Ilang saglit pa...
LUANA: Hay, ang sarap talagang tumambay dito lalo na sa gabi. Nakakaluwag ng pakiramdam kahit papaano.
Nakahiga ngayon ang tatlo sa dala-dalang banig na inilatag sa may damuhan.
VANGIE: Buti naman at okay ka na.
LUANA: Salamat sa inyo.
VANGIE: So, pwede na ba naming marinig ang kwento mo?
NEMO: Vangie...
VANGIE: Ano? Di ba yon yong usapan natin? Kaya nga tayo nandito e.
NEMO: Alam mo ikaw, tsismosa ka kahit kailan.
VANGIE: Sige na. Hindi kasi ako makakatulog hangga't di ko nalalaman kung ba't malungkot tong si Luana e.
NEMO: Weh? Talaga lang ha? Ang sabihin mo, gusto mo lang mang-usisa.
VANGIE: Nemo, kung ayaw mong makinig, o kung wala kang time makinig, bumalik ka na lang ulit sa kwarto mo, isara mo yong pinto, patayin mo yong ilaw, mahiga ka na at matulog ka na.
NEMO: Haist! Manduhan ba ko.
LUANA: Sige na, sige na, para wala ng away.
VANGIE: Ayan!
NEMO: Teka lang. Mangako ka muna na di ka iiyak.
Hindi makakaimik ang dalaga.
NEMO: So, wag na lang kung ganun. Iba na lang pag-usapan natin.
LUANA: Okay, susubukan ko.
After a while...
VANGIE: Hayaan mo na lang yong mga yon. Mga walang magawa sa buhay. Nakakaawa sila dahil nabubuhay sila sa ganun. Hindi na nila alam, nagkakasala na sila. Karma na lang ang katapat nila.
NEMO: Tumpak ka diyan, girl. At mas nakakaawa sila dahil puno ng masasamang elemento yong mga puso nila. Diyos ko, mga walang alam kundi ang manghusga ng ibang tao na di naman nila kilala.
VANGIE: Oo nga. Basta ang mahalaga, alam natin ang totoo, na di ka ganung tao. At saksi mo kami sa kabutihan mo.
LUANA: Aww...salamat. Touched naman ako. Buti na lang andito kayo, pati si mamang. Kahit papaano, may kakampi pa rin ako.
NEMO: Naman!
VANGIE: Pero, teka teh, sino yong sinasabi mong nakilala mo sa farm kanina?
LUANA: Yon ang di ko pwedeng sabihin. Pasensya na.
VANGIE: Andaya naman.
LUANA: Buti na lang talaga nakilala ko siya. Actually, nagkita na kami before tas yon, kanina, nagkita ulit kami. Salamat sa kanya ng madami. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman na pinagpipiyestahan na pala ako sa buong hacienda.
NEMO: Teka, ano nga uli siya, babae o lalaki?
LUANA: Boy nga.
VANGIE: Gwapo?
LUANA: Gwapo na, super cute pa!
NEMO: Anong name?
LUANA: Secret nga, ang kukulit.
