RANDEL: Pwedeng pakibilisan?LUANA: (yamot na lilingunin ang binata) Are you kidding me? Ano bang akala mo dito, multiple choice? Matching type? Haist!
RANDEL: Sinasabi ko lang. Ba't ba ang sungit mo?
LUANA: E ba't ka nagmamadali? Kung naiinip ka na, e di bukas na lang to. Ikaw nakaisip nito tas ikaw pa may ganang magreklamo. Tumahimik ka na lang kaya. Haist! (magpapatuloy sa ginagawa)
RANDEL: Aba't—
Agad na magtatakip ng teynga si Luana para hindi marinig ang sasabihin ng batang amo. Wala namang magagawa pa si Randel kundi ang mapailing at mapabuntong-hininga na lang.
Ilang saglit pa...
LUANA: Okay, done! (tatayo at walang pakialam na mag-iinat) O, ayan. (pabagsak na ilalapag ang mga papel sa harap ni Randel) Pwede na ba kong umalis?
RANDEL: Saglit lang. (checks her work)
Luana rolls her eyes and impatiently waits for his remark.
RANDEL: Mm...(walang ganang sasagot) quite impressive. Pwede na.
LUANA: So, pwede na rin ba akong umalis...Sir?
RANDEL: Okay, you may go.
She's about to go out pero pipigilan siya ni Randel.
RANDEL: Wait.
LUANA: Ano na naman? (titigil sa paglalakad at inis na lilingunin ang binata)
RANDEL: Pwede ba, bukas, agahan mo ng konti hindi yong ikaw ang inaantay namin?
Irap lang ang matatanggap na sagot ni Randel mula sa dalaga bago nito nilisan ng tuluyan ang opisina.
RANDEL: (mapapabuntong-hininga) Haist! Pambihira!
Pagdating ni Luana sa kwarto...
NEMO: O, kumusta naman ang first official day mo?
Kasalukuyang silang nagtutupi ni Vangie ng mga damit.
LUANA: (tila walang ganang sasagot) Okay lang. (sabay higa)
VANGIE: Okay lang? Paanong okay lang? Pustahan tayo nagkabangga na naman kayo ni Sir no?
NEMO: Kelan ba hindi? Imposible yon no.
LUANA: So far, okay naman tong day na to. (nakatingin ito sa kisame) Magaang kasama si Sir Norman kasi kwela siya.
VANGIE: E si sir pogi?
LUANA: (lilingunin si Vangie) Wala akong pakialam sa kanya. (marahang matatawa) Buti nga sa kanya.
NEMO: Anong nakakatawa? Anong meron?
LUANA: (babangon at uupo) Kanina kasi nagmukha siyang engot sa aming tatlo, OP na OP siya.
NEMO: Ano? Ikaw, kaya ka laging napag-iinitan ni sir e.
VANGIE: Teka, ano yong OP?
NEMO: Baliwala.
VANGIE: E ba't OP? Di ba dapat BW?
NEMO: Hay, naku, heto na naman tayo. Baliwala, yon yong ibig sabihin ng OP. Bruhang to.
VANGIE: Ganun? Hala ka, Luana, baka mamaya umusok na lang bigla ang ilong nun sa pagka-imbyerna sayo.
LUANA: Hayaan mo siya. Tsaka kayo naman, pabigyan niyo na ko, ngayon ngayon na nga lang ako nakakabawi sa unggoy na yon.
