Kinabukasan, maagang sisimulan ni Luana ang paglilinis sa mga kwadra. Lalapitan muna nito ang mga kabayong ngayo'y nasa labas bago ito pumasok.LUANA: (in a happy tone) Good morning! Hi! Hello there! I'm here again! It's me again, Marja Ava Luana at your service! (ibababa ang mga dalang gamit) Alam niyo ba kung bakit masaya ako ngayon? Masaya ang umaga ko ngayon dahil wala akong kasamang asungot. Kaya...magsaya tayong lahat! Yay!
Pero agad ding mawawala ang mga ngiti nito.
LUANA: Sorry ha, ako ulit ngayon. Pasensya na kung di kasing linis ng paglilinis ni Mang Peping yong paglilinis ko dito sa bahay niyo. Nakakahiya mang aminin, pero, di kasi ako sanay e. But don't worry, (smiles) babalik na siya—bukas siguro o sa makalawa. Kaya next time na lang kayo magpa-party. Salamat sa pag-intindi.
Then she starts with the chore. Paminsan-minsan lalabas ito para magpahinga ng konti. There she'll start talking to the said animals again as if nakakaintindi ang mga ito.
LUANA: Alam niyo, pareho niyo lang din ako. (her eyes are full of sadness) Pare-pareho tayong nakakulong at walang kasiguraduhan na makakalabas pa tayo dito. Pero kung tutuusin, mas maswerte pa din kayo kesa sa akin kasi, at least, kayo, paminsan-minsan, nakakalabas kayo at nakakatakbo pa rin ng mas malayo at mas may laya. Samantalang ako, para akong ibong binalian ng pakpak. Gustuhin ko mang lumipad, di na pwede.
She continues with what she's doing hanggang sa malapit na itong matapos.
LUANA: Hay...ano bang klaseng buhay to? Ito ba ang tinatawag nilang impyerno sa lupa?
Kasalukuyan nitong winawalis ang mga dumi palabas.
LUANA: (titigil at titingala) Lander, honey ko. Kung nasaan ka man ngayon, pwede bang bumaba ka muna dito sa lupa at multohin mo yong wicked brother mo? Please? Ipaghiganti mo ko sa kanya. Kita mo o, pinapahirapan niya ko. (para itong batang nagmamaktol)
RANDEL: Anong sabi mo? (nasa may likuran ito ng dalaga)
LUANA: Ay kabayong epal!
Sa pagkagulat, biglang mapapaharap si Luana sabay wasiwas ng dalang tingting paharap kaya talsikan din ang mga duming kumapit doon...kay Randel.
LUANA: Oops!
RANDEL: Oh, shit! Hindi ka ba marunong magdahan-dahan o mag-ingat man lang?
LUANA: (with sarcasm, pipigilan ang sariling matawa) Awww...sorry po, di ko sinasadya. Di ko kasi alam na andiyan ka e. (with derision) Kaya next time, let your presence be known hindi yong bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Yan tuloy napala mo. (mapapangiti sabay iling) Tsk! Tsk! Tsk!
RANDEL: At ako pa'ng may kasalanan?
LUANA: Sino pa nga ba? Alangan namang ako. Kasalanan ko ba na nagulat ako? (tataasan ng kilay ang binata, nang-aasar) Sino ba tong nanggulat?
RANDEL: Aba't—!
LUANA: Teka...alam ko na! May naisip ako para matanggal yan agad. (agad na kukunin ang water hose) This!
RANDEL: No...no!
LUANA: Here we go! (opens the valve and lets the water swept through him)
RANDEL: Stop! Stop!
LUANA: (amused) No! Meron pa o...madami pa! (lalong lalakasan ang buga ng tubig)
RANDEL: (galit na galit) I said stop!
Tsaka lang iiiwas ni Luana ang hawak na valve, at ngiting-ngiti itong huhugasan ang mga ginamit.