Pagkababa ng dalawa...
VANGIE: Hay! Diyos ko, ang hirap pala pag ganitong klaseng sekreto ang tinatago mo.
NEMO: Sinabi mo pa. Tas kailangan pa talaga nating magsinungaling at gumawa ng kung anu-anong kwento. Nakakaloka!
VANGIE: Pero para kay ganda at liit, kaya natin to.
NEMO: Yes! Kakayanin!
Hindi nila alam naroon malapit sa kanila si Laiza na nagkukubli sa isang sulok.
LAIZA: Sekreto? Anong sekreto? Ganda at liit. Sino si liit?
That evening...
LUANA: What are you doing here?
Simula nung may nangyari sa kanila ni Randel, hindi na ito sumasabay sa hapunan. Bababa na lang ito pagkatapos kumain ang lahat.
RANDEL: Kakain din.
LUANA: Fine. (sabay talikod)
RANDEL: (haharangin ang dalaga) Wait...di ka pa kumakain.
LUANA: So? Problema ko na yon.
RANDEL: (hahawakan sa braso ang dalaga) Hindi ka aalis hangga't di ka kumakain.
LUANA: Ano ba?
RANDEL: Sige na, maupo ka na dun.
LUANA: Ayoko! Ano ba? Bitiwan mo nga ako.
RANDEL: Mauupo ka ba dun or gusto mong—
LUANA: What? Anong gagawin mo?
NEMO: A...e...mawalang-galang na po, Sir. Pwede ko po bang makausap saglit itong si ganda?
Tsaka lang bibitiwan ni Randel ang dalaga. Aakayin naman ni Nemo ang dalaga palayo sa batang amo.
NEMO: (pabulong) Anong ginagawa mo?
LUANA: Ayoko siyang makasabay. Naaalibadbaran ako.
NEMO: A...ganun? Uunahin mo yang inis mo kesa sa anak mo.
LUANA: E kasi naman e.
NEMO: Luana, alam ko gutom ka na. At sinasabi ko sayo, hindi na pwede yang asal mong yan. Baka nakakalimutan mo, dalawa na kayo. At dapat laging nasa oras ang pagkain mo. Pag ginutom mo yang sarili mo, para mo na ring ginutom ang baby mo.
Hindi makakasagot ang dalaga.
NEMO: Sige na, lika na. (mauuna na ito at hihila ng upuan para sa dalaga)
Wala ng magagawa pa si Luana kundi ang sundin ang sinabi ng kaibigan pero nakasimangot pa rin itong mauupo. Mauupo na rin ang binata at tila nagtataka itong susundan ng tingin si Nemo, curious kung anong pinag-usapan ng dalawa at napapayag niya ang dalaga na bumalik para kumain.
NEMO: Um, Sir, Luana...may kailangan pa po ba kayo?
RANDEL & LUANA: Wala na.
Sabay na magkakatinginan ang dalawa.
RANDEL & LUANA: Salamat.
Sabay ulit na magkakatinginan ang dalawa.
LUANA: Haist! (sabay irap sa binata)
NEMO: Okay po. Doon na po muna kami sa kusina. Kung may kailangan kayo, tawagin niyo lang po kami.
