Pagdating sa nasabing lugar, agad na mapapalingon sa sila Luana sa kanila.
POLDO: Tara, dito tayo!
BRENT: Wow! Ang ganda pala dito. Parang sa Cielo Puro lang din.
RANDEL: Yeah. (kay Luana ang tingin nito)
By then, isang idea ang maiisip ni Brent. Lalapitan nito si Poldo at bubulong. Then, ito naman ang bubulong kay Nemo na siya namang bubulong kay Vangie. Agad na tatayo ang tatlo. Kakalabitin ni Brent mula sa likuran si Badong at sesenyasan na kung pwede ay tumayo na rin ito.
LUANA: Teka, saan kayo pupunta?
POLDO: Anak, doon lang kami sa banda dun.
LUANA: Po?
POLDO: Sige, doon na muna kami ha.
Agad na lalayo ang lima kina Luana. By then mauupo si Randel sa tabi ng asawa.
LUANA: Tss! Sabi ko na nga ba e. (tatayo na rin sana ito pero agad siyang pipigilan ng asawa)
RANDEL: Please stay.
LUANA: Ba't nandito ka?
RANDEL: I wanna join you. Gusto ko rin makita yong sunset...Trinidad version.
LUANA: Tss!
Ilang saglit pa at unti-unti ng magkukulay pula at kahel ang langit. Tahimik lang na nakatingin si Luana sa direksyon ng papalubog na araw samantalang sa kanya naman mapapako ang titig ni Randel. At kitang-kita ng huli ang pagbagsak ng mga luha ng nauna.
RANDEL: (aabutin ang kamay ng asawa) Luana...
LUANA: Dati, tatlo kami dito. Masaya, puno ng halakhak. Dito namin binuo lahat ng mga pangarap namin. Dito binuo nila papa at mama ang mga pangarap nila para sa akin. But now they're gone. Ni hindi man lang natupad ang pangarap nila na makita nila at makalaro ang magiging apo nila dito sa lugar na to. Ninakaw ng tadhana ang lahat ng pinangarap namin.
RANDEL: (papahirin ang mga luha ng asawa) Shh...tama na.
LUANA: Then...si Lander naman ang sumunod. Siya naman ang kinuha sa akin.
RANDEL: (in his mind) She's still hurting. I thought she'd moved on. I guess...I was wrong.
Gustong nitong mainis sa narinig pero mas mananaig pa rin ang awa nito sa asawa. Kailangan nitong intindihin ang pinagdadaanan ngayon ng huli.
LUANA: Ang damot-damot nila...ang damot-damot nila.
RANDEL: No...don't say that. Nawala sila...pero may pumalit naman, di ba? Luana, kami na ang pamilya mo ngayon. Si nanay, si Badong, kaming lahat sa Cielo Puro, and most especially, ang baby natin. Bigyan mo lang kami ng pagkakataon, lalong-lalo na kami ng magiging anak natin...kami ang magpupuno ng puwang na iniwan ng mga magulang mo...pati na ni Lander.
Mapapatingin si Luana kay Randel dahil sa sinabi nito...pero agad din itong mag-iiwas ng tingin.
LUANA: Yeah, I guess you're right. Silang lahat ang pupuno sa puwang na meron sa puso ko. Silang lahat...maliban sayo.
RANDEL: Luana...
LUANA: I'm sorry, Randel, but I just wanna be honest. Hanggang ngayon...hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan lahat ng ginawa mo. I guess...I guess di pa rin ako handang patawarin ka.
RANDEL: I know...and I understand. Siguro, hindi pa sa ngayon, but I'm willing to wait. Wag mo lang sanang ipagkait yong pagiging parte ko na sa buhay mo bilang asawa mo at ama ng anak natin.