21 - Last Words

3.9K 30 13
                                        

                    

HELEN:         Ang lahat ng to, hinayaan Niyang mangyari dahil may sarili Siyang dahilan na Siya lang ang nakakaalam. Magtiwala ka lang sa Kanya, anak. Lilipas din ito.

LUANA:         Siguro nga po, lilipas din to, pero di ko po sigurado kung kailan. Sana matapos na.

HELEN:         Lahat ng bagay may oras yan. Nandito pa naman kami ng kapatid mo. Hayaan mong tulungan ka naming malagpasan mo to.

LUANA:         Salamat, Nay. Kahit di niyo ko tunay na anak, andiyan pa rin kayo palagi sa tabi ko, andiyan pa rin kayo para sa akin at kailanman di niyo ko iniwan. Hindi ko na po siguro alam ang gagawin ko kung pati kayo mawawala sa buhay ko.

HELEN:         Wag mo nang isipin yon. Nagpapasalamat nga ako't dumating ka sa buhay ko, kayo ni Badong. May panganay na nga akong babae, meron pa kong bunsong lalaki.

LUANA:         Mahal na mahal ko po kayo, kayo ng kapatid ko.

HELEN:         Mahal na mahal ka din namin anak. Sige na, matulog ka na.

LUANA:         Good night po.

HELEN:         Good night din, anak.

LUANA:         (in her thoughts) Good night, Lander. Nasaan ka man ngayon, tandaan mo na mahal na mahal pa rin kita...and I will love you...always.

Lilipas ang ilang araw. Unti-unti na ring mauunawaan ng dalaga ang mga pangyayari. Pero may mga pagkakataon pa ring naiiyak ito lalo na pag nakikita nito ang katabing bahay kung saan namalagi ang nasirang kasintahan. Madalas pa rin itong maglagi sa tabing dagat, tahimik lang, nakatingin sa malawak na karagatan.

Ilang araw pa ang lilipas...

Sullivan Law Firm

SECRETARY:          Atty. Garrido, Mrs. Helen and Ms. Luana Benedicto are already here.

WILLIAM:       Let them come in, please. And also, could you please check on Atty. De Luna? Baka tapos na sila mag-usap nung client. Tell him that they're already here.

SECRETARY:          Yes, Atty.

Ilang saglit pa...

WILLIAM:       Luana! Nay Helen! (lalapitan nito ang dalawa at yayakapin ang mga ito) Upo kayo.

LUANA & HELEN:               Salamat.

HELEN:         Asan si Clarence?

WILLIAM:       Papunta na rin po siya dito; may kausap lang po siya saglit.

HELEN:         A, ganun ba? Pasensya na medyo napaaga ata kami.

WILLIAM:       Okay lang po yon. Gusto niyo po ba ng maiinom? Kape, tsaa, juice? Ano pong gusto niyo?

HELEN:         Wag na, anak. Busog pa kami.

WILLIAM:       Sigurado po kayo.

HELEN:         Siguradong-sigurado.

WILLIAM:       Kumusta po ang biyahe?

HELEN:         Ayos naman. Walang masyadong traffic kasi nga napaaga kami.

WILLIAM:       Buti naman po. Luana?

LUANA:         Ha?

WILLIAM:       Mukha atang tulala ka diyan. May problema ba?

LUANA:         (ngingiti at iiling) Wala.

Darating si Clarence at agad na babatiin ang dalawa at yayakapin.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon