Sa may pool...
RANDEL: Si Brenda?
BRENT: Ewan ko. Nandito pa lang yon kanina. Akala ko nga pinuntahan ka niya sa loob.
RANDEL: Hindi.
BRENT: Baka umuwi na. Baka may gagawin bigla kaya di na rin nakapagpaalam.
RANDEL: Pero sana, nagsabi man lang siya sa kahit isa sa inyo.
BRENT: Sabagay.
RANDEL: Sige, tatawagan ko na lang siya mamaya.
BRENT: Ay, I'm sure matutuwa yon. By the way, where were you? Ba't di ka na nakabalik?
RANDEL: Ummm...(mapapasulyap kay Luana) Ano kasi, sumakit yong tiyan ni Mamang. E hindi ko maiwan. Pasensya na.
BRENT: Ganun ba? Kumusta na siya?
RANDEL: Okay naman na. Andun nagpapahinga na siya.
BRENT: A...okay. (titingin kay Luana na kasalukuyang inihahanda ang merienda para sa lahat) Luana, how are you now? Feeling better?
LUANA: Okay na po. Medyo masakit pa rin po ng konti pero okay na, salamat po.
BRENT: I have a special medicine sa bahay para sa leg cramps. Gusto mo ba?
LUANA: (mangingiti) Okay lang po, sige po.
Agad na makakaramdam ng inis si Randel dahil sa narinig. Tahimik naman na nakamasid at nakikiramdam sila Vangie at Nemo. Halos di naman maipinta ang mukha ni Laiza na tila balewala ang presesnya nito sa lahat.
BRENT: Okay. Next week, I'll bring some...you know, just in case.
LUANA: Salamat po ulit. Sige na po, kain na kayo.
BRENT: Oo nga. Mukhang masarap a. Tara na guys!
LAIZA: A...e...Sir Brent, Sir Randel, mauna na po ako.
RANDEL & BRENT: Ha? Bakit?
LAIZA: Medyo sumasakit din po kasi tong tiyan ko. E di po ba may gata nga po yan? Kaya pass po muna ako. Pasensya na po.
BRENT: A...okay. Sige, pahinga ka. Sana nag-enjoy ka today.
LAIZA: Siyempre naman po. Magaling po yata nagtuturo sa amin.
BRENT: Sus! Nambola ka pa. Kitakits sa susunod na Linggo.
LAIZA: Sige po. Excuse me po.
BRENT: Tara, guys, kain na!
Pagkakuha ng makakain...
NEMO: Um...pwede po bang doon po kami pumuwesto sa kabila?
BRENT: Bakit pa? Dito na lang kayo. Dadalawa na nga lang kami dito, di niyo pa kami sasaluhan.
VANGIE: A...kasi po sir, alam niyo na...puro kami mga babae. At pag sinabing mga babae, siyempre, may mga mapag-uusapan po kaming para sa aming mga babae lang. Alam niyo yon...ahm...malayang chikahan ba.
BRENT: A ganun ba? Ano bang klaseng chikahan yan?
NEMO: Sir naman e. Secret siyempre. It's a girl thing nga po di ba? Tsaka pa-girl thing na rin para sa mga kagaya ko.
BRENT: Kayo talaga. Sige, okay lang sa akin. Ikaw tol? (sabay lingon kay Randel)
RANDEL: (mapapasulyap kay Luana na masama naman ang tingin sa kanya) Okay lang din. Sige lang.