2 - It's You Again

5.8K 63 26
                                        

                 
LANDER:       Luana? (bigla siyang makakaramdam ng kakaibang kasiyahan) Ikaw nga!

LUANA:          Si..sino ka? (mapapangiwi) Ouch!

LANDER:       (kneels down) Luana, anong nangyari sayo? (alalang-alala ito)

LUANA:          Sino ka? (gamit ang mga kamay, mapapaatras ito) Hindi kita kilala. Lumayo ka sa akin! Lumayo ka sa akin!

LANDER:       Please, wag kang matakot. Ako to, yong lalaki sa restaurant kanina.

LUANA:          Hindi kita kilala. Umalis ka na! Badong! Badong! Badong, asan ka na ba? Badong! Ouch! (sasalatin ang kumikirot na hinlalaki ng papa at mararamdaman nito ang tila likidong galing dun) Oh my god, ano to?

Doon lang mapapansin ni Lander ang nagdurugong hinlalaki ng paa ng dalaga.

LANDER:       Jesus! Nagdurugo ang paa mo. (stoops down and closely looks at her bleeding toe)

Agad na kukunin ni Lander sa bulsa ang kanyang panyo at ibabalot sa nasugatang bahagi ng paa ni Luana.

LUANA:          (ilalapit ang nanginginig na kamay sa may ilong niya para amuyin ang naturang likido) Huh! (lalong madadagdagan ang pag-aalala sa mukha nito) Dugo...(mas lalong lalakas ang boses, tila mangiyak-ngiyak at natatakot) Badong! Badong! (kakapain ang paligid para hanapin ang kanyang dala-dalang mahabang baston pero hindi niya ito mahanap)

She tries to stand up pero pipigilan siya ni Lander.

LANDER:       (inis) Hey, are you out of your mind? Nagdurugo na nga yang paa mo o.

LUANA:          Wala kang pakialam! Umalis ka diyan at bitiwan mo ko! (hahampasin ang kamay ng binata) Badong! Badong!

LANDER:       Haist! (hindi na ito magpapaalam pa sa dalaga at agad niya itong bubuhatin)

LUANA:          (mapapasigaw) Anong ginagawa mo? Saan mo ko dadalhin? Ibaba mo ko! Ibaba mo ko sabi! (at parang kitikiting magpupumiglas)

LANDER:       Stop screaming, will you?

LUANA:          Ano ba? (itutulak at pagpapapapaluin si Lander) Ibaba mo ko! Badong! Badong, tulungan mo ko! Tulungan niyo ko! Tulu—

LANDER:       Titigil ka ba o gusto mong halikan kita?

LUANA:          (tones down) Please, kung sino ka man, ibaba mo na ko. Nakikiusap ako.

LANDER:       Calm down, okay? I won't do you any harm at hindi ako masama gaya ng iniisip mo.

LUANA:          Ibaba mo na ko please...

LANDER:       No. Kailangang maiuwi kita agad sa inyo para magamot yang sugat mo.

LUANA:          (hindi makakasagot, ipipirmi lang ang mga mata sa mukha ni Lander as if nakikita niya ito)

LANDER:       (hindi matatagalan ang 'titig' ng dalaga kaya't iiwas nito ang tingin) Ano ba kasing ginagawa mo dito sa ganitong oras? Di ba dapat nasa bahay ka na, nagpapahinga?

Sasagot na sana si Luana nang biglang may magsalita mula sa kanilang likuran.

BADONG:      Hoy! Sino ka?! Anong ginagawa mo sa ate ko? Ibaba mo siya kundi, masasaktan ka sa akin. (positions himself for an attack)

LUANA:          Badong...

LANDER:       (haharapin ang bata) Ikaw ba si Badong?

BADONG:      (maangas) Oo, bakit? Ikaw, sino ka? Bakit buhat-buhat mo yang ate ko? (mapapansin ang duguang paa ni Luana, nag-aalalang agad itong lalapit sa huli) Teka...anong nangyari sa kanya?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon