52 - Disdain

1.6K 33 18
                                    


Paglabas nila Brenda at Laiza...

BRENDA: Damn it!

LAIZA: Ma'am easy lang po kayo...relax lang po.

BRENDA: That bitch! Dapat pala hindi lang tulak ang ginawa ko. Dapat ihinampas ko na lang sa ulo niya yong handle na yon para natuluyan na siya.

LAIZA: So, totoo nga po ma'am na di yon aksidente, na sinadya niyo po yon?

BRENDA: Shhh...yong boses mo, baka marinig ka nila.

LAIZA: (pabulong) Nagawa niyo po yon?

BRENDA: Nainis kasi ako sa kanya. Masyadong pa-safe kung sumagot, akala mo kung sinong santa. Kairita!

LAIZA: Nakakatakot ka pala talaga ma'am pag galit.

BRENDA: Oo. Kaya ikaw, pagbutihin mo yong pinapagawa ko sayo, ayusin mo, lalo na yong pagmamanman mo. Lalo na ngayon. Mukhang tama nga yong hinala natin.

LAIZA: Na ano po? Na nahulog na po yong loob ni Sir sa Luana na yon?

BRENDA: Sige, ulitin mo pa yan, ikaw isusunod kong lulunurin dun.

LAIZA: Ma'am naman...

BRENDA: Sige na, uuwi na muna ako. Basta yong pinapagawa ko sayo.

LAIZA: Yes, Ma'am. Areglado po.

Balik kina Luana...

VANGIE: Luana, sorry talaga ha. (parang ayaw na nitong bitiwan ang kamay ng kaibigan)

LUANA: Alam mo ikaw, isa pang paninisi sa sarili mo, maiinis na talaga ako sayo.

VANGIE: E kasi naman e...buti na lang okay ka na talaga. Dahil kung hindi, buong buhay kong di ko mapapatawad ang sarili ko.

LUANA: Wag mo na kasing isipin yong nangyari, wag mo ng intindihin yon. Wala kang kasalanan okay? Aksident lahat ng nangyari.

NEMO: Hmm...aksidente nga ba?

LUANA: Nemo...

NEMO: Luana, yong totoo. Hindi to aksidente di ba?

LUANA: Please, ayoko na ng gulo, okay?

NEMO: Sabi ko na nga ba e. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko.

LUANA: Mali yang iniisip mo. Aksidente nga lang yon. Please, wag mo ng ipagpilitan pa na sinadya yon ni Ma'am Brenda, dahil hindi.

NEMO: Ewan ko. Basta, malakas talaga ang kutob ko na sinadya niya yon. Kitang-kita ng dalawang mata ko—

LUANA: Nemo...please?

NEMO: (sisimangot) Oo na, oo na. Quiet na ko. Magpahinga ka muna. Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin? May kailangan ka ba?

LUANA: Wala naman...salamat, at salamat din kasi kung wala ka dun malamang pinaglalamayan niyo na ko ngayon.

NEMO: Ano ka ba? Wag ka ngang magsalita ng ganyan. At isa pa, wag kang magpasalamat sa akin. Kay Sir ka magpasalamat dahil siya naman talaga yong sumagip sayo.

Hindi makakaimik ang dalaga sa narinig.

NEMO: Luana, pwede bang kahit minsan, nguyain at lunukin mo naman yang 'pride' chicken mo?

LUANA: (mag-iiwas ng tingin) Bakit di na lang niya ko hinayaan dun? Bakit kailangan pang sagipin niya ko? Total yon naman talaga yong gusto niyang mangyari sa akin di ba? Ang mahirapan at pagbayarin sa pagkawala ng kapatid niya.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon