Samantala, sa isang parte ng hospital...
NADIA: Hello po? Ma'am Brenda?
BRENDA: Anong balita, Nadia?
NADIA: Nanganak na po si Luana kagabi. Isang babae at isang lalaki.
BRENDA: Kelan sila lalabas?
NADIA: After four days pa po.
BRENDA: Nagawa mo na ba yong pinapagawa ko?
NADIA: Hindi pa po, ma'am.
BRENDA: Ano? E kelan ka pa kikilos? Pag nakalabas na sila ng hospital?
NADIA: E ma'am, kumukuha pa po kasi ako ng tiyempo para makuha yong isa. Mahigpit po kasi e.
BRENDA: E di gawan mo ng paraan.
NADIA: Sige po.
BRENDA: E yong sinasabi mong nanay ng batang ipinanganak na may sakit sa puso, nakausap mo na ba?
NADIA: Opo.
BRENDA: Anong sabi?
NADIA: Nung sinabi ko po na kaya po ninyo gustong ampunin young bata e dahil gusto niyo silang matulungan, hindi na po siya nagdalawang isip. Pumayag po siya agad.
BRENDA: Babae ba o lalaki?
NADIA: Babae po, ma'am.
BRENDA: Good. Very good. So hanggang kelan sa tingin mo magtatagal yong batang yon?
NADIA: Baka di na po siya tatagal ng isang buwan.
BRENDA: Perfect. Gusto kong makita ang dalawang ungas na yon na nagdadalamhati at nasasaktan sa pagkawala ng isa sa kambal nila.
NADIA: Basta po. Ma'am, yong pangako niyo po ha.
BRENDA: Don't worry about it, Nadia. Akong bahala. In no time, nasa Canada ka na kasama pa pati buong pamilya mo.
NADIA: Thank you po, Ma'am.
BRENDA: Don't thank me yet. Thank me pag nakatapak ka na sa Canada. At mangyayari lang yon pag nagawa mo na ang pinapagawa ko—pag nagawa mo ng pagpalitin ang dalawang bata at pag nasa akin na ang anak nila.
NADIA: Opo, ma'am.
BRENDA: Pero siguraduhin mo lang na malinis ang gawa mo, dahil kung hindi, alam mo na siguro kung anong mangyayari. Damay buong pamilya mo dito.
NADIA: Yes, ma'am.
After the call...
NADIA: I'm so sorry, Mr. and Mrs. Sullivan. Kailangan kong gawin to. Buhay ng buong pamilya ko ang nakasalalay dito.
Samantala...
BRENDA: Akala nila siguro, tapos na ko sa kanila. Well, diyan sila nagkakamali. A few days from now, mapapasaakin na ang anak nila. At ako...ako ang kikilalanin niyang ina. Hindi man kita nakuha, Randel, makukuha ko naman ang pinakamamahal mong anak. At sa pagdating ng panahon, I'll break your heart, lalo na ang Luanang yon using your own daughter. (evil laughs)
End.
_________________________________________
Originally entitled Eyes On You.
Before Luana, she was Maia and Mia.
Before Randel, he was Zander.
Before Lander, he was Andrei.
Sa wakas, natapos din! Hahaha!
Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay.
God bless y'all!
