LUANA: Hindi.
NEMO: E paano kung set up nga...na wala nga siyang alam sa nangyari? Hindi mo pa rin ba siya mapapatawad?
Hindi makakasagot ang tinanong.
NEMO: Luana, lahat ng tao deserve ang pangalawang pagkakataon. Paano pa kaya kung yong taong yon wala naman talagang ginawang masama?
LUANA: Ano pa ba ang tawag sa ginawa ko? Di pa ba matatawag na second chance yong pagpayag kong makasal sa kanya at makasama niya 'ko?
NEMO: Iba naman kasi yon. Di yon counted. Ang sinasabi ko is itong ngayon...ngayon na binuksan mo na talaga yang puso mo para sa kanya.
LUANA: Ewan ko. Ayoko munang isipin yan. Basta sa ngayon, ayoko muna siyang makita.
VANGIE: E paano si Zeo?
LUANA: Maglalaan na lang ako ng isang araw para makita niya ang anak niya at dapat dito sa bahay.
VANGIE: Ay, isang araw lang. Parang anper naman yon.
LUANA: Mabuti na yon kesa sa wala.
NEMO: Hay naku, ano ba tong nangyayari sa inyo? Anong klaseng biro na naman ba ito ng tadhana? Kung kelan pa-okay na ang lahat tsaka naman nangyari to. Nakakaloka!
Early, the day after...
GUARD 1: Um...pasensya na po talaga Sir Del, pero kabilin-bilinan ni Ma'am Luana na wag daw po kayong papasukin.
RANDEL: Ano? (halos magdugtong ang mga kilay nito, pigil ang namumuong galit)
GUARD 2: Pasensya na po talaga, Sir.
RANDEL: No! Papasukin niyo ko. Papasukin niyo ko! (lalapit sa may higanteng gate at kakalampagin ito)
GUARD 2: Sir, hindi po talaga pwede.
Inis na ilalabas ni Randel ang phone para tawagan sila Nemo. Di na nito ma-contact si Luana at blocked siya ng huli. Makakailang ring ito pero wala pa ring sasagot. Then, isusunod naman nito ang linya sa bahay.
VANGIE: Hello?
RANDEL: Vangie, Sir Randel mo to.
VANGIE: Sir, napatawag po kayo.
RANDEL: Si Luana, nandiyan ba?
VANGIE: Kumakain po.
RANDEL: Gusto ko siyang makausap.
VANGIE: Sige po. Sandali lang po.
Agad na pupuntahan nito si Luana sa may dining area.
VANGIE: Luana, may tawag ka.
LUANA: Sino daw?
VANGIE: Si...si Sir Del.
LUANA: Amin na.
She reaches for the receiver and without a word ends the call.
VANGIE: Uy, ba't mo pinatayan si Sir?
LUANA: Para tumigil na siya sa panggugulo.
VANGIE: Luana...
LUANA: Sige na, alis na ko.
Magkakatinginan lang sila Nemo at Vangie sabay iling.
Samantala...
RANDEL: Shit! (kakalampagin ulit ang gate) Luana! Luana, lumabas ka diyan!
