42 - I Think I'm Falling

2.8K 40 19
                                        


LUANA: Ano?! Bakit na naman? Ano na naman bang ginawa ko this time? As far as I know, ikaw ang may kasalanan sa akin. Baka nakakalimutan mo din yong ginawa mo kanina...sir.

RANDEL: Pwede ba, wag nang madaming satsat. Sumama ka na lang. (sabay kuha sa kamay ng dalaga at walang sabing hihilain ito)

NEMO & VANGIE: (manlalaki ang mga mata) Huh!!!

LUANA: Teka, teka, di mo man lang ba ako pakakainin muna? Gutom na 'ko. (pilit na babawiin nito ang kamay)

RANDEL: Mamaya na yan. Nagawa mo ngang pekehin yong pagkahilo mo't pananakit ng ulo. Siguro naman this time kaya mo ring pekehin yang gutom mo. Let's go.

LUANA: No! (makikipaghilaan)

RANDEL: Halika na!

LUANA: Ano ba? Vangie! Nemo! Ano? Manunuod lang ba kayo diyan?

Magkakatinginan ang dalawa tapos sabay na mapapatingin kay Randel. Mapapalunok ang mga ito sabay tingin uli kay Luana.

NEMO: Sige na friend, antayin ka na lang namin dito.

Sabay na tatalikod ang dalawa at magpapatuloy sa ginagawa.

LUANA: Haist! Bitiwan mo nga ako! (sabay palo sa kamay ni Randel)

RANDEL: Ano ba? (huhulihin ang isa pang kamay ni Luana) Sumunod ka na lang kasi. (hihilain ang dalaga palabas)

LUANA: Ano ba kasing kailangan mo? Pwede mo namang sabihin ng maayos di ba?

RANDEL: Wag ka ngang maingay. Gusto mo bang mabulahaw silang lahat dito?

LUANA: Bitiwan mo kasi ako! Ano ba? Biti—

RANDEL: (titigil sa paglalakad at haharapin si Luana) Titigil ka ba o gusto mong ako mismo ang magsara niyang bibig mo?

Agad namang tatahimik ang dalaga sabay kagat ng pang-ibabang labi.

RANDEL: Good. Madali ka naman palang kausap e.

LUANA: (makes face as she apes him in a low voice) Good. Madali ka naman palang kausap e. Nyenyenye... Ba't ayaw pa kasing bitiwan?

RANDEL: (kunot ang noong lilingunin si Luana) Sinabi ng—

LUANA: (irritated, softly mouths) Oo na, tatahimik na. (silently murmurs) Batukan kita diyan e.

Didiretso ang dalawa sa may malaking garahe.

RANDEL: O, dahan-dahan lang.

LUANA: Ba't ba kasi tayo nandito? (kinakabahan sa kung anong gagawin ni Randel, titingin-tingin sa paligid) Ang dilim-dilim—

RANDEL: Wag ka nga sabing maingay. (hahanapin ang main switch)

Kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang pagsalita ng isang lalaki mula sa kanilang likuran.

POLDO: Del?

LUANA: Ay, kabayong panot! (sabay yakap ng mahigpit kay Randel)

RANDEL: Tatay Poldo!

POLDO: Ay sorry, anak, kung nagulat ko kayo. Anong ginagawa niyo dito?

Doon lang parang babalik sa sarili si Luana at diring-diring kakalas sa pagkakayakap kay Randel at lalayo dito.

LUANA: Ugh!

RANDEL: Kukunin lang po sana namin sa kotse yong mga pinamili namin kanina.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon