Hindi agad makakasagot si Helen. Lalo lang itong maiiyak para sa anak.LUANA: (mangingiti ulit) Sabi ko na nga ba e. Hindi kayo magagalit pero mas lalo kayong maiiyak. Wag na po kayong umiyak. (sabay yakap ng mahigpit sa kinikilalang ina)
HELEN: (in her mind) Kung alam mo lang anak...kung alam mo lang. Diyos ko...ano na pong mangyayari ngayon?
Pagkauwi sa bahay ni Lander...
WILLIAM: Um...Luana, may surprise kami sayo.
LUANA: Ano yon?
CLARENCE: Kagabi, pinadalhan namin ng message si Lander about sa success ng operation mo. Sadly, hindi pa siya pwedeng ma-contact via phone. Hindi naman niya nasabi kung bakit. But anyways, he was able to record his message for you. Para daw kahit papano, marinig mo yong boses niya. Kaya ito, I downloaded it; pakinggan mo.
LANDER: (masiglang-masigla ang boses) Hi honey ko! I heard successful yong operation mo. Yay! Thank God! Sana mapabilis na yong paggaling mo. And you know what? Kahit wala ako diyan sa tabi mo ngayon, panatag pa rin ako kasi I know that you're a strong girl and that you're doing well. Oops! Ah-ah...bawal umiyak ha! Magagalit si doc...pati ako siyempre. Pasensya na mahal kung wala ako diyan ha. Medyo abrupt kasi lahat. At salamat din sa pag-intindi sa situation ko...sa situation namin dito. And sorry din kung di pa kita matawagan sa ngayon. Medyo busy pa kasi ako, dami pang dapat asikasuhin especially that nagpapahinga pa si papa, so ako muna ang gagawa lahat for him. And one more thing, I'm still not sure kung hanggang kailan ako dito. Dahil sa nangyari, mukhang matatagalan pa ko dito. Sorry baby. Sorry...sorry...sorry...sorry talaga. Kahit miss na miss na miss na kita, wala akong magawa kasi ako lang din yong inaasahan nila dito. But don't worry, pagdating ko, babawi talaga ako. Promise. O sige na, take some rest muna. Gusto ko, pagbalik ko, kahit papano, naghilom na yang sugat mo, I mean, yong mga mata mo. Gusto ko pagaling ka agad for me. Kung meron kang messages na gustong ipaabot, sabihin mo lang kila William at Clarence, sila na'ng bahala dun. And isa pa pala, about the case, silang dalawa muna mag-aasikaso nun. Don't worry they're the best our firm has got. Tiwala ako sa dalawang mokong na yan. Kung may kailangan kayo, lumapit lang kayo sa kanila. Nag-usap na kami. And I'll make sure to send emails pag may time ako para naman kahit papaano updated kayo about me. So paano ba yan, bye-bye na muna baby ko...ay mali! Hindi pala. See you soon. I love you sooooo much.
LUANA: Aysus! May pa-record-record pang nalalaman yong mokong na yon. Nakakainis! Lalo ko siyang na-miss tuloy. I love you more, honey ko.
CLARENCE: Okay lang yan. Quits lang kayong dalawa dahil miss na miss ka na rin niya.
WILLIAM: Why not make your own tas ipadala din natin sa kanya?
LUANA: Pwede?
WILLIAM: Of course!
LUANA: Sige, sige, gusto ko yan. Pwede niyo ba kong tulungan?
WILLIAM: Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sa amin.
LUANA: (tuwang-tuwa) Thank you ulit.
Magkakatinginan lang silang lahat na naroong nakapalibot sa kanya at malungkot ang mga mukhang mapapailing na lamang.
In the next few months, the two continue with their 'communication' through emails with the help of the two and 'occasional calls'. William and Clarence manage to look for and hire someone na kasing boses ni Lander. Mapapaniwala nila si Luana na medyo busy ang binata because of his ailing father kaya paminsan-minsan na lang ito kung makatawag or makapagpadala ng messages. And with the two's collaboration with the plan, maisasagawa nila lahat ng maayos—nang walang anumang pagdududa mula sa dalaga. There'll be a time, too, that it'll be mentioned in one of Lander's 'messages' that his father passes away kaya made-delay uli ang pag-uwi nito dahil kakailanganin naman siya ngayon ng kanyang ina, na maiintindihan naman ng dalaga dahil na rin sa pagmamahal nito sa huli. Everything goes well—all the lies and fabrication. Pero sa kabila ng lahat ng kasinungaingang ito, laking pasasalamat pa rin nila dahil malaking tulong ito sa mabilis na paggaling ng mga mata ng dalaga.