NEMO: Ano? Di hindi ka makasagot. Ang hirap kasi sayo, sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo iniisip yong mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sayo dito. E kung may nangyari sayo diyan sa labas, sa tingin mo makakaya ng konsensya ni Vangie yon? Sa tingin mo ganun siya kawalang-puso para di maapektuhan? Sa tingin mo matatahimik siya? E kanina nga daig pa niya ang manganganak na aso sa pagkabalisa at pag-aalala sayo tas ngayon yan ang sasabihin mo? Okay ka rin no.Hindi pa rin makakapagsalita si Luana.
VANGIE: Nemo, tama na.
NEMO: Kung ikaw di mo kami kayang pahalagahan at ang pagkakaibigan na to, pwes, wag mo kaming ipares sayo. Dahil kami marunong kaming magpahalaga sa iba.
LUANA: (in a soft voice) Hindi niyo kasi naiintindihan e kasi hindi kayo yong nasa kalagayan ko. Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang malayo sa sarili mong pamilya at maikulong sa isang lugar na hindi mo alam kung makakalaya ka pa ba o doon ka na hanggang sa kamatayan mo. Ang hirap-hirap at ang sakit lang na wala kang magawa para puntahan mo yong pamilya mo para alamin kung okay ba sila, na mayakap silang muli. Masisisi niyo ba ko kung ganito na lang ang pangungulila ko sa kanila? Miss na miss ko na sila. (hahagulgol ulit)
Magkakatinginan at mapapabuntong-hininga ang dalawa. Magkahalong inis, galit at awa naman ang mararamdaman ni Nemo para sa dalaga.
NEMO: Alam naman namin yon e. Pero para sa akin kasi hindi ito yong magandang paraan para makaalis ka dito. Kahit naman kasi sinong tao na pinahahalagahan ka, mag-aalala ng husto para sayo. Isipin mo na lang kung anong mararamdaman namin pag nabalitaan naming may nangyaring masama sayo. Habambuhay naming pagsisisihan yon, habambuhay kaming mababagabag dun bilang mga kaibigan mo, dahil wala man lang kaming nagawa para sayo.
LUANA: (mag-aangat ng ulo mula sa pagkakasubsob sa mga palad) I'm sorry...I'm sorry sa mga nasabi ko. Desperado na kasi ako e. I'm sorry...I'm sorry...
Lalapitan ng dalawa si Luana at yayakapin ng mahigpit.
LUANA: I'm so sorry...
NEMO: (hahagurin sa likod si Luana) Shhh...tama na. Okay lang yon. At least nasabi natin yong mga gusto nating sabihin. Basta wag mo ng uulitin to ha? Wag ka ng mag-isip pa ng mga bagay na alam mong pwede mong ikapahamak.
Tatango lang si Luana.
NEMO: Good girl.
VANGIE: Luana, sorry ha. Nang dahil sa akin—
LUANA: No. Ako dapat ang mag-sorry sayo kasi imbes na magpasalamat, sinisi pa kita. Sorry kasi pinag-alala kita ng sobra.
VANGIE: Wala na yon. Ang mahalaga, andito ka na at ligtas ka. Ngayon matatahimik na ko.
LUANA: Mahal na mahal ko kayo.
NEMO & VANGIE: Kami din.
After the celebration, pupuntahan ni Randel si Luana. Madadaanan nito na pinapahiran ng gamot nila Vangie at Nemo ang mga natamong gasgas at maliliit na sugat sa may braso at siko ng dalaga. Agad na mapapatayo sila Nemo at Vangie pagkakita sa batang amo. Isang masamang tingin naman ang ipupukol ni Luana dito.
RANDEL: Tapos na ba?
NEMO & VANGIE: Opo.
RANDEL: Good. Vangie...
VANGIE: Sir?
RANDEL: Kelan mo pa alam ang plano niyang pagtakas?
VANGIE: Sir...... (kabadong mapapatingin kina Nemo at Luana)