Agad na bubuhatin ni Randel ang dalaga papasok sa mansion at ihihiga niya ito sa may mahabang sofa.
RANDEL: Tumawag kayo ng doctor!
NEMO: Tapos na po, Sir. Paparating na po siya.
Agad na kukunin ni Vangie ang inhaler at ibibigay kay Helen na nasa may ulunan ng dalaga.
RANDEL: (mauupo ito sa may sahig at kukunin ang kamay ng dalaga at hahagkan ito) Luana...
By then, magkakamalay ang dalaga.
RANDEL: Luana...
HELEN: Luana, anak...
LUANA: A...ano pong nangyari?
HELEN: Hinimatay ka.
LUANA: Po?
RANDEL: Kumusta na ang pakiramdam mo? May dinaramdam ka ba? May masakit ba sayo? Nahihilo ka pa rin ba?
CORA: Randel, anak, relax lang.
RANDEL: Paano po ako magrerelax kung ganitong—
LUANA: I'm okay.
RANDEL: Are you sure?
Tango lang ang sagot ng dalaga.
RANDEL: Please tell us the truth. Kung may nararamdaman kang kakaiba, sabihin mo.
LUANA: Sinabi na ngang okay ako, ang kulit. (babangon na sana ito pero pipigilan siya ng binata)
RANDEL: No, you stay there. Parating na si Doc.
LUANA: What? Bakit tumawag pa kayo ng doctor?
RANDEL: To make sure na okay ka nga.
LUANA: You didn't have to.
HELEN: Luana, mas maigi na yon para makasiguro tayo at para di na rin kami mag-alala pa.
LUANA: Pero, Nay, sinasabi ko po sa inyo na okay na po ako.
HELEN: Anak, hayaan mo na. Para din naman to sa inyo ng apo ko.
Wala ng magagawa pa ang dalaga kundi ang tumango.
Ilang saglit pa at darating na ang doctor. Ayon dito, normal lang ang nangyari sa dalaga. Bumaba lang daw ang blood sugar level nito dala ng kulang sa pagkain at stress. Sanhi din ang medyo pagtaas ng kanyang BP.
Pagkaalis ng doctor...
MINNIE: Kasi naman ganda, isang tasang sopas lang kinain mo kaninang umaga. Hindi mo pa ata naubos. Tas crackers lang sa tanghali.
RANDEL: (mapapakunot, mapapalakas ang boses) What?! Yon lang ang kinain mo?
LUANA: Pwede ba, huwag kang sumigaw?
RANDEL: I asked you kanina if kumain ka na. Sabi mo, yes.
LUANA: Kumain naman talaga ako a.
RANDEL: Nang ano, ng crackers lang?
LUANA: E sa wala akong gana.
RANDEL: A...wala kang gana. E paano naman yong anak ko. Okay lang na magutom siya dahil wala kang gana.
LUANA: Teka nga...ano bang problema mo?
CORA: Hoy, kayong dalawa, tama na yan. Diyos ko kayo talaga. Di pa man din kayo nakakasal, nag-aaway na agad kayo.