28 - Clash

3.6K 34 28
                                    


NEMO: Mabuti na lang pala at nandoon si Nanay Helen mo. (di rin nito mapipigilang maiyak)

VANGIE: (panay ang hikbi) Oo nga. Swerte mo pa rin Luana.

CORA: Ginawaran ka ng isang milagro ng Diyos dahil may plano pa siya para sayo. (yakap-yakap nito ang dalaga)

LUANA: Siguro nga po Mamang. Si Nanay Helen at Badong ang nagsilbing mga mata ko simula noon...at si Lander. Sa mga panahon na yon, nasilayan ko ang liwanag dahil sa kanila. Nabuksan ang mga mata ng puso ko at nakita nito kung gaano kaganda lahat ng nakapaligid sa akin.

NEMO: May alam ka ba kung sino yong posibleng gumawa o di kaya nag-utos nun para gawin yon sa inyo?

LUANA: Ayoko sanang magbintang na lang dahil wala akong sapat na ebidensya. Pero...

NEMO: Pero...

LUANA: Malakas ang kutob ko na yong kapatid ni papa sa ina ang may gawa nun.

VANGIE: Ano? Nagawa yon ng sarili mong pamilya?

LUANA: Matagal ng may alitan ang pamilya namin dahil sa mana.

CORA: Ang pera nga naman...madalas talaga, puno't dulo ng kasamaan.

LUANA: Gusto nilang kamkamamin lahat ng kayamanang minana ni papa sa lolo ko. At dahil alam nilang wala silang karapatan—

NEMO: Kaya nila nagawang ipapatay kayo, ganun?

LUANA: Ganun na nga. Yon na lang ang natatanging paraan para makuha nila yon...lahat-lahat. (anger in her eyes) Pero malas lang nila dahil nabuhay ako.

VANGIE: Pero paano na yan ngayon, Luana, e...andito ka?

Biglang malulungkot ang dalaga sa sinabi ng kaibigan.

NEMO: (sisikuin ang kaibigan) Ikaw talaga, Vangie.

LUANA: (with a bittersweet smile) Oo nga no. Paano nga ba?

Hindi makakaimik ang tatlo.

LUANA: Alam niyo ba nung buhay pa si Lander, ang dami naming naging pangarap. Kasama sana yon sa mga pangarap namin—ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila papa't mama at ang mabawi lahat ng kung ano ay inilaan ni papa para sa akin. Pero parang di na nga yon mangyayari. (maiiyak uli) Kasi iniwan na niya ako. Sino pang makakasama ko? Hindi ko kakayaning mag-isa. Kung sana buhay pa siya...

CORA: Tama na, hija. (hihigpitan ang yakap sa dalaga sabay hagod sa likod) Huwag ka nang umiyak.

LUANA: Sa totoo lang, minsan gusto ko nang magalit sa Diyos. Bakit niya hinayaang mangyari to lahat? Bakit lahat na lang ng mahal ko, kinukuha niya? Ano bang naging kasalanan ko? Wala naman akong inapakang tao. Bakit puro na lang pasakit? Kelan kaya ako sasaya? Kelan ko kaya uli matitikman yong kaligayahan bilang isang tao? Iniisip ko na lang, may saysay pa ba tong buhay ko?

NEMO: Oo naman. Sabi nga ni Mamang, may plano ang Diyos para sayo.

VANGIE: Kaya huwag ka nang umiyak. Naiintindihan ka namin. At andito lang kami para sayo. Kami na ngayon ang magsisilbing pamilya mo.

LUANA: Salamat. Pero umaasa pa rin ako na darating ang panahon na makakawala din ako sa hawlang to. Pasensya na, alam kong napakabait niyo sa akin, pero may pamilya din ako na nangangailangan sa akin. Kailangan ko nang makabalik sa kanila sa lalong madaling panahon.

RANDEL: At sa tingin mo makakawala ka pa dito?

Agad na mapapalingon sila Cora, Nemo at Vangie sa pinanggalingan ng boses.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon