93 - The Accident

320 12 35
                                        


CORA: Ano?! (mapapahawak ito sa kanyang dibdib) Bakit? Paanong...paanong naaksidente? (mapapaupo ito dahil sa panlulumo)

NORMAN: Nadulas po kasi siya habang habang hawak-hawak po yong silo na ginamit niya para mahuli yong isang guya. Tumama po yong kanang braso niya sa isang nakausling bato. E medyo matulis po yon. Tsaka sa lakas ng bagsak niya, nawalan po siya ng malay.

CORA: Ha? Diyos ko! Kumusta na siya ngayon?

NORMAN: Nagkamalay na po siya. Kinailangan pong tahiin yong sugat niya. Sa ngayon po, andun po siya sa X-ray room.

CORA: Sige, sige, pupunta na kami diyan.

NORMAN: Ay, wag na po. Kabilinbilinan ni Sir na wag na daw po kayong pumunta dito kasi nag-aalala po siya dahil sa lakas ng ulan.

CORA: Pero anak...

NORMAN: Mamang, sumunod na lang po tayo sa gusto niya.

CORA: Sige. A...pwede bang pakausap sa kanya pagkalabas niya?

NORMAN: Sige po, maya-maya po ng konti.

CORA: Salamat at maraming salamat din dahil nandiyan ka.

NORMAN: Wala pong anuman.

After an hour...

RANDEL: Hello? Mamang?

CORA: Anak, kumusta ka na? (halata sa boses nito ang labis na pag-aalala)

RANDEL: Okay na po ako.

CORA: Kumusta ang resulta ng X-ray mo?

RANDEL: Okay na okay po. Wala pong dapat na ipag-alala.

CORA: Salamat sa Diyos kung ganun. Uuwi ka ba ngayon?

RANDEL: Baka bukas na lang po siguro. Baka kasi lumakas ulit ang ulan habang nasa daan kami.

CORA: E sinong kasama mo diyan?

RANDEL: Nagpaalam po si Norman sa asawa niya kaya siya na muna ang makakasama ko dito hanggang bukas. Sabi ko nga umuwi na, ayaw naman.

CORA: Ganun ba?

RANDEL: Opo. Um...si Luana po?

CORA: Nasa kusina kasama yong dalawa.

RANDEL: Pakisabi na lang po sa kanya na hindi na muna kami makakapunta sa farm ng ilang araw.

CORA: O sige. Anong oras ka makakalabas bukas?

RANDEL: Mga bandang alas-dies po.

CORA: Okay. Sasabihan ko na lang si Poldo kung ganun.

RANDEL: A...mamang, pwede po bang...pwede po bang isama niyo si Luana sa pagsundo niyo sa akin bukas?

CORA: Ha? A...e...anak, susubukan ko. Alam mo naman yon.

RANDEL: Sige na po. Hindi naman yon makakahindi pag kayo na ang nakiusap e.

CORA: Ikaw talagang bata ka. O sige, pipilitin ko.

RANDEL: Thanks, Mamang.

Sa kusina...

VANGIE: Ganda, okay ka lang?

LUANA: Ha?

VANGIE: Para kasing di ka okay. May problema ba? May bumabagabag ba sayo?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon