero okay lang, girl. Mauunahan mo naman siyang magka-tsikiting.

LUANA:         Ay, wala pa rin ba?

MINNIE:         Baka next year, pagbalik niya.

LUANA:         Pagbalik?

HELEN:         Seaman kasi ang napang-asawa niya.

LUANA:         Oh, I see. Sana hindi seamanloloko. Baka pag nasa barko na yon, binata na ulit.

MINNIE:         Ay, subukan lang niya kung gusto niyang maputol kapitan niya.

GELAI:           Hoy, ano ka ba? May bata. (sabay sulyap kay Badong)

MINNIE:         Ay, sorry naman.

LUANA:         Teka, maiba ako. Kumusta pala ang biyahe niyo papunta dito?

HELEN:         Ayos naman, anak. Asikasong-asikaso kami ng mamanugangin ko.

LUANA:         Nay...

BADONG:      Totoo, Ate. Sobrang bait ni Kuya Randel.

LUANA:         Tss! Isa ka pa.

HELEN:         Luana, anak, hanggang ngayon pa ba—

LUANA:         Nay, ayoko po munang pag-usapan yan.

HELEN:         Okay.

Pagdating ng gabi...

Sa isang kwarto matutulog sina Minnie at Gelai ganun din si Badong. Pero bago magsipuntahan sa kani-kaniyang kwarto, magkukwentuhan muna ang lahat sa may malaking sala maliban kay Randel na mananatiling nasa itaas, nakadungaw lang sa kanila.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon