100 - Spied On

285 15 18
                                        


Lalapitan ni Nemo si Laiza.

NEMO:           (bubulong sa dalaga) Mag-usap nga tayo. (hahawakan niya ito sa braso at pilit na isasama sa labas)

Pagkalabas...

LAIZA:            Ano ba? Bitiwan mo nga ako. O, ba't ganyan ka makatingin?

Hindi sasagot si Nemo. Mananatiling masama ang tingin nito sa dalaga.

LAIZA:            Buti nga di ko sinabi na doon na siya natutulog simula nung nakaraang gabi.

Hindi pa rin iimik si Nemo.

LAIZA:            Ano? Di ka makasagot kasi totoo. Pero bakit nga ba? Bakit kaya doon siya natutulog at kailangan pa niyang pumuslit pag tulog na ang lahat? May kinalaman din kaya yon sa away nila nung isa?

NEMO:           Binabalaan kita, Laiza. Wag na wag kang magkakamaling magsabi kay Sir Del.

LAIZA:            Bakit, anong gagawin mo pag ginawa ko yon?

NEMO:           Hindi mo magugustuhan pag sakali.

LAIZA:            Baka ikaw ang magsisi. Dahil pag sinabi ko yon na kakuntsaba kayo ng Luanang yon e baka mag-alsabalutan kayo ng wala sa oras. Bye bye Cielo Puro kayo pag nagkataon.

NEMO:           Okay, fine. E di gawin mo. (smirks) Pero itong sasabihin ko sayo, hinding-hindi mangyayari yang sinasabi mo. Baka nga pasalamatan pa nga kami ni Sir Del dahil dun. Baka mahalikan pa nga niya kami.

LAIZA:            (agad na mawawala ang ngiti nito) Anong ibig mong sabihin?

NEMO:           Secret! Ba't ko naman sasabihin sayo? Masaya ka. Bahala kang mag-isip. Yon ay kung.......meron ka nito. (sabay turo ng sentido)

LAIZA:            (maiiwang nagngingitngit) Haist! Sige, tingnan lang natin. Malalaman ko rin yang sekreto niyo makikita mo.

Samantala...

Kakatok na sana si Randel nang may maulinigan itong tila nagsusuka o nagduduwal. Hinala nito, nasa loob ang taong yon sa banyong nakabukas.

RANDEL:      Sino naman kaya yon? (marahang kakatok) Vangie...Vangie! (lalakasan pa ang pagkatok at pagtawag)

Samantala, sa loob ng banyo...

VANGIE:        O, Diyos ko! Si Sir Del ata yon. (panay pa rin ang hagod nito sa likod ni Luana)

LUANA:         Ha? (panic's all over her face)

VANGIE:        Sandali...wag kang mag-alala. Dito ka lang muna. Lalabas muna ako saglit, okay?

LUANA:         Okay.

Lalabas si Vangie ng banyo at isasara ito. Sa may pinto...

VANGIE:        Sir Del! May...may kailangan po kayo?

RANDEL:      Si...si Luana?

VANGIE:        Um...nasa...nasa banyo po.

RANDEL:      Anong ginagawa niya dun?

VANGIE:        A...e...jumijingle po.

RANDEL:      Jumijingle?

VANGIE:        Opo.

RANDEL:      E ano yong narinig kong parang nagsusuka?

VANGIE:        Po?

RANDEL:      May narinig ako na parang dumuduwal.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon