LANDER: (buoyantly screams) Whoooooooooooooaaaaaaahhhhhhh! This...is...life!!! (sabay hubad ng jacket at iwawagayway ito sa ere)Nakatayo ang gwapong binata na sakay ng isang magarang top down A3 Cabriolet kasama ang kanyang dalawang malalapit na kaibigan na ngayo'y binabaybay ang mahabang daan papuntang Del Royal. They're about to spend a night out there para sa isang napakahalagang occasion – his post birthday celebration. It's a coastal area, and it's known for it's great streams and hilly lands, overlooking panorama, and nice, accommodating people.
CLARENCE & WILLIAM: (mapapatingin lang kay Lander tsaka mangingiting mapapailing)
LANDER: (titingin sa dalawa) What? Di ba dapat laging ganito? Life is short, but it's full of wonderful things to enjoy. Ano ba kayo?
CLARENCE: (tipid ang ngiti) Tumigil ka na nga diyan, pare. Para ka ng timang diyan.
LANDER: Ang ki-KJ niyo naman. You should be celebrating with me nga di ba? It's my birthday and I should be thankful for another year has been added sa buhay ko.
WILLIAM: Please don't make it hard for yourself...at...(in a soft voice) pati na rin sa amin.
LANDER: Ewan ko sa inyo. Tsaka pwede ba, kalimutan na muna natin yong mga problema na yan. Pasakit lang sila sa buhay. This is the day to enjoy and have fun. And I know, masaya ako—sobra! Dapat kayo rin. (holds his head up, closes his eyes, takes a deep breath and smiles) Ito na siguro pinakamasayang birthday sa buong buhay ko.
CLARENCE: Okay, okay... (sabay tayo) Para sa ating birthday boy! (starts shouting and screaming) More years to come! More candles to blow! More beer to chug! More wine to taste! More road trips at lahat na ng klase ng more!!! Whoooaahhh!!!
Sabay na magtatawanan ang tatlo.
Pagkarating nila sa resort where they've made a reservation, agad na didiretso ang mga ito sa restaurant. Pagkaupo nilang tatlo, isang dalaga na nakaupo sa may malapit sa counter ang agad na aagaw sa kanilang attention. Why? She's looking straight to where they're seated more specifically kay Lander.
WILLIAM: Pare, tingnan mo yong chick-a-babe dun o, kanina pa nakatingin yan dito, nakatitig ata sayo. (pasimpleng titingin sa may kinauupuan ng nasabing dalaga)
CLARENCE: Oo nga tol, pansin ko din.
LANDER: Naman! Sa hitsura kong to, kahit pa siguro bulag, mahuhumaling sa akin.
WILLIAM: Sus! Ang yabang talaga! Kaya pala mahangin dito e.
Sabay na magtatawanan ang tatlo.
Lilingon uli si Lander sa kinauupuan ng dalaga. Ganun pa rin, manipis ang ngiting nakatitig pa rin ito sa kanya. Susubukan niyang ngitian din ito—yong tipong pa-cute at pasimpleng kakawayan din pero wala siyang makukuhang ibang reaction aside sa patuloy pa ring pagngiti nito.
LANDER: (wondering) Huh?
CLARENCE: Pare, mukhang tinamaan na ata sayo.
LANDER: (bahagyang matatwa) Hayaan niyo na lang siya. Di niyo naman kasi siya masisi e.
WILLIAM: Oo na, Sige na. Baka mamaya bagyo na hatid niyang kayabangan mo. Sayang naman pagpunta natin dito. Idadamay mo pa yong ibang mga turista.
LANDER: Sorry na lang sila kung ganun. (mapapasulyap uli sa dalaga)
After about an hour...
Mapapansin ni Lander na may mga sandaling sa iba nakatingin ang naturang dalaga pero malimit niyang mahuli ito na nakatingin at nakatitig sa kanya. Kaya pagkatapos kumain...