8 - Chance

4.5K 48 32
                                    

                   
By then, mawawala ang kaba at takot nito dahil sa maaamoy nitong familiar na pabango. Dahan-dahan ding tatanggalin ng estranghero ang kanyang kamay sa pagkakatakip sa kanyang bibig.

LUANA:         (kunot ang noo) Lander?

LANDER:      Ako nga.

LUANA:         (galit) Haist! (babawiin ang kamay at paghahahampasin ng malakas ang binata) Alam mo bang tinakot mo ko?

LANDER:      Sorry.

LUANA:         Sorry. E kung may sakit ako sa puso, e di nakabulagta na ko ngayon.

LANDER:      Sorry na nga. Di na mauulit.

LUANA:         Talagang di na mauulit dahil last na to na punta mo dito sa bahay namin. Kaya umalis ka na. Alis!

LANDER:      Luana...please. Listen to me.

LUANA:         No. Umalis ka na. Wala akong oras para sayo. Alis na sabi! (ipagtutulakan ang binata)

Huhulihin ng binata ang mga kamay ni Luana.

LUANA:         Bitiwan mo ko, kundi sisigaw ako. (pilit nitong babawiin ang mga kamay sa pagkakahawak ng binata)

LANDER:      Please calm down.

LUANA:         Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kinuntsaba mo ba ang nanay ko para makapunta ka dito?

LANDER:      Well...oo, ganun na nga. Di rin kasi ako matiis ni Nanay Helen e. Alam mo namang malakas ako sa kanya.

LUANA:         Tss! (mumbles) Kapal talaga.

LANDER:      Luana, let's talk, please?

LUANA:         Wala tayong dapat na pag-usapan. Kaya kung ako sayo, uuwi na ko dahil sinasabi ko sayo wala kang mapapala sa pagpunta mo dito.

LANDER:      No. Hindi ako uuwi hangga't hindi mo ko kinakausap ng maayos. (hahawakan sa magkabilang balikat si Luana at pilit na pauupuin) Mag-uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo.

LUANA:         Ano ba? Bitiwan mo ko sabi. (hahampasin uli ang mga kamay ni Lander)

LANDER:      Mainis or magalit ka na sa akin kung gusto mo, pero hindi ako titigil sa kakakulit sayo.

LUANA:         Huh! Talaga lang ha?

LANDER:      Talagang-talaga.

LUANA:         Pwes, maghintay ka sa wala. Maghanap ka ng makakausap mo. (sabay tayo)

Pipigilan ulit ni Lander ang dalaga, this time sa kamay at mas mahigpit ang hawak niya dito.

LUANA:         Lander! (pilit nitong tatanggalin ang kamay ng binata)

LANDER:      Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka umuupo.

LUANA:         Haist! (mapipilitang umupo ulit) Ano ba talagang kailangan mo?

LANDER:      Ikaw.

LUANA:         Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Akala ko ba gusto mo ng matinong usapan?

LANDER:      Oo nga.

LUANA:         Pwes, umayos ka.

LANDER:      Hindi naman kasi ako nagbibiro at wala din akong balak na makipagbiruan sayo. Matino akong kausap no. Ikaw lang tong nagsasabing hindi e.

LUANA:         (crosses her arms) Ewan ko sayo.

LANDER:      Siguro naman, nasabi na sayo ni Nanay Helen yong napag-usapan namin.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon