81 - Pieces of Advice

484 16 53
                                        

           
Babalik si Randel sa sala na malungkot ang mga mata pero pilit pa rin itong ngingiti.

RANDEL:       Pasensya na po. Medyo naninibago lang po siya kaya siya ganun. Ang hiling ko lang, wag niyo po sana siyang huhusgahan sa pakikitungo niya sa akin. Batid naman po nating lahat yong mga nangyari at lahat ng ginawa kong mali sa kanya kaya di po natin siya masisisi kung maging ganun siya sa akin.

MAMENG:      Naiintindihan namin siya. Wala kang problema sa amin, hijo.

RANDEL:       Salamat po. Alam ko po na duda at di pa rin makapaniwala ang ilan sa inyo dahil nga po sa mga nangyari noon sa amin. Pero sinasabi ko po sa inyo, totoo po to (sabay turo sa dibdib) at patutunayan ko po yan. Alam ko rin po na marami na sa inyo ang may hinala noon pa man na nahulog na nga po ang loob ko sa kanya. Well, tama po lahat ng naging hinala ninyo. Nahulog na nga po ako sa kanya, hulog na hulog.

Tawanan ang lahat.

RANDEL:       At gagawin ko po lahat para tuluyan na niya kong mapatawad at tanggapin ang pagmamahal ko sa kanya.

AIDA:              Hayaan niyo, Sir, sigurado pong darating din po yong panahon na magkakaayos din po kayo. Konting tiis pa po.

MENCHIE:    Oo nga po, Sir. Tsaka gusto po naming malaman niyo na suportado po namin kayo para kay Luana. At kung kailangan niyo po ng tulong namin sabihan niyo lang po kami. Di ba mga kasama?

LAHAT:          Tama!

LAIZA:            (eye-rolls, in her mind) Mga sipsip. Haist!

RANDEL:       (ngiting-ngiti) Salamat sa suporta. Ang gandang regalo niyan ngayong birthday ko. Sana nga maging okay na lahat sa pagitan namin.

After a while, sa kwarto nila Luana...

CORA:           Luana...

LUANA:          Mamang, pasok po kayo.

CORA:           Ayos ka lang ba hija?

LUANA:          Okay lang po ako. Wag niyo po akong intindihin. Maupo po kayo.

CORA:            Nakwento na sa akin ni Randel ang nangyari kagabi.

LUANA:          Mamang...

CORA:           Wag mo na sanang uulitin yon, anak. Wag mo na ulit ilalagay sa panganib ang sarili mo. Alalang-alala kaming lahat sayo.

LUANA:          (magbababa ng tingin) Sorry po.

CORA:            (tatango) Nasabi na rin niya sa akin ang kanyang pag-amin sayo at ang balak niyang panliligaw.

LUANA:          (maiinis) Ang kapal niya. Akala siguro ng unggoy na yon ganun lang kadaling kalimutan ang lahat. Nagkakamali siya. Isa siyang hibang, at kailanman hinding-hindi ko siya magugustuhan.

CORA:           Anak, hindi mo ba siya pwedeng bigyan ng pagkakataon? Bigyan mo naman sana siya ng pagkakataon.

LUANA:          Bakit Mamang, nung ako po ba ang humingi nun, pinagbigyan din po ba niya ako?

Hindi makakasagot si Cora.

LUANA:          Bawi-bawian lang po. And now it's my turn.

CORA:           Umaasa pa rin ako na magkakaayos din kayo balang araw.

LUANA:          Wag na po kayong umasa, dahil ako na po mismo ang nagsasabi na hinding-hindi kami hahantong sa ganyan. Hanggang kamatayan na po to.

CORA:            Luana...

LUANA:          Pumayag ako sa gusto niyang mangyari para kay Vangie. Yon lang po yon.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon