Hindi makakaimik si Randel.
LUANA: (mapapatingin sa binata) You...!
RANDEL: Teka, teka...ano kasi... Look, di ko sinasadya, okay?
LUANA: Di mo sinasadya? Talaga? If I know, gusto mong bumawi dahil sa nangyari kahapon.
RANDEL: Of course not. Ba't ko naman gagawin yon? I came here because—
LUANA: Enough! Kahit kailan panira ka ng araw.
Papasok si Luana ng kwarto at kukuha ng maliit na plastic at doon nilagay nito ang halaman. Then, without a word, didiretso ito sa may garden at maghanap ng bakanteng paso para doon sana ito itanim but to her dismay wala. Kaya mapipilitan na lamang siyang itanim ito sa lupa.
RANDEL: Teka lang kasi, let me explain. (nakabuntot ito sa dalaga)
LUANA: Para ano pa? Tapos na di ba? Ayon, sira na yong paso. Ipagdasal mo na lang na sana wag mamatay tong halaman. Kung nag-ingat ka lang sana kasi, e di hindi na sana to nangyari.
RANDEL: Alam mo, ang babaw mo.
LUANA: E di mababaw kung mababaw. Paki mo! Pwede ba, umalis ka na nga! Puro kamalasan na lang dala mo e. (waters the plant and walks away from him)
Sasagot pa sana si Randel pero maaalala nito ang sinabi ng Tito Miguel niya. Agad itong hahabol sa dalaga at pipigilan ito sa may braso.
RANDEL: Luana, sandali...
LUANA: Ano ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan? (sabay bawi sa braso)
RANDEL: Luana, please, hindi ako pumunta dito para makipag-away.
LUANA: So anong ipinunta mo dito?
RANDEL: I...I just wanna check on you kung okay ka.
LUANA: Psh! (rolls her eyes) Is this just a dream or another nightmare? Nagpapatawa ka ba?
RANDEL: I'm serious.
LUANA: Fine! Now, look at me, mukha ba kong okay? Sa tingin mo, ganito ba ang hitsura ng okay?
RANDEL: Luana...
LUANA: O ayan, siguro naman tatantanan mo na ko.
RANDEL: Kung ayaw mong sumama muna sa akin ngayon sa farm okay lang. Pahinga ka muna. Para kasing di ka nakatulog ng maayos kagabi.
LUANA: Kelan ba sa tingin mo na ginusto kong sumama sayo at makita yang pagmumukha mo?
RANDEL: Luana, I'm just concerned.
LUANA: Kung talagang concerned ka, then, let me be free. Don't keep me here with you.
RANDEL: Alam mong hindi ko pwedeng gawin yan.
LUANA: See? Now let me just say this. Don't you ever ask me again kung okay ako, 'cause as long as I'm here, as long as nakikita ko yang pagmumukha mo, I'm not and I'll never be okay. (magsisimula ulit itong maglakad palayo)
RANDEL: Luana! Kinakausap pa kita. (susundan ang dalaga)
Pero parang wala namang maririnig ang dalaga. Diridiretso lang ito sa paglakad. Pagdating sa kwarto, agad nitong ibabalibag ang pinto at ilo-lock.
RANDEL: Luana, ano ba? (sabay katok)
Wala pa rin itong maririnig mula sa dalaga.
RANDEL: Fine! Gusto mong makipagmatigasan? Go on! Starting today, I'll be seeing you before eight! (aalis)
